Veritas-Rizon Publications Inc. Ang kumpanyang pagmamay-ari ng aking mga magulang. Isa ito sa mga masasabing the best publications sa buong bansa dahil sa mga de-kalibreng mga libro at magazines na pinupublish nito ay talaga namang best selling at tinatangkilik ng masa pati narin sa ibang mga bansa.
Ako nga pala si Verra Perez, dalawampu’t limang taong gulang. Nasa edad bente lang ako ng makapagtapos sa kursong Journalism sa isang sikat na Unibersidad sa Maynila. Pagka gradwyet ko ay agad akong pinasok ng aking mga magulang sa aming kumpanya para magtrabaho.
Sa loob ng limang taon, naging isa na ako sa mga sikat at magaling na manunulat sa bansa pero sa kabila ng karangyaan na meron ako ngayon at katanyagan bilang isang manunulat, there is something else missing. Siguro kasi kulang ako sa pagmamahal ng isang pamilya. Dahil abala sila sa negosyo namin. Kaya naman hinanap ko ‘yun sa iba. Pero hindi ko siya natagpuan. Ang tunay na pagmamahal.
I interact with people. I used to know them to make a very good story, to have a good content. Basically that’s the system of my job. As an Editor-in-Chief. I go out there and experience the real world to support my storyline. Gather information, depth investigation and series of interviews.
Hindi ko alam, dahil kung anong success ko sa career ay sya namang unsuccessful ng aking buhay pag-ibig. Madali kasi akong mahulog sa bitag ng mga lalaki. Sa simpleng halik at yakap lang ay agad na akong bumibigay.
Sa ibang mga lalaki na nakaksalamuha ko, nakikita ko ang mga qualities na hinahanap ko sa isang relasyon. At habang nakikilala ko sila darating sa punto na nahuhulog na ‘ko sa kanila. Napapamahal ako. Pero, hindi ganoon ang tingin nila sa akin. But then, nagpapaubaya ako baka sakaling mahalin din ako. But I was wrong, ang gusto lang nila ay masatisfy ang pisikal nilang pangangailangan. Kaya sa labinglimang lalaki na nakarelasyon ko, lahat ‘yon iniwan ako. Kahit binigay ko ang lahat ng luho nila, katulad ng pera, cellphone, at kung anu-anong bagay na kailangan nila. In the end, nadehado lang ako. Iniwan, sinaktan, at naglaho sila ng parang bula.
They don’t even care about my feelings, dahil nga para sa kanila laro lang ito. Pero kung iniisip nila na walang mawawala sa kanila, well they are wrong. Hindi lang nila alam na nababawasan ang moralidad nila. At ang tiwala na binigay mo ay mawawala.
But now, napagdesisyunan ko nang magbago. Hindi pwedeng habang buhay na lang ako ganito. Nakakadala. Hindi ko na hahayaan ang sarili kong magpakatanga para sa lalaki. I had to compose myself and look more attractive at bibigyang focus na lang ang career ko. Natuto na ako. Sa paulit-ulit ba namang karanasan ko. Magpapakasaya ako at gagawing makabuluhan ang buhay ko.
"Goodmorning Maam Verra, I just want to remind about your scheduled meeting with the Investors." Masayahing sabi ng aking assistant na si Anna.
"Alright. Please ready my sales report and my presentation." Utos ko. Actually, ‘yung Mom ko dapat ang makikipagmeeting sa mga investors kaso nasa bakasyon sila ni Daddy. Kaya ako muna ang nag take over. Sa maraming taon kong pagtatrabaho kasi dito ay alam ko na ang pasikot sikot ng negosyong ito.
BINABASA MO ANG
The Best Gift Ever! [Completed]
RomanceThere are risks in every kind of relationship. Are you willing to take that risks?. [This is for open-minded people only.]