Pinatong ko ang kamay ko sa countertop at nilinga ang lugar. Nakaluwag ang sakong ko. I watched my feet not reddening to the shoes. My fingers tapped the marble tile that resembled a wonderful piece.
Buti na at talagang nag-resign ako.
This place . . . is so much more than the place I've been. Baka nga satisfied lang ako sa interior design o dahil mas mataas ang sweldo ko kahit mababa lang ang working hours. Hindi na lang, e.
Payapa ako rito.
The walls are painted with pale mint green. The mango yellow chairs are screaming carefree. May mga tanim ring nakalagay sa gilid at sa itaas ng mesa ay may skeleton flower.
Manghang-mangha ako nang diniligan ng katrabaho ko ang bulaklak. My eyes were peeled open as he poured the water. It turned transparent when the droplets touched the petals! Sa malapitan, makikita mo ang mga puting gahilba nito na bumubuo sa bawat malambot na talutot. My eyes widened as the magic happened right before my eyes.
I have been working for some time here. Mabuti naman ang pakikitungo ng mga kasama ko sa akin. So far, I never had to adjust more. The work load here is lesser too. Ibang-iba sa nauna kong trabaho sa bistro. Mas friendly ang aura rito. Walang. . .may bumabagabag sa'kin.
But today is different.
Wala pa akong pambili ng art materials.
Though I'm thankful my work is not overlapping my school hours, I had much more time to stress over my studies!
Nagpalinga-linga ang drayber sa gilid ng Foodure. Ditong banda kasi dumadaan ang mga jeep kaya naghahanap siya siguro ng pasahero. Swerte kapag hindi matao ang de pasahe. At least, hindi na pahirapan na magbantay. Sa ilang araw ko na trabaho, minsan, narito rin si Aiden at Shaya. Minsan, si Aiden lang mag-isa.
Saka minsan-teka. . .hindi pala minsan! Palagi kong nakikita rito ang blue na jeep na nakapark. Saktong paglabas ko, nariyan siya palagi. Well! It was an advantage because I don't have to wait that long for a vehicle.
Weird nga lang.
"Ah! Manong! Ikaw naman po ulit! Bumabyahe ka ba?" I greeted him with a big smile.
Nilinga niya ako sa gulat. Mukhang na-surprise siya sa biglaan kong pagsulpot.
"Naabala ba kita, Manong? Pasensya na at nagulat kita. Bumabyahe ka po ngayon o nagchi-chill lang?"
He shook his head. "Wala, ineng. Ah, may tinatanaw lang ako roon! Magbibiyahe ako! Sakay ka na!"
Nauna agad siya akin. Nagkamot pa siya ng batok at sinulyapan akong muli nang matunugan na hindi ako sumusunod sa kanya. "Ineng! Hindi ka ba sasakay?"
"Sasakay po!"
Sinulyapan ko ang dyip at wala pang mga tao. Tsamba at makakaupo ako sa unahan! I watched Manong get comfortable with his seat. Sa unang paghakbang ko pa lang papasok, may humablot na sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Paint the Burning Sky (Pueblo de Tinubagan 2)
Ficção GeralWhat the sea takes, the sea returns. If it took everything from her away, will she yearn for a moment? Matapos ni Milly Travesio'ng bumukod, lalong sumikip ang kinalalagyan niya sa buhay. Benta rito, kayod doon, saka trabaho araw-gabi. Pagod man, ka...