"Aba't hindi mo lang ba nahalata na masama ang pakiramdam niya?!"
Umugong ang boses ni Brent sa utak ko. Ang sakit, sobra. Ilang salita na lang at puputok na ako nang tuluyan. I grunted and blocked the seeping light.
"I-I'm sorry. I don't know that she's not feeling well. Hindi naman siya nilalagnat nang kapain ko ang n-noo."
I know that voice.
"Ay nako!"
"S-Sorry." Nanginig ang kanyang boses at nagbabadya ng pag-aalala.
"Grabeng ingat ko sa kanya, tapos gaganyanin mo lang? Feeling mo naman nasisiyahan ako sa pagtrato mo sa kanya?"
Sorry lang siya nang sorry. I grunted when I felt something hot on my head. Wala sa sarili kong kinapa ang leeg. Hindi naman ako mainit? Why do I feel groggy and weak then?
"Ayaw kong manghimasok sa mga problema pero kung puro gulo lang naman dadalhin mo sa kanya, mas mabuting huwag ka na lang lumapit."
Kumalampag ang sartin sa malayo. Parang nagdadabog ang naglalakad sa mga yabag sa sahig.
"OA ako pero si Milly na 'tong pinag-uusapan natin. Hindi lang siya basta't sinasaktan na lang."
"Sorry. Hindi na mauulit."
"Dapat lang! Nagtitimpi lang ako, ha. Malam ko na may nangyari na naman, jojombagin kita."
Narinig ko siyang suminghap. "May mali ako pero gusto kong itama iyon. I'm sorry about what happene-"
"Huwag kang mag-sorry sa'kin."
Hinilot ko ang sentido ko at umusog. Ang huling nasa isipan ko na lang ay magpabuhat patungo sa higaan. Hindi na ako komportable dito!
"Ang ingay niyo." I crunched my nose. "Gusto ko nang matulog."
"Nasa sala pa tayo, ghorl. Aiden, buhatin mo 'yan."
"Huh? Aiden? Sino 'yan? Makakain ba 'yan?" wala ko sa sariling tanong.
"Ay!" Sumunod no'n ay ang singhal ni Brent. "Buhatin mo na nga 'yan at dalhin sa kwarto."
Huli na nang maramdaman ko ang pwersa sa likuran ko. Humilig agad ako sa. . .pader ba 'to? Ewan! Basta isiniksik ko ang ulo ko roon. Wow. Ano bang klase 'tong pader at napakabango? Siguro, nabuhusan to ng perfume?
"Nakabantay ako, ha!"
"Opo," he huskily replied.
Kumalabog ang pintuan at ang pagbukas nito. He sighed deeply. Ibinagsak na lang ako sa malambot ng higaan kaya kinapa ko kung ano ang pinakamalamit na mahagip ng kamay ko. Sa halip ay hindi ko mahila 'yon.
Nahulog ang hamog sa mukha ko. "Ano ba 'yan?"
"Sorry."
Pinilig ko ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Paint the Burning Sky (Pueblo de Tinubagan 2)
General FictionWhat the sea takes, the sea returns. If it took everything from her away, will she yearn for a moment? Matapos ni Milly Travesio'ng bumukod, lalong sumikip ang kinalalagyan niya sa buhay. Benta rito, kayod doon, saka trabaho araw-gabi. Pagod man, ka...