Chapter II

24 1 0
                                    

Kinabukasan, tanghali ng nagising si Phil, dahil narin siguro napuyat siya kagabi sa kakaisip. Naligo na siya at inayos ang sarili pagkatapos ay lumabas ng kwarto at pumunta sa kanilang garden. Pinagmasdan niya ang mga halamang naroroon. Mas marami na ito at halatang naaalagaang mabuti. Napapikit siya at inaalala ang panahon na makulit siyang bata at ang mga ala-ala niya dito sa kanilang garden. Naputol ang kanyang pag-iisip ng may magsalita buhat sa kanyang likuran.

mag almusal po muna kayo Señorito” nakangiting sabi ni Nanay Iseng, ang asawa ni Mang Tasyo. Siya ang katiwala sa bahay at malimit din na mag-alaga sa kanya lalo na sa paliligo at pagpapakain nung siya ay maliit pa. May dala-dala itong pancakes at hot choco- ang favorite ni Phil.

salamat po manang” nakangiting sabi ni Phil.

Ngumiti naman ang matanda at pumasok na sa loob. Buhat sa bintanang salamin ng kusina ay kitang-kita niya si Phil. Pinagmamasdan niya itong mabuti.

Ibang-iba na talaga si Phil ngayon. Favorite pa rin nito ang pancake pero iba na ang istilo ng pagkain nito. Dati kasi ay halos parang wala ng bukas kung kumain ito ng pancake. Pandalas kumain na para bang may makikiagaw ng kinakain niya. Minsan nga ay nagpapaluto pa ulit ito sa kanya dahil sa bitin ito sa una niyang niluluto.

Nang matapos kumain ay napagpasyahan ni Phil na mamasyal sa lugar kung saan siya malimit pumunta nung siya ay bata pa. Pumunta siya ng manggahan at pinagpasyahan na dun mamahinga sa ilalim ng puno.

Malimlim duon sapagkat natatakpan siya ng makakapal na puno ng mga dahon ng mga ito. Pumikit siya at huminga ng malalim. Talagang kapag nandirito siya ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Pero nagulat siya ng may biglang may magsalita.

kumusta na po kayo Señorito?” bati ng boses.

Bumangon si Phil at hinanap kung sino ang nagsalita. Nagulat siya nang malaman kung sino. Si Peting.

Hey bro! kumusta na ba?” patakbong lumapit si Phil sa kaibigan at niyakap ito. Nagkatawanan sila.

kumusta na ba? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?” tanong ulit na Phil. Umupo na sila sa damuhan.

ok lang naman po ako Señorito. Sinasanay ako ngayon ng itay sa pangangalaga dito sa Hacienda.” Sagot ni Peting.

batukan kaya kita dyan. Wag mo nga akong tawaging Señorito. Bakit nga ba ayaw mo ng mag-aral?” tanong  ni Phil.

haha. Medyo naiilang na din kasi ako. Malaki na kasi tayo eh. Baka kasi marinig ako nila Señorita na di kita tinatawag na Señorito ay magalit sila sa akin.” Paliwanag ni Peting.

sira ka talaga. Alam naman ni mommy na magkaibigan tayo. In fact lagi ka nga niyang kinikwento sa akin when I was in Canada pa. So bakit nga ayaw mo ng pumasok?” tanong ulit ni Phil.

alam mo namang mahina ang utak ko pagdating sa pag-aaral, wala akong hilig dyan. Isa pa mas masaya ako sa pag-aasikaso dito sa Hacienda.” Si Peting.

oww. Well thanks for that at di mo pinababayaan ang Hacienda. And that’s your decision, but in case na bumalik ang interest mo sa pag-aaral, don’t hesitate to ask me or my mom. We will help you ok?.” Nakangiting wika ni Phil sa kaibigan.

ay siya oo na. pero wag mo na lang ako iingles-in. dumudugo ang ilong ko eh” biro ni Peting.

hahaha. Di ka parin nagbabago, joker ka parin” tawang sabi ni Phil.

Nagtawanan silang magkaibigan.

by the way how’s Andrew? Nasaan na ba siya?” tanong ni Phil.

sa Maynila yun nag-aaral, pero tuwing bakasyon ay umuuwi siya dito. Minsan bumibisita siya dito. Umm baka sa isang araw o basta ngayong linggo ay umuwi na din yun at pumunta dito, siguro naman nabalitan na niya na nakabalik ka na.” Mahabang paliwanag ni Peting.

oh I see, that’s nice.” Napangiti si  Phil. Bagay na napansin agad ni Peting.

o bakit ka naman nakangiti dyan? Na miss mo si Pareng Andrew ano? Naku magugulat ka sa itsura nun ngayon.” Sabi ni Peting.

really? Why? What does he look like now?” naiintrigang tanong ni Phil.

yan kana naman. Wag ka na nga kasing mag-ingles, aalis ako sige ka.” Pambibiro ni Peting.

nakakainis ka naman e. Bakit ano na ba itsura ni Andrew ngayon?” kulit ni Phil.

hay naku niloloko lang kita. Wala naman. Di ka naman magugulat sa itsura nun. Parang ikaw din lang yun. Nagulat kasi ako nung una kitang makita. Iba na mga itsura nyo eh. Kaga-gwapo nyo na lalo. Para na kayong mga artista. Para kayong di mga nasisikatan ng araw, samantalang ako...” Sabi ni Peting na may himig ng pagkalungkot.

asus naman si Peting nagdrama. Ok ka naman bro eh. Teka may gf ka na ba?” alo ni Phil.

naku wala nga eh. Laging basted. Ayaw daw nila sa taong pusit. Aba kasalanan ko ba na pinanganak akong maitim at pangit?” wika ni Peting. Halatang dismayado ito.

Natawa ni Phil sa kaibigan.

wag mo nalang silang pansinin bro. Darating din yung tamang girl para sayo. Marami naman diyang mga chicks maghahanap tayo.” Sabi ni Phil sabay kindat sa kaibigan.

aba sana nga tol. Teka ikaw ba may syota ka na? sigurado ako marami kang syota ano?” pang-uudyo ni Peting.

yah. My gf na ako. But I decided na makipag cool-off muna sa kanya before I came here.” Seryosong sagot ni Phil. Nakatitig sa malayo.

bakit naman? Di mo na ba mahal o may bago ka ng gusto?” tanong ni Peting.

I don’t know. Maybe boring na ang pakiramdam ko. I still love her but I don’t know kung bakit ako nagkakaganito. Nalilito na nga din ako kaya ako nagdecide na makipag cool-off muna. Cool-off lang naman, not totally break-up” wika ni Phil. Nakatungo nito.

e parang ganun nadin yun di ba? Pero ok lang yan tol. Di kita kayang payuhan pagdating dyan kasi di pa ako nagkakasyota. Basta piliin mo lang yung desisyon na kung saan ka masaya. Masaya na ako para sayo” nakangiting wika ni Peting sa kaibigan.

Thanks bro. Pero nagiging OA na tayong dalawa hehe. Di bagay sayo ang maging seryoso” Biro ni Phil.

haha nahawa lang ako sayo tol” ganti ni Peting, at nagtawanan silang pareho.

Marami pa silang pinagkwentuhan, bago sila bumalik sa mansion.

Forever in My Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon