Nanginginig ang kamay ko. Inalalayan pa nga sa paghawak ko sa siko. Sa totoo lang ay hindi iyon nakakatulong. Labis na pinalubha nito ang paggalaw ng kamay ko. Sa silid na nahati ng sinag ng araw, nakaupo ako. Sa harapan ng maliit na mesa ay nakatuntong ang mga pintang bagong bukas. Nangangamoy pa. Nakahilig ang canvas sa dingding na isang tapyas na lang ay maaalis na ang pintang nababakat. Isinawsaw ko pabalik ang pinsel sa basong tubig at ngumiwi.
Handang-handa na sana ako. Mula sa kalingkingan hanggang sa split ends. Nakalatag na ang mga brushes at ang mga pinta. Ang problema nga lang ay nanginginig ang kamay ko. Halos hindi makapaniwala kung totoo nga ba ito. Ang isa pang problema. . .
Ano ang iguguhit ko?
"Taho na lang ba?" tanong ko sa sarili ko.
Plano ko talagang magbenta ng taho sa campus. Siguradong marami ang bibili lalo na't walang nagbebenta roon sa cafeteria. Mapapagkitaan ko 'yon ng pera. Tiyak, mabilis na maubos! Ang pahirapan nga lang ay kung paano ako gagawa ng taho.
Sandali nga lang. . .
Bakit ko naman poproblemahin 'yon kapag. . .wala na akong pagkakagastusan?
I gulped hard. I received the art supplies with open arms! Complete pa. Pang college na supply ko na ito, ata? Hinid ko na kailangang bumili pa kapag walang aksidente katulad na lang ng pagkakatapon!
Nanlalamig ako sa tuwing babalik ang alala sa'kin.
Pero oo nga, ano? Bakit pa ako mag-aalala? Kung ituon ko na lang kaya ang atension ko sa pagpipinta? At para maibigay ko na kay Aiden ang ipinapagawa niya! I can really see that he is looking forward to it.
Inangat ko muli ang siko sa pag-aakalang may lalabas lang sa utak ko na mga ipipinta, pero wala! It's my nth attempt to try and make the image out of my mind. Wala pa rin!
Lutang lang siguro ako pero wala pa ring may lumalabas sa utak ko kahit na kakatapos lang naming kumain ng pananghalian. Abala si Brent sa pagtatalak ng kung anu-ano na mga related sa Dance Club. I was relieved that he was not nosy about me. Specifically, about my past. Siguro naguluhan lang siya nang una dahil wala man lang akong sinabi sa kanya kung saan kami nagmula ni Mama, at kung paano na kilala ko sila ni Annette o Claudia. . .lalo na't si Aiden.
They were rich and prominent while my best friend has known me for living in the old tavern. Wala nga lang akong alam kung nagulat ba siya nang una nang malaman niya na magkakilala kami.
It's not illegal to befriend someone beyond your status, right? Kay tagal na ng mga oras na iyon. Siguro, nalilito pa rin siya kung bakit ko sila naging kaibigan.
Ayaw kong isiwalat ang mga pangyayari. All I know is that my father is innocent. Wala siyang kasalanan at kahit ano pang banta ni Isobel noon, hindi ako maniniwala sa kanya.
Ang problema nga lang ay kung sakaling magtatanong si Beent, wala akong masasagot. He knew that I have secrets. Hindi nga lang nakalampas ang mga pabirong tanong niya noon. Mabuti na lang at hindi na ito lumalalim. Hindi ko maisip na paniniwalaan niya ang sinasabi ni Isobel. And I thank him for still defending me until now.
BINABASA MO ANG
Paint the Burning Sky (Pueblo de Tinubagan 2)
General FictionWhat the sea takes, the sea returns. If it took everything from her away, will she yearn for a moment? Matapos ni Milly Travesio'ng bumukod, lalong sumikip ang kinalalagyan niya sa buhay. Benta rito, kayod doon, saka trabaho araw-gabi. Pagod man, ka...