Chapter 13

137 12 10
                                    

Kinaumagahan, nagising na lang ako sa liwanag na yumakap sa aking mukha. Madali kong iminulat ang aking mga mata dahil alam kong si Andrei lang ang gumagawa ng ganoon, ang hawiin ang kurtina para magising ako sa sinag ng araw.

“Good Morning! Kanina ka pa ba gising?” lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Kevin. May hawak hawak syang dalawang tasa ng kape. “Pasensya na ha, gusto sana kitang bilhan ng paborito mong frappucino kaso hindi naman kita pwedeng iwan ng matagal kaya dyan na lang ako bumili sa baba. Tsaka may mga pagkain pa dito oh.. Nagugutom ka ba?” Tanong nito habang inilapag ang kape sa mesa.

Naaalala ko, si Andrei ang naghahain lagi ng aming almusal. Ang pagdadala nya sa akin ng paborito kong kape at cake. Ang paghahatid sundo nya sa akin. Ang pagtulog nito sa aking opisina habang nagtatrabaho ako. Ang pangungulit nya, ang korni nyang jokes pero nakakakilig. Ang mga halik nya. Ang boses nya. At ang ilan sa mga bagay na iyon ay nagpapaalala sa akin sa mga ikinikilos ni Kevin.

“Ah hindi, okay lang ako. Hindi pa naman ako nagugutom. Sa bahay na lang siguro ako kakain.” Pagtanggi ko. Bumangon ako at napansing wala na ang mga aparatong nakasaksak sa aking mga kamay at braso. “Mag aayos lang ako para mahatid mo na ako.” Kumuha ako ng damit sa bag at dumiretso sa CR at nang nasa loob na ako ay humarap ako sa salamin. Bakas sa aking mukha ang ilang mga sugat na dulot ng aksidente. Habang tinititigan ko ang sarili ay muli nanaman ako naluha dahil bumalik na naman ang mga alala sa malagim na nangyari sa amin ni Andrei.

Napahawak na lang ako sa aking labi at ang isang kamay ay napakapit sa dinding. Ganun siguro talaga, may mga bagay na natatapos at ang lahat ay magiging alaala na lang. Pilit kong pinipigilan ang aking pag-iyak pero narinig pa rin iyon ni Kevin.

Kumatok sya sa pinto. “Verra! Verra! Ayos ka lang ba dyan? Umiiyak ka ba?” hiyaw nito.

Pinahid ko ang luha ko. “Hindi. Okay lang ako.”

Ilang minuto rin ako nagtagal sa loob. Nagsipilyo, nagsuklay, nagpunas at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na rin ako. Inayos lang ni Kevin ang mga gamit namin at tuluyan ng umalis sa ospital na iyon.

“Teka.. hindi ito ‘yung papunta sa bahay ko.” Sabi ko ng umiba ng direksyon si Kevin.

“Hindi ka naman kasi sa bahay mo uuwi. Doon ka daw sa bahay ng magulang mo ihatid. Mas mabuti na rin iyon para may mag-alaga sa ‘yo dun. Hindi ka pa naman masyado magaling dyan sa mga sugat mo.”

“Kaya ko naman sarili ko eh.”

“Sabihin na nating kaya mo, pero hindi mo maiiwasang mag-alala sa ‘yo ang mga magulang mo lalo na ganyan pa ang kalagayan mo. Doon ka na lang muna para maging kampante rin sila.”

“May magagawa pa ba ako?”

The Best Gift Ever! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon