Bago pa lang ako nagsisimula noon sa aming kumpanya nang makilala ko si Kevin. Sya mismo ang nagtrain sa akin para maging isang magaling na manunulat. Kagagaling ko lang noon sa isang hiwalayan nang unang araw na pumasok ako sa aming kumpanya. The first time I saw him ay talaga namang napalundag ako sa kanyang kagisigan. Napaka formal ng suot nya noon, naka longsleeve sya na kulay maroon na talaga namang hapit sa katawan nya at bakat dito ang naglalakihan nitong mga muscle at ang slacks nito na tamang tama sa kanya. Masasabi kong isa sya sa mga pinagpala ng magkaroon ng magandang panlabas na katangian, higit pa roon ay talagang napakabait nya at bihira lang iyon taglayin ng mga lalaking nakilala ko.
Sa tuwing nagsasalita sya at tinuturuan ako ay napapatitig na lang ako sa kanya at hindi sa ginagawa nya, dahil siguro naaakit ako the way sya magsalita at kapag ngumingiti sya. Hindi lang sya gwapo at mabait, matalino at kahanga hanga ang galing sa pagtatrabaho. Kaya sino ba namanng babae ang hindi magkakagusto sa tulad nya.
“Ms. Perez, Do you need help?” sambit ni Kevin nang makita nya kong nakatungkod ang braso at ang mga palad ay nakatakip aking mukha. Akala siguro nya ay nag-iisip ako pero sa totoo lang ay nangingiti ako ng sandaling iyon. Magkatabi lang naman kasi kami ng pwesto kaya hindi ako makapag concentrate sa mga ginagawa ko.
“Ah.. Yes!” sabay baba ng mga braso ko. “Kuha lang po ako ng kape. Gusto nyo po?” tanong ko ng hindi makatingin sa kanya na para bang naiilang.
“Sige, kung okay lang.” Maikli nitong sagot.
Ngumiti ako. “Saglit lang po.” Sabay tayo sa upuan at nagtimpla ng kape. Pagabalik ay ilalapag ko na sana ang isang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa nya.
“Ito na po ‘yung kape nyo.” Sabi ko nang aakmain nyang abutin ang tasa ng kape sa kamay ko at imbis na makuha ito ang mga kamay ko ang nahawakan nya. Nagulat ako dahil para na na naman akong nakuryente sa pagdampi ng palad nya sa mga kamay ko. Kaya naman nabitawan ko ang tasa at nahulog iyon sa sahig.
“Arghh! Sorry po. Sorry.” Sabay yuko at lumuhod para pulutin ang nabasag na tasa.
Lumuhod din si Kevin at hinawakan ang mga braso ko. “Okay lang, hayaan muna ang janitor ang maglinis nyan.” Pero pinagpatuloy ko parin ang pagpupulot ng nabasag na tasa. Kaso ay nasugatan ako dahil sa bubog.
“Ouch!” sabay tingin ko sa aking palad na nasugatan at kinuha ang bubog na bumaon buti na lang at mababaw lang iyon. Agad naman kumuha si Kevin ng tissue na nasa ibabaw ng mesa ko.
Dinampi dampi nya iyon sa parte ng palad ko na nasugatan. “Sabi ko naman sa ‘yo hayaan mo na ang janitor eh.’Yan at nasugatan ka pa. Lagot ako sa mga magulang mo nyan, baka sabihin nila hindi kita binabantayan.”
“Okay lang po, malayo naman sa bituka ‘yan. At saka kasalana ko naman. ” Agad akong bumalik sa upuan ko. Napansin ko kasing nakatingin na sa amin ang mga tao sa opisina. Nassaktan naman talaga ako sa sugat pero mas nangibabaw ang kilig na naramdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Best Gift Ever! [Completed]
RomansThere are risks in every kind of relationship. Are you willing to take that risks?. [This is for open-minded people only.]