Sabado ng umaga. Maagang nagising si Phil. Maaga palang ay ready na siya para umalis. Kagabi palang kasi ay inayos na niya lahat ng mga dadalhin niyang mga gamit at mga kailangan niya, kaya ngayon ay hinihintay niya na lang ang oras ng pagdating ni Andrew para sunduin sila.
Gusto sana ng mommy ni Phil na si Mang Tasyo na ang maging driver nila. Pero nakiusap si Andrew na siya nalang ang magd-drive para naman daw di sila mailang na magkakaibigan at magkaroon sila ng “privacy”. Pumayag naman ito at pinaalalahanan lang sila na mag-iingat at tumawag agad sa kanila in case of emergency.
Maya-maya ay bumusina na si Andrew, hudyat na dumating na ito. Paglabas ni Phil ay nag-iwan muna siya ng note for his mom&dad sa tapat ng kwarto ng mga ito, at dumiretso na siya palabas. Naipasok na ni Mang Tasyo ang mga gamit niya sa sasakyan. Bago sumakay sa kotse ay nagmano muna ito kay Mang Tasyo at nagpaalam. Parang ama na din kasi ang turing niya dito.
Dinaanan nalang nila si Peting sa tapat ng kubo ng mga ito. Malayo palang ay kitang kita na nila ito. Nakaupo ito malapit sa puno at halatang inip na. Natawa lang sila itsura ng kaibigan. Excited itong sumakay ng sasakyan.
Kotse ang dala ni Andrew. Si Andrew ang driver at katabi niya sa unahan si Phil. Si Peting naman ay nagsosolo sa back-seat. Palinga-linga ito habang nasa byahe habang nakangiti.
“mukhang enjoy na enjoy ka bro ah” nakangiting tanong ni Phil kay Peting.
“naku sobra tol. Ngayon lang kasi ako nakaalis sa atin. Pagkagaling ko kasi sa school ay uwi na agad ako. Kaya naman excited talaga ako na makapunta sa ibang lugar” masayang wika ng kaibigan.
Napangiti lang naman sina Phil. Natutuwa sila para sa kaibigan.
Dahil nga medyo madilim pa ng sila ay umalis ay nakatulog sa byahe si Peting. Ginising lang nila ito ng mag stop-over sila sa Tagaytay para magbreakfast. Almost 8 o'clock palang ng umaga kaya naman iilan palang ang kumakain sa restaurant na pinuntahan nila.
Maganda ang ambience ng restaurant na pinili ni Andrew. Kitang-kita nila ang Taal Volcano. Napakalamig sa lugar. Mukhang masasarap din ang mga pagkain. Seafoods ang pinili nilang kainin.
Habang kumakain sila ay napansin ni Phil na patingin-tingin sa kanila ang dalawang girls sa kabilang table na mukhang mga studyante.
“hey bro, do you know them?” pabulong na tanong ni Phil kay Andrew patukoy sa mga babae.
Tiningnan naman ito ni Andrew.
“not familiar. But don’t mind them bro. it's ‘normal’ ” nakangiting sagot ni Andrew at nginitian din ang mga girls at pagkatapos ay itinuloy na ang pagkain.
“oo nga wag mo nalang pansinin tol, baka natitipuhan lang kayo ng mga yan” biro ni Peting habang patuloy ang pagkain.
Naguguluhan man sa sinabi ni Andrew na “normal” ay hindi na umimik pa si Phil. Pinagpatuloy niya nalang ang pagkain.
Ilang saglit pa ay hindi na nakatiiis ang mga babae. Lumapit na ang mga ito sa kanilang table.
“excuse me. You’re Andrew Montez right? The model” tanong ng isa, na halatang kinikilig pa.
“oh yes I am. How may I help you beautiful ladies?” nakangiting sagot ni Andrew ito sabay kindat.
Kilig na kilig naman ang mga babae at inilabas mula sa bag ang camera.
“can I?” tanong ng babae., sabay pakita ng camera na nagpapahiwatig na gusto siyang kuhanan ng pictures. “by the way are you all models?” dagdag na tanong pa nito.
“oww yah we are. He’s Phil, a model/artist from Canada. And Pet…Peter (Peting), kasamahan ko dito, he’s new with this business” Pagpapakilala ni Andrew.
Ngumiti naman sila Phil at Peting kahit alam nilang nagsinungaling si Andrew dahil sinabing mga model din sila. Nakisakay nalang din sila.
“im Bea and she’s my classmate Irene. Nice to meet you guys. Umf I think we’re late, so please can I take some pictures of yours?” malambing na sabi nito na halatang nakikiusap.
“sure” pagsang-ayon naman ni Andrew.
Wala namang nagawa sina Phil at Peting kundi ang tumayo na din at ngumiti para pagbigyan ang mga dalaga na makuhanan sila ng litrato. Hindi pa nakuntento ay tinawag pa ng mga babae ang isa sa mga staff ng restaurant at nakiusap na kuhanan sila ng litrato.
Pagtapos ay nagpasalamat ang mga ito kina Andrew. Humalik muna ang mga ito sa pisngi at pandalas na umalis na kilig na kilig ang mga babae. Pahabol pang lumingon ang isa at kinindatan si Phil, sabay patakbong lumabas. Si Phil naman ay napailing na lamang.
“grabe ka tol nagulat naman ako ng sabihin mong pati ako ay model, nailang tuloy ako” sabi ni Peting na pakamot-kamot na ulo.
“yaan mo na yun bro, mag sanay kana para pag naging model ka e hindi ka na manibago” natatawang wika ni Andrew.
“ah wala naman akong balak na pumasok sa ganyan, teka kanina pa tayo ah. Di pa ba tayo aalis?” Tanong ni Peting.
“oo nga pala, nalibang akong masyado dun ah. So let’s go para makarating tayo dun before lunch” sabi ni Andrew.
Tumayo na sila at umalis.
Nang nasa sasakyan na sila ay napansin ni Andrew ang pananahimik ni Phil. Si Peting naman ay tulog ulit.
“ok ka lang ba bro? kanina ka pa tahimik ah simula ng umalis tayo sa restaurant?” tanong ni Andrew kay Phil.
Di naman sumagot si Phil. Nakatingin lang ito sa malayo na para bang walang naririnig.
“kung galit ka dahil sa ginawa ko kanina, I’m sorry. Nasanay lang siguro ako na sa tuwing may nagtatanong sa akin na kung model din daw ba ang kasama ko ay yes nalang ang sinasagot ko kahit hindi naman.” Pagpapaliwanag ni Andrew habang patuloy na nagmamaneho.
“what do you mean na “nasanay”?, you mean sanay kana sa mga ganung bagay tulad ng kanina? Like what you did to the girls?” tanong ni Phil.
“honestly yes. Being a model is being an instant celebrity bro. Although di ako nakikita sa big screen or gumagawa ng movie. Isa naman ako sa mga nakikita sa mga commercials, billboards and magazines. Kaya naman nasanay na ako na may mga lumalapit at nagpapa-picture and autograph sa akin.” Sagot ni Andrew.
Hindi parin umiimik si Phil. Kaya naman si Andrew parin ang nagsalita.
“Kapag naranasan mo na ang mga ganung bagay, dun mo lang masasabi sa sarili mo na tama ka nga pala sa pinili mong career, na successful ka at di ka nagkamali. Na sa lahat ng efforts at pagod na ginagawa mo ay nakikita mo ang results. At dahil dun lalo mong napapatunayan ang sarili mo. At dahil dun mas nagiging masaya ka. Not because ginagawa ko ang mga bagay ng katulad ng nakita mo kanina that means I’m arrogant or vain. It's my way of giving back my thank to the people who supports me, loves me, and believes in me. I’m just being humble & humane.” Mahabang paliwanag ni Andrew. Pormal ang boses nito.
“I’m sorry Andrew. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin” paumanhin ni Phil.
Parang nanibago bigla si Phil sa kaibigan. Bigla kasing napaka-serious nito at parang may pinag-gagalingan ang laman ng dibdib. Nasanay siya sa pagiging masayahin nito.
Isang mahabang katahimikan. Maya-maya ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Andrew. Napatingin naman dito si Phil at tumingin din ito sa kanya, ngumiti.
“ok lang. Pinaliwanag ko lang naman ang side ko. Matagal na din kasi tayong di nagkasama. Baka kasi naninibago ka sa mga kilos ko. At least ngayon kilala mo na ako, and because of this vacation I’m sure mas makikilala pa natin ang bawat isa” nakangiti nitong sabi kay Phil.
Ngumiti lang din si Phil at binalik ang tingin sa daan. Malalim na nag-isip. Kinabahan siya bigla pero di niya alam kung ano ang dahilan.
BINABASA MO ANG
Forever in My Heart [COMPLETED]
RomanceMahirap ipaglaban ang pag-ibig lalo na kung alam nyo naman na sa simula pa lamang ay mali na ito. Mahirap iwan ang taong sobra mong mahal, kaya kailangan mo ng isang matinding desisyon na may malawak at matalinong pagpapasya. Isang desisyon kung saa...