Tatlumpung Taon
Tatlumpung taong namalagi sa mundo pero bakit ganon?
Bakit parang napakaikli ng panahon?
Bakit parang kelan lamang ay walang tigil ang iyong iyak at hagulgol?
dahil ba sa gutom?
dahil ba sa dilim?
At sa aking kaisipan pilit kong tinatanong "Bakit di mo kaya imulat ang iyong mga mata?"
At nang nagkaedad ay napagtanto kong sanggol ka nga lang pala
Pero noon ngayon...
Tatlumpung taon
Ngayong tatlumpung taon ka na
Mulat na mulat na ang iyong mga mata
At sigurado akong iyong nakikita
Kung gaano karami nag mga taong sayo'y nagmamahal at sumusuporta
Tatlumpung taon nagpasaya
Oo, marami kang napasaya
Tandang-tanda ko pa kung gaano ka kasaya
nung nilalaro ka ni papa habang nakatapis sa kanya ang puting twalya
Hanggang sa ikaw na ang gumaya
Pakendeng-kendeng
Pakanta-kanta
Habang ang nakatapis lamang sayo ay isang puting twalya
Pero hindi ka lang kwela
Naging presidente ka din ng iba't-ibang samahan sa eskwela
Noon pa man ay isa ka nang lider
Kahit natalo ka sa pagka-SK councilor
Hindi ka tumigil sa pagtulong
sa pagkilala
At doon ka na nga nakilala ng mga taong dakila
Na hanggang ngayon ay kasangga mo pa
At sa kanilang puso ay isinisigaw nila ang katagang "Salamat"
Salamat sa tatlumpung taon ng pag-aaruka at pagsisikap.
Tatlumpung taon
Na kung susukatin ay kulang na kulang pa iyon
Kaya naman ngayong ikaw na ay tatlumpung taon
Baunin mo ang mensahe at atensyong sayo'y itutuon.
Maligayang kaarawan!
Hindi man ka-arawan,
Sana's ulanin ka ng biyaya araw-araw!
--
I finished it in 3 mins!
07/18/2022
For Julia
YOU ARE READING
A Profound Catharsis
PoetryI am going through such an emotional stress. No professionals involved yet, so I wouldn't know the severity of my mental state. Instead of slashing my own wrist or hanging myself in the ceiling, I decided to write poems. I have also started studyin...
