Ang pangako namin sa isa’t isa ni Andrei ang tanging bagay na panghahawakan ko sa ngayon. Ang pangakong walang bibitiw sa amin at magiging masaya sa kabila ng mga pagsubok na dumating. Kaya naman babangon ako at ipapakita sa lahat ng tutol sa amin na tunay at tapat ang aming pagmamahalan. Hindi ito kahibangan at walang pag-aalinlangang ipaparamdam ang tunay naming nararamdaman. At pilit naming lalagpasan kahit na ang trahedyang dumaan.
“Tita! Tita! Si Verra po gising na.” Sigaw ng babaeng nakaupo sa kanang bahagi ng aking kama. Nang tuluyan ko nang naimulat ang aking mga mata ay nakita ko si Ruby. Nagsilapitan naman sina Mommy, Daddy at sina Lisa at Mich.
“Anak.. anak.. Diyos ko! Maraming Salamat po.” Ang naiiyak na sabi ni Mommy. Si Daddy naman ay nasa kanyang likod at hinahaplos haplos ito.
“Sis! Oh my Gosh! You’re awake! Thank God!” ang ‘di makapaniwalang si Lisa habang nakahawak sa labi. Pero imbis na kausapin sila ay tinangka kong bumangon kahit masakit pa ang katawan sa aksidenteng natamo.
“Anak, huwag ka munang bumangon. Hindi ka pa magaling.” Ang biglang pigil sa akin ni Mommy.
Pero nagpumilit ako. “Mom.. Si Andrei, pupuntahan ko sya.” At akma ko pang tatanggalin ang mga aparatong nakasaksak sa mga braso at kamay ko.
“Anak, huwag kang mag alala nasa kabilang kwarto lang sya.” Sabay hawak nya sa mga kamay ko.
“Oo nga sis. Magpagaling ka muna Okay? I’m sure hindi gugustuhing makita ka ni Andrei ng ganyan ang kalagayan mo.” Dugtong pa ni Mich.
Wala na akong nagawa pa at humiga na lang. Pumikit at sinariwa ang huling pangyayari “K-kamusta si Andrei Mom?”
“Anak.” Huminga sya ng malalim na tila bumubwelo sa kanyang sasabihin. “Wala pa rin syang malay hanggang ngayon.”
“Mom, bago kami maaksidente inatake sya Mom. Ano na pong nangyari sa kanya? Okay lang ba ang kalagayan nya ngayon? Anong sabi ng Doktor?” Ang sunod sunod kong tanong.
“Sis, sabi ng doctor inatake nga daw sya sa puso. Sinilip ko pa nga sya kanina nung nakita kong bukas ‘yung pinto at base sa itsura nya parang malala ang pinsalang natamo nya.” Sagot ni Mich.
Tinuro turo sya ni Ruby. “SShhh! Napaka daldal mo talagang babae ka. Dapat dyan sa bunganga mo zinizipper eh.”
Sa sinabing iyon ni Mich ay pinilit kong bumangon, wala akong gusto ngayon kundi makita si Andrei.
“Anak.. anak.”
BINABASA MO ANG
The Best Gift Ever! [Completed]
RomansaThere are risks in every kind of relationship. Are you willing to take that risks?. [This is for open-minded people only.]