Chapter 4

234 26 19
                                    

“Goodmorning Ladies and gents. I’m sorry for waiting.” Pambungad ko sa mga investors habang tinutungo ang aking upuan na nasa kabisera ng isang mahabang mesa. Nakita ko rin ang pag senyas ng Lolo ni Andrei sa kanya na doon umupo sa tabi  nya. “Okay, Let’s start..” panimula ko.

“Everyone is waiting for this mid-year issue, what is your main feature this time?” tanong ni Mr. Chua.

“I made an outline for this presentation.” Tumingin ako kay Anna,  at agad naman nitong nakuha ang aking hudyat. “As you can see on the screen before us, the title of our new issue is The Country’s Pride. Our New Heroes. Featuring our beloved OFWs.” I say it confidently. “ The president of OWWA expressing their gratitude that this article should be presented to the people professionally.”

“How did you come up to this concept Ms. Perez?” Sunod na tanong ni Mr. Chua.

“Amidst all the hardships for their family and sacrifices, I think that they deserved to be recognized by your own truly. So, we’re gonna focus about the real-life experiences of the OFWs. Everyone is worked hard for this, the content is still needs some editing. But, I can assure you that we will give you the best issue magazine you could ever imagine.”

Biglang pumalakpak si Andrei na ikinagulat ng lahat “Wow, i-impressive. Right?” Dama ko ang pagsuporta nya sa ‘kin sa sinabi nyang ‘yon.

“Get on with it.” Aniya ni Mr. Chua.

Humarap sa ‘kin si Mr. Richards “Yeah, I liked it. And I think everyone does.”

“Thank you.” pasasalamat ko.

Tumagal ng isang oras at kalahati ang meeting na iyon. Pagkatapos ng presentation ko ay pinag usapan narin ang magiging hatian. Naging maayos naman ang takbo nag pag uusap hanggang sa tuluyan na ngang nakaalis ang mga investors, pati si Andrei ay sumabay na rin sa lolo nya.

“Anna, coffee please.” Utos ko habang nag-aayos ng mga gamit sa ibabaw ng mesa.

“Yes Maam.”

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating din ito dala ang aking kape.

“Maam, ito na po ang kape nyo.” Nilapag nito ang kape sa mesa “At pinapasabi po pala ni Mr. Freeman na hihintayin ka raw po nya sa opis mo.” Dugtong nito.

Dahil sa sinabing iyon ni Anna ay minadali kong niligpit ang gamit ko at pumunta sa aking opis. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin Si Mr. Freeman at si Andrei na nakaupo sa sofa. Napansin ko rin ang mga rosas na binigay sa ‘kin ni Andrei na nasa sahig sa gawing likod ng sofa. Sa posisyon ng pagkakatayo ko ay kitang kita ko ang mga ito. Kung paano napunta iyon doon, hindi ko alam.

The Best Gift Ever! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon