Kinabukasan, bumalik na kami pauwi sa Maynila. Tuloy pa rin ang takbo ng buhay ko kasama si Andrei ngunit meron paring mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Ang nagbabalik buhat ng nakaraan at ang pagtutol ng Lolo ni Andrei sa relasyon namin. Hanggang isang araw ay dumalaw sa aking opisina ang isang lalaking sanhi ng aking kalituhan. Si Kevin.
“Good Morning Maam Verra.” Bungad ng aking Assistant na si Anna. “May naghahanap po sa inyo. Si Mr. Kevin Fabio, Maam gumwapo po sya ng huli ko syang makita.” Ang tila kinikinilig na sabi ni Anna. “Papasukin ko po ba Maam.?” tanong nito sa ‘kin.
“H-huh? O-oo sige papasukin mo.” Utos ko. Ilang sandali pa ay kumatok na si Kevin at tuluyan na nga syang nasa loob ng aking opisina. “Anong ginagawa mo dito?”
“Bakit hindi ka na ba pwedeng dalawin ngayon? Tsaka ako ang maghahatid sa ‘yo pauwi.” Ang kampante nitong sabi at umupo sa aking sofa.
“Hindi pwede, si Andrei ang magsusundo sa ‘kin.” Pagmamataray ko.
“Verra, please let me..” Pero imbis na tutulan ko ang sinabi nya ay kinuha ko ang aking cellphone at tinext si Andrei na huwag na akong sunduin pauwi ng araw na iyon. Si Kevin na nga ang naghatid sa akin pauwi. Pero sa labas pa lang ng gate ay nakita ko na si Andrei na na tila nag-aabang at naghihintay.
"Bakit kayo magkasama? Kaya ba hindi ka nagpahatid sa ‘kin kasi may iba ng maghahatid sa ‘yo?” sambit ni Andrei na nagbabago ang tono ng pananalita.
“Oo, ano bang masama dun hinatid nya lang naman ako.” Malumanay kong sabi at hinawakan ang mga braso ni Kevin. “Tara na Kevin pasok na tayo sa loob.” Ang nangingiti kong pagyaya kay Kevin papasok sa loob pero bigla na lang nawala ang pagkakahawak ko sa kanya ng bumagsak sya sa lupa. Tinulak sya ni Andrei, at bigla na lang sinuntok.
“Ano ba Andrei, itigil mo ‘yan!” awat ko sa kanya. “Itigil mo sabi ‘yan, Ano bang problema mo ha?” Sabay tulak sa kanya. Lumuhod at hinaplos ang mukha ni Kevin. “Wala kaming ginagawang masama.”
“Bakit bigla na lang nagbabago ang pakikitungo mo sa ‘kin nitong nagdaang araw? Honey.. sabihin mo na naman sa ‘kin kung may problema ka.”
“Pagod ako ngayon Andrei gusto ko na magpahinga. Please lang magpalamig ka muna ng ulo mo.” Ang pagtataboy ko sa kanya.
“Pinapaalis mo na naman ako, hindi ako dapat ang pinapaalis mo ang lalaking iyan dapat.” At aakma pang suntukin ni Andrei si Kevin. Pero agad ko syang hinarang.
“Umalis ka na sabi!” hiyaw ko sa kanya. May mga luhang nangingilid sa aking mga mata, masakit sa ‘kin na pagtabuyan sya ng mga sandaling iyon. Alam kong hindi nya deserve pero dapat kong gawin. Pumasok si Andrei sa sasakyan nya at pinaharurot ito palayo. Inalalayan ko naman si Kevin at pumasok sa loob ng aking bahay. Habang nasa sofa sya dinadampi dampi ang ice compress sa parte ng mukha nya na namaga dahil sa suntok ni Andrei ay naghahanda naman ako ng aming hapunan.

BINABASA MO ANG
The Best Gift Ever! [Completed]
RomanceThere are risks in every kind of relationship. Are you willing to take that risks?. [This is for open-minded people only.]