Chapter XVIII

16 1 0
                                    

Araw na ng pag-alis ni  Phil pabalik sa Canada. Maaga siyang umalis sa mansion. Bago siya umalis ay nagpaalam muna siya sa lahat ng tao at mga tauhan sa Hacienda. Lahat ng mga ito ay malungkot sa pag-alis ng binatang amo.

Umiiyak man ang mommy ni Phil ay masaya naman ito.  Humalik muna siya at niyakap ang kanyang mga magulang bago umalis. Nakangiti siyang kumakaway habang papaalis at tinitingnan ang mga magulang. Katabi ng mommy niya ang kanyang daddy at si Nanay Iseng.

Inihatid siya ni Mang Tasyo kasama si Peting.

Medyo malungkot si Phil. Simula kasi ng gabing mag-usap sila ni Andrew ay hindi na muli sila nagkita at nagkausap.

Nang nasa airport na sila ay hindi maiwasan ni Peting ang mapaluha.

iiwan mo na naman kami. Babalik ka pa ba?” malungkot na tanong ni Peting.

oo naman. Babalik ako promise. Aayusin ko lang ang buhay ko sa Canada. Tatapusin ko ang pag-aaral ko, at sisikapin kong matupad ang mga pangarap ko.” Sabi ni Phil.

Nagyakapan silang magkaibigan.

pwede din ba akong makiyakap dyan?” tanong ng boses.. si Andrew.

oh tol buti nakarating ka!” gulat na sabi ni Peting.

syempre naman no. Alangan naman na wala ako sa araw na aalis itong mokong na ito!” natatawang sabi ni Andrew sabay yakap kay Phil.

oh baka magkadevelopan na naman kayo nyan huh” pambibiro ni Peting.

hindi na no. We know what is the right thing to do. Di ba?” sabi ni Phil sabay kindat kay Andrew.

yup! And because we love each other, we made a promise that we have to build a family and we will grow old and see our grandchildren playing with each other. Right?” Natatawang sabi ni Andrew.

tama! Thanks and you eat my words” sabi ni Phil at muli silang nagyakapan.

of course. I love you that’s why gagawin ko kung anong sinabi mo. I know naman that you’re right” nakangiting sabi ni Andrew. Hindi mapigilan ng kanyang mga luha ang tumulo.

o sige na, kailangan ko ng pumasok. Take care nalang ang good luck sa ating lahat” paalam ni Phil.

o sige bro ingat ka din. Wag mo kaming kalimutan” sabi ni Peting.

oo naman! Ikaw pa. Salamat sa lahat ha” sabi ni Phil at niyakap niya ulit si Peting.

ako din huh. Don’t forget me, coz I wont forget you. You’re my inspiration, and thanks for the painting. I love you Phil. You will be forever in my heart. Thanks for the memories and love.” Sabi ni Andrew.

thanks Andrew. You will be forever in my heart also… even Peting.” sabi ni Phil, at muli silang nagyakapan.

Bago pa muling umalis ay nag-group hug ulit ang tatlo. Masaya naman silang pinapanuod ni Mang Tasyo sa malayo. Tuwang-tuwa ito sa friendships ng tatlo.

Bago pa tuluyang pumasok sa loob si Phil ay muli niyang nilingon ang mga kaibigan. Nakatingin parin ito sa kanya. Ngumiti siya at muling kumaway.  Gayon din naman ang ginawa ng mga kaibigan.

Mahal na mahal niya ang mga kaibigan. Marami siyang natutunan sa mga ito. Marami rin siyang mga magagandang alaala at karanasan na kasama ang mga kaibigan.

Nagkaroon man siya ng kamalian, ngayon ay handa na siyang bumangon at ituwid ang mga pagkakamali niyang nagawa.

At ngayon nga ay magsisimula na siya ng bagong-buhay sa piling ng taong mahal na mahal niya at alam niya na naghihintay sa kanya at mamahalin siya at mamahalin niya panghabambuhay… si Kath.

Forever in My Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon