Kinabukasan, tinotoo nga ng Lolo ni Andrei ang pagbabanta laban sa aming kumpanya. Tinanggal nito ang kanyang shares at tinigilan na rin ang pag-iinvest. Maging ang iba pa naming mga investors ay nag pull-out na rin. Inaasahan na rin namin na ito ang mangyayari sa hindi pagsunod naming sa gusto nito.
Ilang araw pa ang lumipas at nararamdaman na ng lahat ang unti unting pagbasak ng aming kumpanya. Nalulugi na ito at baka magsara na rin. Nasasaktan akong makita ang mga empleyadong mawalan ng trabaho, kaya sinusubukan pa naming isalba ito. Hanggang sa isang araw ay pumasok ako sa aking opisina kasama si Andrei at nakitang nasa labas ang aking mga gamit.
“Anna, anong nangyayari dito? Bakit nasa labas ang mga gamit ko.” Naguguluhan kong tanong sa assistant ko na tila umiiyak.
“M-Maam Verra, inutos po ni Mr. Freeman na ilabas po ang mga gamit nyo.” Sambit ni Anna. Biglang lumabas sa aking opisina sina Mommy, Daddy at Lolo ni Andrei.
“Mom? Anong ibig sabihin nito?”
Lumapit ito sa ‘kin. “Anak, Hindi ba ito ang gusto mo? Ang hindi na mawalan ng trabaho ang mga empleyado?” Tumango ako. “Para sa ikabubuti ng lahat anak, ibinenta na namin ng Dad mo ang kumpanya kay Mr. Freeman. Alam naman natin na sya lang ang makakapagsalba nito ‘di ba?. Hayaan mo na anak makakapagsimula tayo muli.” Ngumiti si Mommy pero may mga nangingild na luha sa kanyang mga mata.
Nanghihina ako ng oras na iyon. Hindi ko matanggap na ang kumpanyang pinaghirapan ng aking mga magulang ay bigla na lang maglalaho ng parang bula. Inisip ko na napaka masarili ko at sariling pangkaligayahan lang ang inintindi. Kaya hindi ko napigilan na lumuhod sa harapan ni Mr. Freeman.
“Maawa po kayo. Huwag nyo pong gawin ito. Please po. Please.” Ang naiiyak at pagmamakaawa kong sabi. Alam kong nagulat sina Mommy sa ginawa ko. Hindi ko rin alintana ang mga empleyado na nakatingin sa akin na nag-iiyakan. Nararamdaman kong masakit sa kanila ang nangyayari dahil sobrang malalapit na rin kami sa isa’t isa. “Nagmamakaawa po ako.”
Lumapit sa ‘kin si Andrei at inakay ako patayo. “Tama na iyan honey.” Lumingon ito sa Lolo nya. “Napakawalang puso nyo talaga Lolo. Hindi ko akalain na magagawa nyo ang bagay na ito.” Ang mataas nitong pagkakasabi.
“Kung sumunod ka lang sa mga gusto ko Andrei hindi ito mangyayari. Hindi pa naman huli ang lahat, gawin mo lang ang gusto ko at ibabalik ko sa kanila ang lahat.” Ang walang pusong sabi ng Lolo ni Andrei.
“Kung inaakala mo Lolo sa ginawa mong ito mapapaghiwalay mo kami, pwes ako na nagsasabi sa ‘yo nagkakamali ka. Pinakita nyo lang sa ‘kin ngayon ang kawalan nyo ng puso.” At biglang sumambulat sa pisngi ni Andrei ang isang malakas na sampal mula sa kamay ng kanyang Lolo. Nagulat ito sa kanyang nagawa.
“Hindi ko akalain na magagawa nyo ito sa akin.” Naluluha si Andrei. “Masakit sa ‘kin pero kalimutan nyo na po na may apo kayo. Dahil ako ikinakahiya ko na naging Lolo ko kayo. “Tara na Verra, umalis na tayo dito.” At agad naming nilisan ang lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
The Best Gift Ever! [Completed]
RomanceThere are risks in every kind of relationship. Are you willing to take that risks?. [This is for open-minded people only.]