Nang magising si Peting ay agad siyang lumabas ng kwarto. Malinis na ang kagabi ay makalat na paligid dahilan sa inumang nangyari.
Sina Andrew at Bino ang nadatnan niya sa kusina na naghahanda ng pagkain nila.
“aba bro napasarap ang tulog mo ah, tanghali na. Para sa lunch na ang niluluto ni Bino eh” nakangiting sabi ni Andrew sa kaibigan.
Si Peting naman ay ngumiti lang at nagtimpla ng kape. Pagkatapos nun ay lumabas siya at sa dalampasigan pumunta. Umupo siya sa isang malaking bato duon, nag-iisip habang patuloy ang paghigop ng mainit na kape.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon sa mga kaibigan pagkatapos niyang matuklasan ang lihim na relasyon ng mga ito.
“hey bro bakit ka nag-iisa dito sa labas?” tanong ni Phil.
May dala-dala itong isang basket na may lamang iba’t-ibang uri ng shells. Sa wari ni Peting ay kanina pa ito naglilibot sa paligid para manguha ng shells at di niya napansin na naroon ito dahil sa pag-iisip.
“wala tol nag-iisip lang” sagot ni Peting.
“at ano naman ang iniisip ng bestfriend ko ha?” nakangiting tanong ni Phil sa kaibigan sabay akbay dito.
Si Peting naman ay wari ba’y parang naiilang ng akbayan siya ni Phil pero di siya nagpahalata. Gusto sana niyang ipagtapat sa kaibigan ang kanyang mga nakita at nalaman pero di niya alam kung paano sisimulan, at natatakot din siya sa maaaring maramdaman ni Phil pag sinabi niya dito ang kanyang natuklasan.
“aba, ano yan huh? Bakit parang may drama dyan?” biro ni Andrew. Papalapit ito sa mga kaibigan.
“ewan ko ba dito kay Peting. Napaka-loner ngayon, di ako sanay eh” sabi naman ni Phil.
“napansin ko nga yan kanina eh. Bakit bro may problema ka ba?” tanong naman ni Andrew kay Peting.
“wala mga tol. Hang-over lang ito. Naiisip ko din kasi sila itay at inay. Pero ok lang ako” pagsisinungaling ni Peting. Hindi pa siya handa na ipagtapat ang mga nalaman sa mga kaibigan.
“ganun ba? Naku samahan mo nalang kami na manguha ng shells, malilibang ka pa.” sabi ni Phil.
“kayo nalang bro. medyo kelangan ko pa ata magpahinga eh” tanggi ni Peting.
Sina Andrew at Phil naman ay hindi na pinilit pa si Peting. Nagpaalam nadin sila sa kaibigan at umalis na sila para manguha ng shells.
Mula sa kinauupuan ni Peting ay kitang-kita niya ang mga kaibigan. Masaya ang mga ito. Kitang-kita niya sa mga kilos ng mga ito ang kakaibang kasiyahang nadarama.
Mahal na mahal niya ang mga kaibigan. Parang kapatid na ang turing niya sa mga ito kaya naman lubha niyang ikinagulat ang nakita.
Pero sa nakikita niya ngayon sa mga kaibigan, parang wala siyang karapatan na sumbatan ang mga ito. Oo nga na para sa kanya ay hindi tama ang ginagawa ng kanyang mga kaibigan. Nais niya lamang ngayon na suportahan ang kanyang mga kaibigan. Masaya na siya kung masaya ang mga kaibigan.
At ayon na din sa kanyang mga nakita at narinig, ang mga nangyayari kina Andrew at Phil ay dahil sa pagmamahalang kanilang nadarama. Mahal nila ang isa’t-isa kaya nila nagagawa iyon. At mahal ni Peting ang mga kaibigan kaya susuportahan niya ang mga ito. Alam naman niya na ang pagmamahalan nila Andrew at Phil ay tunay at galing sa puso.
Muntik ng mag-iba ang pagtingin niya sa kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang natuklasan. Pero dahil sa pagmamahal niya sa mga ito ay naintindihan niya ang damdamin at pagmamahalan nila Phil at Andrew.
Masaya niyang tinitingnan ang mga kaibigan na masayang naghaharutan habang patuloy na namumulot ng mga shells.
Bago siya pumasok sa loob ng bahay ay muli niyang nilingon ang mga kaibigan at kumawala sa kanyang labi ang isang matamis na ngiti.
Naging normal ulit ang pakikitungo ni Peting sa mga kaibigan. Nagpatuloy ang kanilang masayang bakasyon.
Patuloy din ang pagmamahalan nila Phil at Andrew. Habang tumatagal ay mas minamahal nila ang isa’t-isa. Masaya sila at punong-puno ng pagmamahalan.
May paminsan-minsan na nahuhuli ni Peting ang sweetness ng dalawa pero di siya nagpapahalata. Pinababayaan niya lang ang dalawa, at masaya siya para sa mga ito.
Natapos na ang kanilang bakasyon at kailangan na nilang umuwi. Kailangan man nila na umuwi ay dala-dala naman nila ang kasiyahan, at masasabi nila na sulit ang kanilang naging bakasyon.
Pero ang kasiyahan na iyon ay hindi nila alam na magbabago sa kanilang pag-uwi sa mansion.
BINABASA MO ANG
Forever in My Heart [COMPLETED]
RomanceMahirap ipaglaban ang pag-ibig lalo na kung alam nyo naman na sa simula pa lamang ay mali na ito. Mahirap iwan ang taong sobra mong mahal, kaya kailangan mo ng isang matinding desisyon na may malawak at matalinong pagpapasya. Isang desisyon kung saa...