Kapitulo 8

314 4 0
                                    

"Ayos ka lang? Namumula ka, ah?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ayos ka lang? Namumula ka, ah?"

Pinapagpayan ako ni Brent gamit ang kanyang notebook. Sasapuhin niya sana ang noo ko pero agad akong umilag. Lalong kumunot ang noo niya at hinawakan ang baywang.

"Ano ba ang nagyari, ha? Kanina ka pa rito matapos mong kausapin 'yang Madame mo na 'yan. Ano ang plano mo?"

Umiling ako. I don't want to worry them. Ayaw kong malaman nila na nilalagnat ako at sinaniban ako ng tapang kanina sa pagsasagot sa kay Miss Lydia.

"Here." Inabot ni Aiden ang isang bote ng juice. "Drink that. You look very pale."

Si Brent muna ang kumuha no'n at binuksan. "Inumin mo na, oh."

I was a little bit indecisive. Nakatingin pa naman sa akin si Aiden at sa malayong parte ay nag-uusap sila ni Claudia at Annette.

I don't know. Things have been weird, weirder than ever. Naguguluhan ako at wala nang maisip pa kundi ang rahas ng dinanas ko roon sa loob. My mind is in turmoil. I unconsciously sipped on the juice.

Lumapit sa amin si Claudia. "Hey, Milly. I'm sorry but Annette and I have to go now. Tita called me and you know that I couldn't stay here because no one's picking me up later."

Tumango si Aiden. "Sure. Si Kuya Paeng?"

"Oo." She smiled. "Alis na kami. Nangangalaiti na si Annette, e. Ayaw pa sana niyang umuwi."

Sumulyap ako sa gilid at parang may kinakausap nga siya sa kabilang linya. Pumikit ako nang biglang umikot ang paningin ko. Brent's help, that is fanning me wind, isn't getting much credit.

"Sorry I'm not much of help. Aalis na kami. Bye!"

Narinig ko ang mga yabag papalayo. I sighed. Paano nga ba kami bumagsak dito? Nag-commute lang ba ako o ano? Tama pa ba nga 'tong pag-iisip na 'to at hindi ako maliwanagan? Sino ba ang nagpatay ng ilaw, ha?

I cleared my throat as I set the bottle aside. "Ano. . ."

"Ano, girl?"

Pumikit ako, pilit na inaalala kung ano nga ang nangyari doon sa loob. It was drab, alright, and dark. Nagpupumilit sila na isama ko sila sa pero dapat ako lang ang humarap. I was bound to do this even without them. Sa bagay nasa bag ko naman ang papeles ko.

"Milly, are you sure?" Aiden asked me.

I nodded. "Maghintay na lang kayo sa labas. Mabilis lang talaga 'to."

"Okay."

My fingers traced the handle of the glass door of the front. What concerned me the most was the greeting of the full-swing air conditions at each corner. Hindi na nga ako pinagpapawisan, ito pa ang babati sa'kin. Nakasalubong ko si Lumen na nakaawang ang bibig at nag-aalanganing ibinaba ang tray.

"Milly?"

"Good evening," I greeted her with contempt.

She gritted her teeth and whispered the words I was expecting to hear. "A-Ano'ng pakay mo rito? Pagkatapos ng ginawa mo kay Miss, pupunta ka lang dito na parang walang nangyari?"

Paint the Burning Sky (Pueblo de Tinubagan 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon