Kapitulo 3

516 11 0
                                    

"Milly?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Milly?"

"O-Oh?"

Nag-angat ako ng tingin. Bukas-palad siyang tumambad sa aking harapan. Sa pag-aakalang nanghihingi siya ng pera, kumunot ang noo ko. Sapat lang ang kinikita ko at wala akong kakayahang magbigay.

"Sabi ko draft. Nasaan na sketch mo?" pagkaklaro nito na ikinakurap ko.

Ah! Plates ko!

Hinalungkat ko ang laman ng folder ko. Nanginginig pa ang kamay ko nang inabot ang quick sketch na siyang ipapasa ngayon. Nakakunot pa ang kanyang noo.

"Kanina pa kita kinakausap. Ang layo mo."

"S-Sorry. May inaalala lang ako."

Bumalik na ako sa sarili at kumuha ng lapis at kapirasong bond paper. Magaan kong pinalakad ang dulo nito sa maputing sulatan. Nang una'y magulo pa ito. Dinagdagan ko at dinagdagan ng mga magugulong linya. I pressed my lips. Diniinan ko na ang panulat at lagyan ng larawan ang mga guhit na walang saysay. Nangangalit ako sa bawat lagpas. I grunted as the tip broke.

Nilukot ko agad ang papel at ibinasura. Sa ilang oras, mahirap kalimutan ang nangyari.

Nilagpasan ko lang siya at tumuloy sa paglalakad. Nanghilamos agad ako pagkarating sa boarding house. Patagal nang patagal, nahihirapan na akong gumalaw dito sa Iloilo. I never thought that the world is too small. Nag-aakala nga akong hindi magtatagpo ang landas namin dito.

It's hard to pretend as nothing happened. It's scary.

The alta sociedad has already thrown us out. Nothing more needs explaining. No one needs a companion. I don't need it.

"Chaka, girl! Sabog mukha mo oh!"

Inayos ko ang mukha, sa bilin niya.

"Ano ka ba naman! Marami namang trabaho na hindi nagpupuyat, e. Tignan mo eyebags mo!"

Itinapat niya ang kanyang phone. Hindi naman nanlalalim ang mga mata ko. Ipinanganak na OA lang talaga si Brent.

"Hindi naman," I denied.

"Magtatrabaho ka pa rin ba do'n? Tataba na 'yang dala mo."

Sa resto ba? Malaki naman sahod ko kahit gabihan ang shift ko. Kaya ko pa naman magtrabaho ng late. Makakabawi naman ako ng tulog kung walang schedule.

"Malaki naman ang sahod."

"Yari. Kahit naman na huwag kang magtrabaho, e, may allowance ka naman sa scholarship grant mo."

Naalala ko ang listahan ng mga gastusin ko bawat araw. Hindi ko matatantsa kung ilan ba ang magagastos ko bawat linggo dahil na sa mga bilihin para sa plates. The canvas is expensive. Naghahanap na nga lang ako ng katsa para gawing pintahan. Mahal din ang brushes at may lalo na ang mga pinta.

Ang sarap na lang maiyak.

"Alagaan mo naman sarili mo. Kapag napano ka, doble ang gastusin kesa sa sweldo mo."

Paint the Burning Sky (Pueblo de Tinubagan 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon