Isang lingo na ang lumipas simula ng umalis si Kath. At sa mga araw na nagdaaan ay hinanap ni Phil kung sino at ano nga ba talaga siya. At ngayon nga ay nakabuo na siya ng isang desisyon. Masakit man ito sa kanya pero alam niya na ito ang tama at makakabuti sa lahat. At sa tingin niya ay hindi niya ito pagsisisihan kahit kailan.
Nang gabi din iyon ay nakipagkita si Phil kay Andrew. Nakikipaghiwalay na siya. Syempre pa ay hindi iyon ikinatuwa ni Andrew. Nagalit ito nung una, hanggang sa huli ay nagmakaawa ito kay Phil na wag siyang iwan.
“akala ko ba mahal mo ako? Bakit kailangan nating maghiwalay?” tanong ni Andrew.
“yah mahal nga kita Andrew. Kaya nga gusto ko na makita ka din na masaya. Aminin na natin sa ating mga sarili na mali itong ginagawa natin, and we should do the right thing.” Paliwanag ni Phil.
“kelan pa ba naging mali ang magmahal Phil?” tanong ni Andrew, lumuluha na ito.
“isang makasariling pagmamahal ito Andrew. Hindi mo ba inisip na magkaroon ng pamilya? Isang masayang pamilya na may mga anak?” balik na tanong ni Phil.
“ikaw ang gusto kong makasama Phil. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang kuntento na ako.” Sabi ni Andrew.
“Malabo pa ang isip mo sa ngayon Andrew. Ganyan din ako nuong una. Oo mahal kita, pero mas iniisip ko ang kapakanan natin in the future. I’m giving-up not because I don’t love you. Gusto kong makita ka na masayang bumubuo ng pamilya. Mahal na mahal kita pero ayaw kong maging madamot. Gusto kong makita tayong nagiging matagumpay sa tamang paraan. Gusto kong makita ang ating mga sarili na kahit matanda na at maputi na ang ating mga buhok ay masaya tayo sa piling ng ating mga mahal sa buhay..pamilya..asawa..mga anak at mga apo.. matalino ka Andrew at alam kong naiintindihan at nauunawaan mo ako. Buksan mo lang ang puso at isipan mo.” mahabang paliwanag ni Phil. Umiiyak na din siya.
Mahal niya na nga din talaga si Andrew. Alam niya na ginagawa niya ang lahat ng ito dahil sa pagmamahal. Si Andrew naman ay patuloy padin ang pag-iyak. Hindi ito nagsasalita.
“aalis na ako Andrew. Alam kong mahirap tanggapin sa una, pero alam ko rin na maiintindihan mo ako at mauunawaan. I love you and goodbye Andrew.” Paalam ni Phil.
Tumalikod na si Phil para umalis. Pero niyakap siya ni Andrew at pinipigilan na umalis. Humahagulgol ito at nakikiusap na wag siyang iwan. Umiyak na din ng umiyak si Phil.
“I have to go na Andrew. Please let me go.” Pakiusap ni Phil. Bago sumakay sa kotse niya si Phil ay may binigay itong isang malaking frame na may nakabalot pang dyaryo.
“what’s this?” tanong ni Andrew habang pinapahid ang mga luha.
“it’s a painting. I made it for you. Aalis na ako next week. I’m going back to Canada.” Sabi ni Andrew.
Pagkauwi ni Andrew sa kanilang bahay ay agad siyang pumasok sa kanyang kwarto at binuksan kung ano ang painting.
Nagulat si Andrew sa nakitang painting. Napakaganda ng painting na ito para sa kanya. Bukod sa ang gumawa nito ay ang taong mahal na mahal niya, ay mismong sila ang inilalarawan sa painting.
Larawan iyon ng dalawang tao na nasa dalampasigan. Nakaupo sa buhanginan habang nakatingin at pinapanuod ang reflection ng mga bituin at buwan sa dagat. Isang napakagandang larawan. Napakaganda para sa kanya at napakalaki ng bahagi sa kanyang buhay ng painting na iyon.
Dahil sila ni Phil ang tinutukoy ng larawan sa painting. Alaala iyon nung sila ay nasa isla pa lamang. Larawan kung kailan naging totoo sila sa kanilang mga damdamin.
Halos bumuhos at maubos lahat ng luha ni Andrew habang inaalala ang mga pangyayari sa painting na iyon. Halos nag-flashback din sa kanya ang masasaya at magagandang pangyayari sa kanila ni Phil sa isla.
BINABASA MO ANG
Forever in My Heart [COMPLETED]
RomanceMahirap ipaglaban ang pag-ibig lalo na kung alam nyo naman na sa simula pa lamang ay mali na ito. Mahirap iwan ang taong sobra mong mahal, kaya kailangan mo ng isang matinding desisyon na may malawak at matalinong pagpapasya. Isang desisyon kung saa...