Tila napako lang ako sa aking kinauupuan ng makita si Andrei na nakaluhod sa ‘king harapan. Hindi ko inaasahan na bigla na lang sya darating ng nasa ganoon tagpo ako. Napansin ko rin ang pagkagulat ng aking mga kaibigan sa hindi inaasahang pagsulpot nito. Tahimik lang at walang makapagsalita ng mga sandaling iyon, hanggang sa nabasag ang panandaliang katahimikan na iyon.
“Ano? Sabihin mo sa ‘kin kung bakit ka umiiyak?” tanong ni Andrei na malumanay. Pero wala pa ring sumasagot sa kanya. “Bakit ayaw nyo magsalita?” tumingin sya sa mga kaibigan ko. “Sabihin nyo sa ‘kin kung ano ang nangyayari dito!” ang pagtaas na nito ng boses.
“A-anong g-ginagawa mo dito?” ang nauutal ko pang sabi dahil sa kaba. Alam kong nararamdaman ni Ruby na kailangan ko ng tulong ng mga sandaling iyon dahil nakikita nya na napapahigpit ako ng kapit sa mga braso ni Mich.
“Bakit ka umiiyak at sino ‘yung mahal mo na sinasabi mo kanina?” ang paulit na tanong ni Andrei na medyo bumaba na ang boses at saka pinatong ang mga kamay nya sa aking mga hita habang nakaluhod at nakatingin sa ‘kin.
“Ah.. eh.. Andrei pwede bang mag-usap muna tayo sa labas. Please hayaan muna natin si Verra makapagpahinga. Pu-pwede ba?” singit ni Ruby. Tumango lang si Andrei, tumayo ito at lumabas. Sumunod naman agad si Mich sa kanya. “Lisa..Mich, kayo muna bahala kay Verra.” Utos ni Ruby. Bukod kasi sa Nanay nanayan ang turing naming kay Ruby sya lang ang malakas ang loob at matapang na humaharap sa ganoong sitwasyon.
"Okay" sabay nilang pagsang -ayon at patuloy nila ‘ko pinapatahan sa aking paghikbi.
“Nako, sa susunod nga ‘wag na tayo iinom ng alak. Mag juice na lang tayo.” Sambit ni Mich.
“Loka loka! As if naman, sayo pa nanggaling ‘yan. Uhaw na uhaw ka nga sa alak.” Pang aasar ni Lisa.
Habang nag-aasaran sina Lisa at Mich ay ‘di ko maiwasan na isipin kung ano ba ang pinag-uusapan ng dalawa sa labas. Hanggang sa makatulog na lang ako dahil sa halo-halong emosyon ng gabing iyon.
Kinaumagahan, nagising ako muli sa liwanag na tumagos sa bintana, naisip ko na si Andrei lang ang gumagawa nang ganoon na hawiin ang kurtina para pumasok sa loob ang sikat ng araw. Tumingin ako sa aking gilid sa akalang katabi ko si Andrei, pero wala sya roon.
Habang nakahiga pa ay iniisip ko ang mga hindi inaasahang nangyari kagabi. Ang biglaang pagdating ni Andrei at ang pag-uusap nila ni Mich. Hanggang sa nag unat ako ng katawan at saka tumayo. Palabas na sana ako ng aking kwarto ng may marining akong mga yabag ng paa sa labas, napaatras ako sa pinto at ilang sandalin pa ay bumukas ito.
“Oh, gising ka na pala. Tamang tama handa na ang almusal natin. Tara kaen na tayo.” Bungad ni Andrei ng naka sando lang at boxer brief. Muli, napatitig na naman ako sa ibabang parte na iyon ng kanyang katawan dahil sa nakabukol ito. “Hmmm naaakit ka naman sa ‘kin no?” nakangising nitong sambit
BINABASA MO ANG
The Best Gift Ever! [Completed]
Lãng mạnThere are risks in every kind of relationship. Are you willing to take that risks?. [This is for open-minded people only.]