Kapitulo 14

194 2 0
                                    

I have no choice but to entertain Tales

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I have no choice but to entertain Tales. Halata nga na ayaw ko sa kanya pero pilit nang pilit si Mama. Naalis lang ang kalahati ng pag-aalinlangan ko nang dumating si Ysandra.

"Papanhik lang ako."

She leaned forward and left a threatening remark. "Dito ka lang muna. Huwag mong intindihin ang walang silbi mong kapatid."

"Ma."

"Aba't huwag mo akong pagsabihan, ha. 'Ba'y nanatili ka ba rito? Wala! Saka inuna mo pa ang pag-iinarte mo sa Iloilo."

Not that it bleeds me so much but coming from your mother, it's painful.

Tales awkwardly sipped his coffee. Wow. He has the guts to even smile a bit. If I marry him, then, would it change anything? No. I would still be my miserable self. I'm incapable of changing my fate.

"Ma. . ." I pleaded.

"Aba't pag-usapan na natin ang nalalapit niyong kasal. Alam mo naman ito, Milly!"

Kumunot ang noo ko. Alam kong mahirap lang kami pero bakit ba kailangan akong ibenta ng ganito? I'm not much but I'm worth more than this. Mas igagapang ko ang pamilyang ito kaysa sa magpakasal na lang!

Umusog siya papalapit sa akin, nanggigigil.

"Ano!"

Suminghap ako at nagsalita sa maliit na boses. "Hindi po ako mag-aasawa."

Aba'y kamuntik nang mabilaukan si Tales!

"Magpapakasal ka!" giit ni Mama.

"Ikaw lang ang nagsabi niyan at hindi ako. Labas ako sa mga desisiyon mo dahil sa una pa lang, sumalungat na ako sa gusto mo. Sa una pa lang, ang sabi ko ay mag-aaral ako."

Her eyes were filled with hatred. Niyugyog ko ang balikat at pasimpleng tinitigan si Tales.

Hingang malalim, Milly.

"Alam kong umasa ka kahit papaano pero ang masasabi ko lang ay mahirap tuparin ang mga kagustuhan mo, Tales. Kailan man ay hindi ko itinuring ang pagkakaibigan natin bilang pagmamahalan."

Dumampi sa mukha ko ang isang sampal. . .mula kay Mama. Hinawakan ko ang pisngi. Hindi ko maiwasang mamilipit. Ang sakit!

"At sino ang nagsasabi sa'yong pwede kang makapagdisesyon, ha!? Utang mo nga ng loob ang buhay mo sa'kin at kung hindi kita dinala rito, baka kung napahamak ka pa sa kamay ng tatay mo!"

Daddy?

"Bakit mo pinagsasalitaan ng masama si Daddy? He was an honorable man, Mama! Bakit naman ako mapapahamak!?"

"Huwag mo akong pagtaasan ng boses!"

Lumagapak ang kanyang kamay sa kabilang pisngi. I can't help but to think of how my life is with and without her.

"Sorry."

"At dapat lang! Ano ngayon ang kinahihinatnan mo kung wala ako? Tandaan mo. Ako ang nagpalaki sa'yo!"

Paint the Burning Sky (Pueblo de Tinubagan 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon