Chapter 3

277 27 11
                                    

Sa mga pinapakita nya sa ‘kin bumabalik na naman ang mga alaala ng nakaraan.

Nasa ika-unang taon kami noon sa kolehiyo at hindi pa magkakakilala, as usual nagpakilala kami isa isa sa harap ng klase.

“Class, Since today is our first day I would like yout to introduce yourselves. Okay so, let’s start with you.” Pambungad ng propesor ko sa literature sabay turo sa babaeng nasa pinaka unahan. Naging normal naman ang pagpapakilala ng lahat hanggang sa tumayo na ang lalaking nakaagaw ng aking pansin pagpasok ko pa lang ng room.

“My Name is Andrei Freeman, 17 years old, Single without experience and very much available from Quezon City.” Panandalian syang huminto at hinawakan ng kanang kamay niya ang chin niya na para bang nagpapacute. “Lupang hinirang ka ba?” tanong nito na para bang bumabanat.

“Bakit?” sigaw ng mga kaklase ko.

“Kasi sa tuwing naririnig kita napapahinto ako at napapahawak ako... sa puso ko.” Ang presko nyang pagkasabi. Naghiyawan naman ang buong klase at pansin kong kinikilig ang mga babae kong kaklase. Pero sa totoo lang kinilig rin ako, at the same time nagulat ako kasi bigla na lang siya tumingin sa akin. Hindi ako sigurado kung ako ba talaga tinignan nya o baka ‘yung nasa gawing likod ko. Pero nang papaupo na sya muli syang tumingin sa akin at kumindat. Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa ibang direksyon. Hindi ako nagkamali sa ‘kin talaga sya nakatingin kanina.

Nang ako na ang magpapakilala nakatingin ako sa gawing kanan kasi nasa gawing kaliwa si Andrei. Hindi ako makatingin sa kaniya. Matapos magpakilala ay umupo na ako. Narinig kong nagtawanan sina Andrei pati ang mga lalaking nakapalibot dito. Hindi ko na lang sila pinansin.

Honestly, the first time I saw him talagang nagkagusto na ako sa kaniya. Na-love at first ako kahit umaapaw ang kapreskuhan nito. Dahil na rin siguro sa angking kagwapuhan taglay nito. But there is no way para mapalapit ako sa kaniya. Mahiyain kasi ako, nauunahan ako ng takot na baka pagtawanan lang nya ako o asarin. Pero hindi naman sya siguro ganun kasi halos lahat naman ay kaibigan niya. Kaso hindi nya ako pinapansin kahit ilang beses akong dumaan sa harap nya, kaya akala ko wala rin syang interes para kaibiganin ako. Kaya naisipan ko na lang gumawa ng love letters sa kaniya. Baka sa pagkakataong ito ay mapansin nya ko.

Bumili ako ng stationary sa isang sikat na  bookstore at nagsulat...

Cutie Andrei, gusto ko lang sabihin na ang gwapo gwapo mo at talagang gusto kita. Sana mapansin mo ako.  Mula sa iyong taga hanga–white butterfly

 

Itinago ko ang sarili ko bilang White butterfly. Isang paru parong dumadapo sa bulaklak para mamukadkad. Nang makilala ko kasi sya parang nagkaroon ako ng sigla. Everyday is such a wonderful day.

Nang nagkayayaan sila ng mga kaklase kong lalaki para magdota iniwan ni Andrei ang bag sa upuan nya. Kaya pagkaalis nila ay walang pag aatubiling tinungo ko ang upuan niya sabay hulog na ballpen at nang kukunin ko na ito sa ilalim ng upuan ni Andrei ay mabilisan kong nilagay ang sulat sa loob ng bag nya. Wala naman nakakita kasi sa pagkakataong iyon ay sa likod na sila nakaupo. At hindi nga ako nagkamali, pagkabalik nila ay binuksan nya ang bag nya at napansin ang letter ko, binasa nya ‘yun at kitang kita ko na ngumit sya. Para akong nakuryente sa kilig.

The Best Gift Ever! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon