* * *
After ten years, bumalik sa Pilipinas sina Phil at Kath, kinasal sila sa Canada at ngayon nga ay masaya bilang mag-asawa. May dalawa silang anak, isang babae at isang lalaki. Pinili nila na sa Pilipinas na mamalagi at sila na ang mamahala ng Hacienda. Sapagkat medyo may edad nadin ang mga magulang ni Phil ay nagrequest ito na gusto daw ng mga nito na makasama ang mga apo.
Si Andrew naman ay naging patuloy ang pagsikat bilang isang model hanggang sa magkaruon ng break bilang isang artista, at dun na nagsimula ang mabilis niyang pagpasok sa showbizness. Naging isa siya sa mga sikat na actor sa kanyang generation. At ngayon nga ay may dalawa nading anak sa isang sikat na fashion designer.
Dahil mahilig din sa fashion si Kath ay naging kasosyo nito ang asawa ni Andrew.
Si Peting naman ay tuluyan nading gumagawa ng pangalan sa model industry sa tulong nadin ng mag-asawa ni Andrew. Napangasawa nito ang isa sa kanilang kababata. Hindi nito kayang iwan ang Hacienda, nandito ang puso niya at wala siyang balak na umalis. Kaya naman kasabay ng pagsikat niya bilang isang modelo ay patuloy parin ang pangangalaga at pagpapaunlad nito ng Hacienda.
Ang pagkakaibigan nilang tatlo ay mas tumibay at mas naging matatag. Lahat sila ay masaya at matagumpay sa mga pinili nilang landas.
***
Wakas
Story by: Kenjie Ahriz
facebook.com/imkenjieahriz
BINABASA MO ANG
Forever in My Heart [COMPLETED]
RomansaMahirap ipaglaban ang pag-ibig lalo na kung alam nyo naman na sa simula pa lamang ay mali na ito. Mahirap iwan ang taong sobra mong mahal, kaya kailangan mo ng isang matinding desisyon na may malawak at matalinong pagpapasya. Isang desisyon kung saa...