Nang makabalik na sila ng mansion ay agad niyang hinanap si Kath. Pero sinabi ng kanyang mommy na wala na ito at napagpasyahang umalis na, at dun na lamang mag-i-stay sa isang Hotel na malapit sa airport para hindi daw magpandalas bukas at dahil baka ma-trapik.
“I know na may something sa inyong dalawa ni Kath Hijo. Ano ba ang naging problema” tanong ni Señorita Luisa.
“yeah mom. I made something wrong. Nakagawa ako ng mga bagay na mali.. not only to Kath but also to you and to dad. And I know na once na malaman nyo what I did, maybe you will never forgive me.. I maybe disgraced to our family..” umiiyak na sabi ni Phil sa mommy nito.
Awang-awa naman si Señorita Luisa sa anak. At bilang ina din siguro ay nararamdaman niya ang bigat sa puso na nararamdaman ni Phil. Niyakap niya ang anak at pati siya ay napaluha na din. Pakiramdam niya ay bumalik ang panahon na napakamusmos na bata si Phil na tumatakbo sa kanya at umiiyak. Mahal na mahal niya ang kanyang anak.
“I love you so much Hijo. Kahit ilang beses ka pa siguro na magkamali ay mapapatawad kita. Kilala kita ang I know that you’re good. Hindi ka pa man nagkakasala ay pinapatawad na kita. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo.” Alo ni Señorita Luisa sa anak.
“thank you mom. I love you more. I love both of you ni Daddy.” Sabi ni Phil sa mommy nito, patuloy parin ang pag-iyak.
Nang medyo kalmado na si Phil ay inangat ng mommy niya ang kanyang mukha at hinaplos-haplos nito ang pisngi ni Phil, at binigyan niya ng matamis na ngiti ang anak.
“I know that you’re good and smart. I know na kung ano man ang gumugulo dyan sa isip mo ngayon, I know that you can handle it. You’re our Unico Hijo. Ikaw lang ang kaisa-isa naming anak, that’s why we want best life for you.” Madamdaming sabi nito sa anak.
Si Phil naman ay nakatitig lang at nakikinig.
“I trust you. Kung nakagawa ka man ng mali, well do the right thing. It’s not too late. You’re smart and you know what’s the right thing to do. I trust you, I love you and I pray for you”. Dagdag pa ni Señorita Luisa.
Niyakap siya ng mahigpit ni Phil. Nagpasalamat si Phil sa mommy niya.
BINABASA MO ANG
Forever in My Heart [COMPLETED]
RomanceMahirap ipaglaban ang pag-ibig lalo na kung alam nyo naman na sa simula pa lamang ay mali na ito. Mahirap iwan ang taong sobra mong mahal, kaya kailangan mo ng isang matinding desisyon na may malawak at matalinong pagpapasya. Isang desisyon kung saa...