Chapter 5

227 25 22
                                    

Alas otso na nang gabi ng makaalis ako sa opisina. Dumiretso na ako sa tinutuluyan ni Mich para sa another get-together ng barkada. As usual puro kantyawan na naman ang mangyayari at sa ‘kin na naman ang sentro ng usapan. Nagmadali akong nagmamaneho dahil alam kong ako na lang ang hinihintay nila. Kaya pagdating ko doon ay hindi nga ako nagkamali.

"The lady in red is here." pambungad ni Mich ng makapasok ako sa pintuan. Napatingin naman ako sa kulay ng suot ko. “woooh. Let’s party na.”  Hiyaw ni Ruby.

“Sorry mga sis late na naman ako.” Sabi ko habang hinuhubad ang aking blazer.

"Sanay na kami, tara umupo ka na. Cheers!" aniya ni Lisa. At agad ko naming kinuha ang isang bote ng alak at sabay sabay kaming nagkampay.

“So, how’s Andrei?” tanong ni Mich. Alam ko naman na si Andrei na naman ang pag-uusapan namin. Kaya bago pa man ako pumunta roon at habang nasa byahe ako kanina ay alam ko na ang sasabihin ko.

Nginitian ko sila. “He’s good.” Maikli kong sagot sabay tungga ulit ng alak.

“Eh ano naman ‘yung sinasabi mo kanina, I love you baby at may pa mwuah ka pa dyan.” Sunod na tanong ni Mich. This time, wala na akong kawala kaya sinabi ko na sa kanila ang ginawa kong kalokohan.

“Baliw ka talaga ‘no? Paano naging patas ‘yon, sabihin mo nagseselos ka lang kaya mo ‘yon sinabi.” Kantyaw ni Mich.

“Bakit naman ako magseselos, sinabi ko lang naman ‘yon para tigilan na nya ko.” Sabi ko.

“Bakit ba kasi sya lapit ng lapit sa ‘yo? May gusto ba sya sayo? Tinanong mo na ba sya? O baka naman  mahal ka niy—”

“No!” hiyaw ko kay Ruby para putulin ang susunod pa nyang sasabihin. “Sorry, pero ayaw ko maging mistress. Tsaka hindi naman magkakagusto sa ‘kin ‘yun.” Dugtong ko.

Bigla namang natawa si Lisa. “Anong nakakatawa sa sinabi ko?” tanong ko.

“Thursday kasi ngayon Sis” sagot nitong nakangisi. “Ano naman kung Thursday ngayon? May celebration ba?” sunod kong tanong. Nagkatinginan namang silang tatlo at sabay sabay nagsalita.

“Thursday is Mistress day.” Bulyaw nila sa akin. “Hindi mo ba alam ‘yun?” mabilis na tanong ni Mich.

“Tigilan nyo nga ako. Mga lasing na kayo.” Sabay tagailid sa kanila.

The Best Gift Ever! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon