Maagang nagising si Phil. Madilim pa lamang at tulog pa ang lahat. Bumangon na siya at lumabas. Pumunta siya sa dalampasigan. Bilog na bilog pa ang buwan at napakagandang tingnan ang reflection nito sa dagat. Napakasarap pagmasdan nito kasabay ang tunog ng mga hampas ng alon. Umupo siya sa buhangin. Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya.
Iniisip niya ang mga sinabi sa kanya ni Andrew kagabi. Siya ba ang tinitukoy na 1st love ni Andrew? Aminin man niya sa sarili o hindi ay nakaramdam siya ng kasiyahan dahil dun. Pero hindi siya sigurado kung siya ba talaga ang tinitukoy nito. Tumingala siya sa langit at nagbuntong hininga ulit.
“ang aga mong magising ah? It's just 4 o'clock.”sabi ni Andrew. Nasa likuran na niya ito papunta sa kanya. Nagulat pa si Phil. May dala itong hot coffee para sa kanilang dalawa. Binigay niya ang isa kay Phil.
“bigla akong nagising eh, di na ako makatulog so I decided na pumunta na lamang dito, ikaw bakit gising ka” sabi ni Phil.
“nagising din ako eh. Napansin kong wala ka sa kama, hinanap kita and dito kita nakita” paliwanag ni Andrew.
“ahh ganun ba. It's too early, why don’t you go back to sleep?” tanong ni Phil.
“umf. Nawala na antok ko. Why? Ayaw mo ba ng kasama? Do you want to be alone?” tanong ni Andrew.
“no. Di naman sa ganun baka lang kasi napipilitan ka lang and you want to go back to bed” sabi ni Phil.
“no it's ok, so bakit nga ba ang lalim ng iniisip mo? ano bang iniisip mo?” usisa ni Andrew.
Kanina niya pa kasi nakita si Phil at napansin niyang napakalalim ng iniisip nito. Kaya napagpasyahan niyang samahan ito.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Phil bago ito nagsalita.
“napakarami bro, nalilito ako sa mga nangyayari at nararamdaman ko ngayon” sabi Phil.
“like what?” tanong ng Andrew.
BINABASA MO ANG
Forever in My Heart [COMPLETED]
RomanceMahirap ipaglaban ang pag-ibig lalo na kung alam nyo naman na sa simula pa lamang ay mali na ito. Mahirap iwan ang taong sobra mong mahal, kaya kailangan mo ng isang matinding desisyon na may malawak at matalinong pagpapasya. Isang desisyon kung saa...