Sa paglipas ng mga araw naging abala lang ako sa pagtratrabaho sa aming kumpanya. Si Kevin naman ay araw araw akong binibisita, walang playa. Minsan hinahatid ako at sinusundo. Nandyan rin ‘yung dadalhan nya ako ng paborito kong pagkain. Nag renta kasi sya ng isang apartment malapit sa aking tinitirhan kaya madalas na kaming magkasama.
Hanggang sa magsimula na nga ang simbang gabi. Sabi nila kapag daw nakumpleto mo ito ay matutupad daw ang anumang kahilingan mo. May mga naniniwala at meron din namang hindi. Pero kahit sa maliit na pagkakataon ay mas lumalaki naman ang pag-asa kong makita ko muli si Andrei at mapagpatuloy ang aming relasyon.
Kasama ko lagi si Kevin kapag nagsisimbang gabi. Sinusundo nya ako lagi sa bahay. Kahit sobrang antok pa dahil sa sobrang aga magising ay pinipilit ko ang sarili na bumangon para makumpleto ang simbang gabi. Sa huling araw nito, bisperas ng pasko mas dumagsa ang maraming tao kung saan kami nagsisimba.
"Napakasaya ko Verra, alam mo ba hindi ko na matandaan kung kelan ako huling nakapasok sa simbahan? Halos hindi ko na nga matandaan. Salamat sa ‘yo kasi ikaw ang nagdala muli sa akin dito. Napakasarap sa pakiramdam ng muling mapalapit ako sa kanya. Madalas ka ba lagi dito nagsisimba?” tanong ni Kevin na humarap sa akin habang nagsesermon ang pari sa harapan.
“Sa totoo nyan Kevin, ngayon na lang rin ako nakapunta dito. Sabi kasi nila kapag daw nakumpleto mo ang simbang gabi ay matutupad daw ang anumang kahilingan mo. Naniniwala ka ba doon?”
“Hmm.. Oo naman, wala naman imposible sa kanya.” Sabay harap sa isang imahe ng lalaki na nasa krus at duguan. “Lalo na kapag galing sa puso ang hiling mo. Pero naniniwala pa rin ako na binibigay nya o tinutupad ang isang kahilingan kung talagang kailangan mo ito hindi dahil gusto mo lang.” Pagpapatuloy pa nya. “Hindi mo pa rin pa ba sya nakakalimutan?”
Nabigla ako sa tanong nyang iyon. “H-huh?”
“Sorry, natanong ko lang naman.”
“Okay lang. Alam mo ba, sya ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Humihiling ako at umaasa na sana magkasama muli kami, na matuloy na namin ang pagmamahalan namin, n asana maging maayos ang lahat. Alam kong imposible, pero sabi mo nga kanina walang imposible sa kanya.” Sabay tingin ko rin sa imahe sa harap.
“Sabi ko na nga ba.” Sabi nya. Sa boses nya alam kong nasaktan sya sa sinabi ko.
Hinawakan ko ang kamay nya na nasa kanyang mga hita. "Kevin, napakabait mong tao. Kahit sinong babae ay mapapaibig mo. Kung kaya ko lang sana turuan ang sarili at diktahan ang puso ko na ikaw ang piliin at mahalin ko, hindi ko magawa. Alam kong magiging unfair lang ako sa ‘yo. Sobrang mahal ko talaga si Andrei at hindi ko pa rin sya makalimutan hanggang ngayon. Sana naiintindihan mo ko.”
“Alam ko naman Verra. Sa tuwing magkasama tayo alam ko namang sya pa rin ang iniisip mo. Sa ikinikilos mo, nararamdaman kong mahal mo pa talaga sya. Nagbabakasali lang na naman na baka mali ako. “ sabay pahid nya luhang tumulo sa kanyang mga mata.

BINABASA MO ANG
The Best Gift Ever! [Completed]
RomansaThere are risks in every kind of relationship. Are you willing to take that risks?. [This is for open-minded people only.]