Janine Lopez-Mendez
Good evening, hija! I'm a bit excited but I'm happy about Aiden's news. You both have my blessings basta't mag-aral kayong mabuti, ha?"Mom. . ."
He groaned. Agad niyang kinuha ang kanyang phone at nagtipa roon. Natuon ang atensyon ko sa pagtanaw kung ano man ang kanyang ginagawa roon pero ayaw magpatingin.
Damot!
Tinapik ko kaagad siya sa balikat. Kumakalabog pa rin ang dibdib ko. "Kinakabahan lang ako sa text ng Mommy mo. Ano ka ba!"
"Sorry," he uttered apologetically.
"Huh?"
Awtomatikong ibinaba niya ang kanyang phone at nagkamot sa batok. "Hindi ko kasi alam na icha-chat ka kaagad ni Mom kahit na si Shaya at Mama lang ang sinabihan ko."
"Whoa!" Nabigla pa rin ako.
Ano ka ba naman, Milly! Syempre malalaman nila iyon! Bakit ka ba magugulat?
"I'm sorry. Are you bothered? Sasabihan ko lang siya na huwag kang kulit-"
"No!" agap ko. "I mean, it's fine! Ayos lang!"
Mariin niya akong tinitigan. Nagkahawaan na kami ng kaba. "Is it fine with you? Makaktanggap ka ng mga mesaheng ganyan. . .mula kay Mom."
"Ayos lang sa akin."
I doubt that Tita Janine doesn't know about my father's issue. After all, they both revolved in the world of the richest people. Malalaman talaga at malalaman kung ano ang tinatago mo. And for her, is it fine? Ayos lang na may tatak ako ng kahihiyan at papasok ako sa kanilang buhay?
Now I'm starting to think that. . .
"Naiilang ka ba?"
"Na?"
"Na alam nilang nililigawan kita?"
I stared at the spaces of my hands. Naiilang ba ako na alam na nila? Medyo. I met his parents long time ago. Maayos pa ang kalagayan namin dahil may pera kami. Ngayon, mahirap na ako. Still, it's comforting to think that they are fine with their son courting me.
Paano na lang kung iba?
"I'm still promising you that peaceful life you want."
Tumawa ako. "Bakit ba ako maiilang? Asawa kita! Mom and Dad ko na sila?"
Natigil ako. Sandali, nasabi ko ba 'yon? Ng malakas?
Pagtingin ko ay nakaplakada na sa kanyang mukha ang isang ngiti. Paulit-ulit akong umilng pero huli na ang lahat.
"Asawa nga kita, langga."
"Aiden!" sigaw ko. "Hindi mo 'yon narinig!"
"Wala nang bawian kasi sabi mo na."
BINABASA MO ANG
Paint the Burning Sky (Pueblo de Tinubagan 2)
General FictionWhat the sea takes, the sea returns. If it took everything from her away, will she yearn for a moment? Matapos ni Milly Travesio'ng bumukod, lalong sumikip ang kinalalagyan niya sa buhay. Benta rito, kayod doon, saka trabaho araw-gabi. Pagod man, ka...