Almost 9:00 in the morning ng nagising si Phil. Nagising siya dahil sa sikat ng araw na direktang tumatama sa kanyang mukha. Wala na siyang kasama, wala na si Andrew sa kwarto. Tumayo siya at isinara ang kurtina ng bintana at humiga ulit sa kama. Pumikit siya at inalala ang halik na binigay sa kanya ni Andrew. Napangiti siya at hinawakan ang labi. Pilit niyang inalala kung gaano kalambot ang labi ni Andrew at kung gaano ito kasarap humalik.
“hey wake-up” pabulong na wika ni Andrew.
Nagulat si Phil. Pagmulat niya ng mata ay mismong nasa tapat na ng mukha niya si Andrew. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha. Hindi man lamang niya naramdaman ang paglapit nito.
Magsasalita pa sana siya pero bigla na siyang hinalikan ni Andrew. Gusto man niyang pigilan ito ay hindi niya magawa dahil nagugustuhan niya ito.
Waring nabitin pa si Phil ng tumigil ito. Pagmulat ni Phil ay nakangiti ito sa kanya.
“good morning babe” sabi ni Andrew sabay kindat sa kanya.
“good morning” sagot naman ni Phil, nakangiti ito.
Napakasarap para sa kanyang pandinig na tinawag siyang “babe” ni Andrew.
“Bangon na and sabay na tayong magbreakfast. Nagluluto na si Bino so get ready bago pa lumamig ang pagkain” nakangiting sabi ni Andrew.
“ok. Susunod na ako, mauna ka ng lumabas” sagot ni Phil.
Tumango naman si Phil. Lalabas na sana si Andrew ng muli siyang tinawag ni Phil.
“I love babe” nakangiting sabi ni Phil kay Andrew.
Si Andrew naman ay isang malaking ngiti ang binigay kay Phil.
“I love you more babe” buong pagmamahal na sagot ni Andrew, at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.
Mahal na mahal ni Andrew si Phil. Matagal na niyang gustong marinig mula kay Phil na mahal din siya nito. At ngayon ngang narinig na niya ito ay sobrang saya ang kanyang nararamdaman.
Si Phil naman ay ganun din ang nararamdaman tulad ng kay Andrew. Inayos niya muna ang sarili bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina.
Pagpasok ni Phil sa kusina ay nanduon ang tatlo. Patay-malisya naman siya kay Andrew na parang walang nangyari sa kanila. Ayaw niya kasing mahalata at malaman nila Peting at Bino na may relasyon sila ni Andrew. Alam niya kasing mag-iiba ng tingin ng mga ito sa kanila.
“good morning guys.” Bati ni Phil sa tatlo.
“aba mukhang napasarap ang tulog ah” pambibiro ni Peting.
“ang ganda pala dito tol madami kang makikitang barkong dumadaan” dagdag pa ni Peting na halata sa tinig nito ang paghanga. Ngumiti lang naman si Phil at umupo na.
“what do you want? coffee or milk?” tanong naman ni Andrew.
“how about hot choco please?” sagot ni Phil.
“ako na po ang magtitimpla Sir” sabi ni Bino.
Sabay kuha nito ng tasa para magtimpla na ng hot choco para kay Phil. Pero nagulat ito ng biglang inagaw ni Andrew ang ginagawa niya. Maski si Phil at Peting ay nagulat din.
“no ako na Bino. Ituloy mo nalang ang ginagawa mo ng makakain na tayo, ako na ang mag titimpla para kay Phil” sabi ni Andrew sabay kindat kay Phil.
“aba daig nyo pa ang magsyota nyan ah, ang sweet!” pambibiro ni Peting.
Si Phil naman ay hindi nakapagsalita. Pinamulahan siya ng mukha na labis naman na pinagtaka ni Peting pero di na ito nagtanong.
Halos isang linggo na silang naroroon. Kung minsan ay naliligo sila sa dagat, minsan naman ay fishing ang kanilang ginagawang libangan. Kapag medyo naiinip naman sila ay nililibot nila ang iba pang mga islang naroroon sakay ng yate. Talagang napakaganda ng lugar.
Napakasaya ni Peting, lalong lalo na si Phil. Dahil hindi lang sa kagandahan ng paligid siya nasisiyahan, kundi dahil sa kasama niya si Andrew, at busog na busog siya sa pagmamahal nito.
BINABASA MO ANG
Forever in My Heart [COMPLETED]
RomanceMahirap ipaglaban ang pag-ibig lalo na kung alam nyo naman na sa simula pa lamang ay mali na ito. Mahirap iwan ang taong sobra mong mahal, kaya kailangan mo ng isang matinding desisyon na may malawak at matalinong pagpapasya. Isang desisyon kung saa...