Kinabukasan nagising si Phil dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kanyang kwarto. Pagbukas niya ng pinto ay nabugaran niya na si Peting ang nasa labas ng pinto.
“oh Peting bakit ang aga mo? It’s only just 7 o’clock, inaantok pa ako” inaantok na sabi ni Phil habang naglalakad pabalik sa kama. Dumapa siya sa kama at pinikit ang mata at tinangkang matulog ulit.
“Peting balik nalang siguro tayo next time. Baka naiistorbo natin si Señorito Phil. I think he never missed me. Actually he ignored me already” sabi ng boses na kasama ni Peting.
Biglang napamulat si Phil. Nagulat siya sa boses ng nagsalita. Pero mas nagulat siya ng makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses.
Ngayon niya na lang ulit nakita ang may-ari ng boses, pero alam niya sa sarili na kilala niya ito…si Andrew!
Iba na nga rin talaga ang itsura nito ngayon. Hindi niya inaasahan na ganito na ang itsura ni Andrew. Na-surprise siya actually! Halos kasing tangkad niya ito. Mas gwapo ito kaysa sa inaasahan niya. Napaka-amo parin ng mga mata, mapula ang labi at napaka cool tingnan. Tirik-tirik ang ayos ng buhok nito na bumagay naman dito.
“ano mag-titinginan nalang ba tayo dito maghapon Señorito Phil?” Biro ni Andrew.
Nagulat naman si Phil. Natulala na pala siya. Dali dali niyang nilapitan si Andrew, nag-apir sila sabay yakap. Tawanan sila ng tawanan. Talagang na-miss nila ang isa’t isa. Di pa sila nasiyahan at nag-group hug pa silang tatlo nila Peting.
Lumabas sila ng kwarto at dumiretso sa sala na magkaka-akbay. Pinauna ni Peting ang dalawa sa sala. Dumiretso muna siya sa kusina.
Sa sala naman ay di matapos tapos na kwentuhan ang magkaibigan.
“grabe ka bro di ka man lang nagpasabi na pupunta ka dito, kelan ka ba dumating?” tanong ni Andrew.
“kagabi lang. Balak ko nga na i-surprise ka eh. Kaso ako yata ang nasorpresa kanina, di mo man lang ako pinansin” sabi ni Andrew.
“Sorry bro di talaga kita napansin antok na antok kasi ako. Tipo mo ngayon ah. Ilan na ba napapaiyak mong girls?” biro ni Phil.
“naku tol wala pa yang syota. Bawal kasi at saka takot yan na baka masira ang career” biro ni Peting. Palapit na ito at may dala ng almusal para sa mga kaibigan. Kinuha naman nila ang inihanda ni Peting.
“bawal? Bakit? and what career?” litong tanong ni Phil.
“di ko ba nasabi sayo? model yang si Andrew. Eh natatakot maghanap ng syota baka kasi mawalan ng mga fans at raket” sagot ni Peting na patawa-tawa.
Nabigla si Phil sa sinabi ni Peting. Pero mas lalo siyang humanga kay Andrew. Tinititigan niya lang ito habang nakangiti at pailing-iling na iniinom ni Andrew ang tinimplang kape ni Peting sa kanila.
“ang O.A mo naman bro.. di naman sa bawal at takot ako na mawalan ng projects. Nagkataon lang na busy sa studies habang nagwowork. Mahirap ng ipasok ang lovelife, baka ma-stress na ako” natatawang paliwanag ni Andrew.
“e bakit ba kailangan mo pang maging working student? as if naman na you needed?” tanong ni Phil.
“umm yah. Pero passion ko na ang pagmo-model eh. It's fun and it's great. Why don’t you try it? You too Peting?” Sagot ni Andrew.
“no! no! no! I’ll never do that” natatawang sabi ni Phil na may kasamang iling.
“at ako naman tol masaya na ako dito sa Hacienda. Saka di ako pwede diyan at mapagtatawanan lang ako dyan dahil sa kulay kong uling” biro ni Peting.
“no bro.. marami ring naghahanap ng black models. And trust me papasa ka. And you Phil bakit di mo rin i-try? E hindi ka din naman takot ipakita ang katawan mo diba?” pambibiro ni Andrew. Tawanan sila Andrew at Peting at nag-apiran.
“ano? And why are you both laughing?” nalilitong tanong ni Phil sa mga kaibigan.
Lalong nagtawanan sina Andrew at Peting. Tumayo si Andrew at palakad-lakad habang nagsasalita at sinadyang lakasan ang boses para marinig ng mga maids na nasa paligid na naglilinis.
“don’t you still realized it my dear friend? That you have the potential to be a model? Aside that you have looks.. I think you really have high self-confidence?” Natatawang sabi Andrew. Panay naman ang tawa ni Peting. Si Phil naman ay di maintindihan ang nangyayari.
“nakakainis na ha. Hindi ko talaga maintindihan?” Naiinis na si Phil sa mga kaibigan. Napansin niya rin na bukod sa mga kaibigan ay natatawa narin ang mga maids.
“hahaha. Ok. Sasabihin ko na nga. Pwede ka talaga na maging model bro ‘coz you have the guts to walk out infront of your maids na walang suot na damit!” natatawang sabi ni Andrew.
Pinamulahan ng mukha si Phil. He never realized na nakalabas siya ng kwarto niya na walang suot na damit. Masyado kasi siyang na-excite ng makita ang kaibigan. At ngayon nga ay nakatingin sa kanya ang mga maids. Kitang-kita ng mga ito ang buo niyang katawan. Bukod kasi sa underwear at pajama ay wala na siyang ibang suot. He almost naked!
Pabiro niyang sinuntok ang mga kaibigan at pandalas na siyang umakyat papuntang kwarto niya, habang halos mamatay sa kakatawa ang dalawa niyang kaibigan. Hiyang-hiya talaga siya.
“I hate you guys!” sigaw pa ni Phil sa dalawa bago siya tuluyang pumasok sa kanyang kwarto. Tuloy parin ang tawa ng dalawa. Siya naman ay diretso ng naligo at inayos ang sarili.
BINABASA MO ANG
Forever in My Heart [COMPLETED]
RomanceMahirap ipaglaban ang pag-ibig lalo na kung alam nyo naman na sa simula pa lamang ay mali na ito. Mahirap iwan ang taong sobra mong mahal, kaya kailangan mo ng isang matinding desisyon na may malawak at matalinong pagpapasya. Isang desisyon kung saa...