Pagkalabas palang ni Philip (Phil) sa airport ay nakita kaagad niya si Mang Tasyo na naghihintay sa kanya. Nakangiti ito sa kanya at kumakaway. Si Mang Tasyo ay ang family driver ng pamilya nila Phil nang napakahabang panahon na kaya naman parang ama na ang turing ni Phil dito.
“Welcome back po Señorito” nakangiting bati ni Mang Tasyo. Ngiti naman ang itinugon ni Phil dito.
Medyo may edad na si Mang Tasyo ngayon di tulad ng dati, pero ang pagkagiliw at pagiging mabait nito sa kanya ay di parin nagbabago. Sinalubong at kinuha ni Mang Tasyo ang mga dala-dalahan ni Phil at isinakay sa dala nitong Van, sumunod naman si Phil at pumasok na din sa loob ng sasakyan.
Habang nasa byahe ay nalilibang si Phil sa kanyang nakikita. Na-miss niya talaga ang Pinas. Ang ma-trapik at maingay na EDSA, ay talagang nagparamdam sa kanya na nasa Pilipinas na nga siya.
Dahil sa pagod at mahabang byahe ay nakatulog si Phil. Nang magising siya ay nandun na sila sa “Hacienda Franciano”- ang kanilang Hacienda. Napakalawak ng kanilang lupain. Libo-libong ektarya ng manggahan at tubuhan.
Habang pinagmamasdan ni Phil ang daan ay di niya maiwasan na mapangiti at maalala ang kanyang kamusmusan.
Sa Hacienda Franciano ipinanganak at nagkaisip si Phil. Malimit niyang libutin ang Hacienda dati kahit siya ay nag-iisa. Minsan naman ay kasa-kasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Andrew at Peting. Malimit silang tatlo ang magkakasama na naglilibot sa Hacienda, at kung minsan ay naliligo pa sa ilog.
Nakilala ni Phil si Andrew dahil anak ito ng ka-business partner ng kanyang mommy sa isang business nito, at nagkataon naman na nakatira sina Andrew sa isang private village malapit sa Hacienda nila. Kaya naman sa tuwing may okasyon kina Phil ay naroroon ang pamilya nila Andrew kaya naman madalas silang magkita at naging magkaibigan na nga sila.
Samantalang si Peting naman ay anak ng isa sa mga katiwala nila Phil. Maingay ito at masayang kasama kaya nila nakasundo, at minsan na nitong tinulungan silang magkaibigan ng minsan silang maligaw sa Hacienda, iyak ng iyak sila nuon ni Andrew. Sapagkat anak nga ng katiwala ng Hacienda si Peting, ay alam na nito ang pasikot-sikot sa Hacienda kaya madali nitong natuntun kung nasaan sila Phil.
Simula nuon ay silang tatlo na ang naging magkakasama araw-araw at bestfriend forever na nga ang naging turingan nila sa isat-isa.
Kaya naman ng mapagpasyahan ng pamilya si Phil na sa Canada siya pag-aralin ay nag-iyakan silang magkakaibigan ng araw na siya ay paalis na. At ngayon nga after 10 years ay bumalik siya para magbakasyon.
Isang malaking salu-salo ang inihanda para kay Phil. Lahat ng mga tauhan ng Hacienda ay naroroon. Masasarap ang mga handa. Bukod sa mga pagkain ay may inihanda rin ang mga ito na mga sayaw at awitin, ganoon talaga sa kanila, pero masaya.
Center of attraction nga itong si Phil. Marami rin kasi ang humanga sa itsura nito ngayon.
Medyo matangkad si Phil, maputi at mapula-pula ang kutis. Malinis siya manamit at ang buhok nito ay matingkad ang pagkaitim at bagsak na bumagay ang gupit sa korte ng kanyang mukha. Mapula ang labi nito at may 2 dimples sa pisngi na kitang-kita kapag ngumingiti. Idagdag pa ang pantay at mapuputi nitong ngipin na lalong nagpapakumpleto para tawagin siyang isang napakagwapong nilalang at may perpektong kaanyuan. Napakaamo ng kanyang mukha na siyang nagpadagdag ng katangian sa kanya para agad na siya ay hangaan kapag siya’y iyong napagmasdan.
Kaya naman halos kadalagahan na narororoon ay hindi maiwasan ang hindi mapatingin at humanga kay Phil. Ang iba nga ay mabati lamang at masulyapan o mangitian ng binatang amo ay halos himatayin na sa kilig.
Nang matapos na ang salu-salo ay pumasok na siya sa kanyang kwarto. Humiga siya at pumikit. Pagod na pagod na siya pero di siya makatulog, ni ayaw siyang dalawin ng antok.
Naaalala niya si Kath. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya. Almost a year na silang mag-ka-relationship ni Kath. Schoolmate niya ito sa Canada. Pero biglang-bigla ay parang nagbago ang pakiramdam niya para dito.
Nanlalamig na ang pakikitungo niya rito at minsan nga ay iniiwasan na niya ito at tinataguan. Agad naman na napansin ni Kath ang pag-iwas na ginagawa sa kanya ni Phil, kaya naman kinompronta niya ito at kinausap ng masinsinan. At dahil nga dun, si Phil na mismo ang nagpasya na kailangan na muna nilang dalawa ng “space”para makapagisip-isip, bagay na hindi sinang-ayunan ni Kath noong una. Pero sa bandang huli ay si Phil parin ang nasunod.
Nagpasya si Phil na kailangan na nilang mag “cool-off”, at sa pagbalik niya galing Pinas ay duon na sila magpapasya kung ano nga ba ang dapat gawin sa kanilang relasyon, kung ipagpapatuloy pa ba nila ang kanilang relasyon o hindi na. And for that 3 months na cool-off, kailangan ay no communication at walang pakialamanan muna sa isat-isa.
Wala namang nagawa si Kath kundi ang sumunod. Tanging mga iyak at hikbi lamang ang narinig ni Phil mula sa dalaga. Bagay na lalong nagpa-guilty sa kanya. Alam niya kasi na lahat ng ginawa niyang kondisyon ay para sa kanyang sarili. Feeling niya ay naging unfair siya para kay Kath.
Hindi niya kasi alam kung bakit pero simula ng nag-schedule siya na umuwi ng Pinas ay nanlamig na siya kay Kath. Alam naman niya na mahal na mahal siya ni Kath at alam niya din sa kanyang sarili na may nagbago sa pagmamahal niya para dito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan at kung bakit, nalilito siya sa nararamdaman.
Naging unfair man siya o hindi, basta alam niya na sa ginawa niyang desisyon ay malaki ang maitutulong nito para sa kanyang sarili, at malaki ang magiging epekto nito sa kanyang pagkatao.
BINABASA MO ANG
Forever in My Heart [COMPLETED]
RomanceMahirap ipaglaban ang pag-ibig lalo na kung alam nyo naman na sa simula pa lamang ay mali na ito. Mahirap iwan ang taong sobra mong mahal, kaya kailangan mo ng isang matinding desisyon na may malawak at matalinong pagpapasya. Isang desisyon kung saa...