Prologue

477 29 10
                                    

Miyerkules ng hapon kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan, mula sa isang fiber glass na nagsisilbing dinding ng aming opisina na nasa ika-labing anim na palapag ng gusaling aking pinagtatrabahuhan, tanaw ko ang unti-unting pagtaas ng tubig sa kalsada kung saan ako dumadaan pauwi. Dahil hawak ko naman ang aking oras sa trabaho ay minadali kong niligpit ang mga gamit ko at tuluyang ng umuwi para hindi na ma-istranded pa kung sakaling nanatili pa ako dun.

Naaalala ko kasi noong bagyong Ramil, hindi ako nakauwi nun dahil sa taas ng baha at buhul-buhol na trapik. Imbis na nagpapahinga na ako at natutulog sa malambot kong kama ay naghihintay pa ‘ko kung uusad pa ba ‘yung mga sasakyan na nasa harap ko. Nakakaburyo. Kaya nanatili na lang ako sa opisina hanggang sa kinabukasan. Kaya kapag nagkakaroon ng malakas na ulan ay agad na ‘kong umuuwi para hindi na ulit mangyari ‘yon.

Wala pang labing tatlong minuto ay nakarating na ‘ko sa aking bahay. Bumusina ako ng tatlong beses pahiwatig sa boyfriend ko na nakauwi na ako at para narin pagbuksan nya ‘ko ng gate. Ngunit walang lumabas. “Hmmm siguro umalis ‘yun.” Pinarada ko na lang ang sasakyan sa harap at nagmadaling binuksan ang gate. Mula sa kinatatayuan ko, naririnig ko ang malakas na tunog mula sa loob ng aking bahay. “Kaya pala ‘di marinig ‘yung busina ko. Tsk.” Pagkabukas ng gate ay dumiretso na ‘ko sa pintuan paghawak ko sa doorknob at pag-ikot dito ay bumukas ito.

“Argh! What the hell.” Pagkarindi ko sa malakas na tugtog. Binaba ko muna ang mga gamit ko sa sofa at tinungo ang music corner. Hininaan ko ang volume nito. Sa paghina kong ‘yon ay may naririnig akong boses..

“Ohhh. Brent.. Ahh. Ahh. yeah... Ahhhh” hindi ako nagkakamali boses iyon ng isang babae na nagmumula sa aking kwarto. Alam ko na may nangyayari roon kaya agad ko iyon tinungo.

“Ohhh Sh*ttt... Lapit na akooo, ahhhh.. ahhh. ahhh..” Kasabay ng pagbukas ng pinto ang pag hugot ng Boyfriend ko ng kaniyang ari mula sa kaselanan ng babae na nakatuwad sa aking kama. Napatingin sila sa akin habang sumisirit ang ilang katas mula sa ari ni Brent at pumilandit sa likuran ng babae.

“Hayop ka, traydor! Ang kapal ng mukha mong gawin ‘yang kababuyan niyo sa pamamahay ko. Lumayas kayo. Nakakadiri kayo. Mga baboy. Layas!”  Mga salitang paulit-ulit na namumutawi sa aking mga labi habang hinahampas ng aking mga kamay ang dalawang taong  bumaboy sa mismong kwarto ko. Nakakapagod at nakakasawa na.

Sa kabila ng kabutihang loob na ipinakita ko, ito lang ang magiging kapalit—Ang saktan ako. Matapos kong ibigay ang gusto nila—Lolokohin lang ako. Ang mas masakit pa roon, minahal mo na nga ng higit pa sa sarili mo, pero sa huli—Iiwan lang din ako.

 “Mga walang hiya kayo! Mga manloloko!” pagsigaw ko para maulinigan ang mga walang kwentang lalaki na gumamit sa ‘kin. Mga lalaking minsang minahal ko.

The Best Gift Ever! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon