Kapitulo 27

272 3 0
                                    

Niyugyog ko ang balikat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Niyugyog ko ang balikat. Pailan-ilan ang hakbang ko patungo sa kubo na iyon. Naroon sila ni Tatay, nagsisiyahan, nagkakatantahan. Marami akong katanungan. Na-update na ba ang songbook ng videoke? Sino na ngayon ang kumakanta? Marami pa ba pagkain roon?

Nakakamiss.

I wonder what it feels like, after all of the years thatw went through, to let my feelings reign my passion wholeheartedly?

Habang papalapit ako, namataan kong wala roon si Tatay. Aatras sana ako pero ngumiti na lang noong nagsitinginan na ang mga tao roon. Sandali. Pamilyar ang mga mukha nila!

"Uy!"

Umatras ako pero naunahan na nila ako.

"Naligaw ka ba Miss?"

Hinarap ko sila. Medyo nag-panic pa ako dahil nagsitayuan ang iba. Imbes na kumanta, nahinto at napatingin sa'kin. Ngumiti ako sa kabila ng hiya at pahiyang humalakhak.

"Ah, hindi. Hinahanap ko lang si Tatay Ambo."

Binaba nito ang microphone kaya nag-sound ng eeeeee. Ngumiwi ako.

"Tatay? Tatay Ambo?"

"Oo."

"Kaanu-ano mo ba si Tatay?"

"Ah." 'Di ako nakasagot.

Nagsitinginan kami. Marami sila. Puro lalaki. Dahil wala naman dito si Tatay, siguro babalik na lang ako. Baka mamaya pinagtitripan lang ako nila rito. Isa pa, 'di nila ako kilala.

"Alam mo, may kamukha ka."

Namilog ang mata ko. "Kamukha?"

"Oo. Ang magiging asawa ko." He immediately winked at me.

Nagkantiyawan naman sila. Naiwan ako, natatawa na ewan dahil sa kanyang corny'ng linya.

"Ulol! 'Di 'yan papatol sa'yong mukhang munggo." Inakbayan niya ang kaibigan. "Hayaan mo na, Miss. May saltik lang talaga sa utak 'yan."

"Ayos lang."

"Umalis pa kasi si Tatay. May kinuha. Babalik naman 'yon mamaya. Kain ka muna rito. Maraming inihanda si Nanay Thelma na pagkain."

Nakita ko, marami ngang pagkain sa mesa. Isang rason kung bakit ako pumunta rito. Si Nanay pa nga ang nagsabi sa'kin na may kainan dito. May bisita kasi sila, e. Sadyang nauna sila ni Tatay at susunod naman si Nanay mamaya. May inaasikaso pa kasi, e.

"Ah, salamat!"

Babaling muna sana ako sa likuran at magpapaalam na sa kanila pero namataan ko si Tatay. Ah, may kausap siya sa malayo. Hindi ko maaninag kung sino.

Kung papunta naman siguro sila rito, mas mabuting tumambay na rin ako rito. Mukhang wala naman silang planong pagtripan ako rito.

Kaya naupo ako sa isang sulok, malayo sa kanila.

Paint the Burning Sky (Pueblo de Tinubagan 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon