Chapter XVI

15 1 0
                                    

Kinabukasan, maagang gumising si Phil. Pupuntahan niya si Kath sa Hotel kung saan ito nag-stay. Pero ng tinawagan niya si Kath ay wala na daw ito sa Hotel at papunta na siya ng airport.

Sinundan ni Phil si Kath sa airport. Nasa labas pa Kath at hinihintay siya. Nang makita siya nito ay lumapit ito sa kanya.

hi Hon. Thank you” nagpasalamat si Phil kay Kath dahil pinagbigyan siya nito ng pagkakataon na makapag-usap sila.

hindi ko nga alam e, kung bakit pa ako nandito. Sadya sigurong ganun, mahal kita eh” naluluhang sabi ni Kath.

mahal na mahal din kita Kath. I’m sorry because I hurt you and I made you cry” sabi ni Phil.

Nakikinig lang si Kath. Sumandal ito sa isang sasakyan na malapit sa kanila at pinipilit na maging kalmado, pero malayang dumadaloy ang kanyang mga luha. Gusto man niya na pigilan ay hindi hindi niya magawa.

may mga bagay akong nagawa na alam kong mali Kath. Mga pagkakamali, hindi lang sayo kundi sa pamilya ko. Hindi ko na kailangan pang sabihin sayo kung ano ang mga iyon. Ang nais ko lamang ay sana ay mapatawad mo ako.” lumuluhang sabi Phil. Niyakap nito si Kath.

sobra kitang mahal Phil, and I know that you know it. Kung pagpapatawad lang ang hinihingi mo ay napakadali kong maibibigay ito sayo.” Sabi ni Kath.

I know that. Kaya nga ako nagu-guilty. I don’t want to be unfair to you.” Sabi ni Phil.

what do you mean?” tanong ni Kath.

nalilito ako sa mga panahon na ito Kath. Sobrang mahal kita. Pero gusto ko munang hanapin ang sarili. Gusto ko munang makilala kung sino ako. Marami akong mga bagay na nagawa na gusto ko munang ayusin at itama. Ayoko namang basta-basta na lamang akong gagawa ng desisyon, at sa bandang huli ay pagsisisihan ko pala. Ayaw kong may masasasaktan sa gagawin kong desisyon. At sigurado ako na kapag nakilala ko na kung sino ba talaga ako, magiging tama ang magiging desisyon ko, para narin ito sa akin at sa ikabubuti ng lahat.” Paliwanag ni Phil.

that’s your decision. Hope you will find what you’re looking for. I think I have to go na Phil. baka maiwan ako ng flight ko.” Tanging nasambit ni Kath.

ok. Can you wait for me?” tanong ni Phil.

mahal na mahal kita. I won’t wait for you to come back baka kasi di kana bumalik. But I can assure to you that no matter what happen, no matter what you did, I will always love you… you will be forever in my heart. Kung ano man ang maging desisyon mo, magiging masaya ako basta’t alam ko na masaya ka. Bye Phil” yun lang at tumalikod na si Kath. Iniwan na niya si Phil.

Ayaw niyang makita siya ni Phil na umiiyak. Mahal niya si Phil, kaya tatanggapin niya kung ano man ang maging desisyon nito. Pero mas magiging maligaya siya kung siya ang pipiliin nito at babalikan siya nito.

Forever in My Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon