Ako lang ba ang nakakakita ng bahaghari sa mga babasagin? Sa tuwing itatatapat ko ang kapiraso ng bubog sa araw, nagniningning ang iba't ibang kulay. Sa tuwing inaabot ko sa pag-aakalang pwede kong maibulsa ang kulay, nawawala ito.
Naglalaho iyon sa kadiliman.
At naisip ko . . . Baka nawawala ito dahil para lamang ito sa mata? Ang bahaghari ay hindi isang bagay na pupwede na lang angkinin. Alam ng mundo na mag- kamay, nakahimlay lang at patuloy na nagdadala ng nakamamanghang imahe.
Ngunit kung papayagan, gagawin ko.
Alam kong mali pero kahit sa panaginip na lang . . . sana huwag iyong ipagkait sa akin.
"Your mother is slut!"
Nabingi ako sa kanyang sigaw. Gumuhit ang linya ng ugong hanggang sa paulit ulit itong umikot, palakas nang palakas. Kung pwede lang tumakbo ay ginawa ko na. Kaso mahirap, e.
"Day?"
Natauhan ako nang mayroong humawak sa braso ko. Luminga ako at nakita ang kunot-noong Brent. Humakbang siya na ikinagewang naman ng tulay na nilakakaran namin. The rigid and old plank is unstable like my feelings.
Bakit ba narito kami?
Ah . . . naalala ko na. Sa 'di kalayuan, may tyanggeng nagbebenta ng inumin. Para makapunta kami roon, kailangang makatawid ng taytay. Iyon nga lang, hinarangan kami.
Lalong naguluhan si Brent. "Ano raw sabi niya?"
Nanginginig ang labi ko. Walang patawad na umiikot ang kanyang mga salita sa utak ko, patuloy na nilalason ako. Hinawakan ko ang kamay niya at hinigit siya sa salungat sa aming daan na dapat tatahakin.
"Gaga! Saan ka pupunta!?"
"Uuwi," I pursed in a low voice.
Ngunit dinig ko sa 'di kalayuan ang mga pinagsasabi niya at kahit ano'ng pasabi ko, wala silang naririnig. "I'm right, am I not?"
Pinigil ako ni Brent sa paglalakad at pilit na iniharap sa tulay kung saan nasaan ang ikinakatakot ko. Siya si Isobel Maricia Lagravista. Hindi ko lubos maisip na kung saan niya napulot iyon. Sabi nila, mayamang kongresista ang kanyang ama. Marami silang pera. Siguro, iyon din ang dahilan kung bakit alam niya.
Umiling ako sa sarili.
Oo, tama . . . May kaya siya, Milly, kaya huwag mong nang patulan. Yumuko ako at ininda ang kirot.
"Ang gagang 'to!" sumbat ni Brent.
My eyes widened when he gripped my wrist. "Ano a-ang ginagawa mo?"
"This bitch, huh?!"
Nag-English na rin si BRent, halatang naiirita na. Sa mata pa lang niya, kung malapit siya ay talagang sasapakin niya si Isobel. Inangat ko ang titig sa harap at nakita ang mapanlinlang na ngiti niya. Her eyes were full of disdain. Napapitlag ako nang hinatak ako ni Brent.
BINABASA MO ANG
Paint the Burning Sky (Pueblo de Tinubagan 2)
General FictionWhat the sea takes, the sea returns. If it took everything from her away, will she yearn for a moment? Matapos ni Milly Travesio'ng bumukod, lalong sumikip ang kinalalagyan niya sa buhay. Benta rito, kayod doon, saka trabaho araw-gabi. Pagod man, ka...