After for almost 8 hours of travel ay nakarating na sila sa resort nila Andrew. Saktong tanghalian ng nakarating sila sa pupuntahan.
Bumusina si Andrew at bumukas ang gate na yari sa mataas na bakal. Pagpasok nila sa loob ay nabugaran ang isang maluwang na lote na puro magagandang halaman ang naroroon at mga tanim na gulay. Napapalibutan ng mga ito ang isang malaking two-storey na kubo.
Lumabas sila ng sasakyan. Paunat-unat ng katawan si Andrew na halatang nangawit yata sa kakaupo at kakadrive. Si Peting naman ay palinga-linga lang at sinundan si Phil habang sinusuri ang magagandang halaman na naroroon. Lumapit sa kanila ang dalawang matanda na sa tingin ni Phil ay mag-asawa at ito ang caretaker ng bahay.
“maligayang pagdating po Sir. Nakagayak na po ang tanghalian. Kumain po muna kayo at magpahinga habang hinihintay po natin si Bino. Nasa kabila lang po siya at inaayos ang lugar at nagdala ng mga kagamitan at gasolina” bati nito.
“salamat po. Ah guys, ito nga pala si Mang Berto at asawa niya na si Nanay Tess. Sila ang nag-aalaga nitong bahay. Sila nga po pala ang mga bestfriends ko, sina Phil at Peting” pagpapakilalala ni Andrew.
Ngumiti naman at tumungo ang mag-asawa bilang paggalang sa mga bisita ng amo.
Pagkatapos noon ay pumasok na sila sa loob ng bahay. Sa taas ng bahay sila kumain kaya kitang-kita nila ang buong karagatan. Napakaganda niyon. Napakasarap ng kain nila. Sa nakahandang inihaw na isda at talong. Sinamahan sinigang na sugpo na talagang nagpagana ng kain ng tatlo. Kasabay nilang kumain ang mag-asawa.
Nag-kamay habang kumakain sina Peting at Andrew. Si Phil naman ay pinilit na din ni Andrew na mag-kamay na din, at dahil sa matagal ng hindi iyon nagagawa ay hindi na niya alam kung paano ito gawin. Kaya naman tinuruan siya ni Andrew. Libang na libang naman at tawa ng tawa si Andrew sa istilo ng paggamit ng kamay si Phil sa pagkain. Tawa din ng tawa si Peting at ang mag-asawa. Busog ang lahat.
Pagkatapos nilang kumain habang nagpapahinga ay lumapit sa kanila si Mang Berto.
“walang-galang na po Sir. Nandyan na po si Bino.” Sabi nito kay Andrew.
Tumayo naman si Andrew at sinabihan ang mga kaibigan na bababa lang siya saglit. Ang dalawa namang magkaibigan ay nalilibang habang nanunuod ng tv.
Saktong tapos na ang pinapanuod nila ng bumalik si Andrew.
“hey guys let’s go! baba na kayo dyan” yaya ni Andrew sa dalawa.
Nagtaka naman ang dalawa. Kararating lang kasi halos nila at medyo pagod pa sa byahe ay aalis na naman sila?
“saan tayo pupunta?” tanong ni Peting.
“saan pa e di sa resort namin. C’mon guys!” sabi ni Andrew.
“wait! you mean hindi ito ang resort nyo?” litong tanong ni Phil.
“sa amin din ito pero hindi ito yung resort na sinasabi ko. Dun tayo pupunta sa isla. Almost 1 hour pa yung byahe natin sa yate so tayo na at baka gabihin pa tayo” natatawang paliwanag ni Andrew.
“what? You mean sasakay tayo ng yacht? Wow that’s sounds exciting!” excited na sabi ni Phil habang sinusuot ang sapatos.
“o sige sige. Tayo na at excited na din ako” sabi ni Peting habang pandalas na nag-aayos.
“kayo talaga, kaya nga bilisan nyo na dyan at bumababa na kayo” utos nito sa mga kaibigan. Bumababa na siya para sumunod nadin ang mga kaibigan.
Pagkababa nila Phil at Peting ay agad nilang sinilip ang yate. Tuwang-tuwa sila. Never pa kasi nilang na-experience ang sumakay duon lalo na si Peting.
BINABASA MO ANG
Forever in My Heart [COMPLETED]
RomanceMahirap ipaglaban ang pag-ibig lalo na kung alam nyo naman na sa simula pa lamang ay mali na ito. Mahirap iwan ang taong sobra mong mahal, kaya kailangan mo ng isang matinding desisyon na may malawak at matalinong pagpapasya. Isang desisyon kung saa...