CHAPTER O5

742 16 0
                                    

Kinabukasan ay lutang na lutang ako habang nagtatrabaho dulot ng kakulangan sa pagtulog.Mag-aalas 2 y medya na din ako'y nagising pero nakahabol pa naman sa mga gawaing bahay.

" Ate, Babye papasok na po ako "
pagpapaalam ng kapatid ko at tsaka kinuha ang bag nito para makaalis na.

" Oh sya, Mag-aral ng mabuta ah, wag kang papatalo sa mga spoiled brat na yun ah !" Pahabol ko at tumawa na lamang ito bago umalis.

" Opo ! "

Pagkaalis nito ay napabuntong-hininga na lamang ako.

Ewan ko ba pero parang gustong-gusto ko nang gumabi agad.

Tskk , Nahihibang na ata ako hayst.

" Anak, Mamayang tanghalian paki lagyan ng maraming kanin at ulam yung kulay puting pinggan.Wag mong haluin ah,"

"Po? Bakit po?" Nagtataka kung tanong.

' Wala naman siguro kaming bisita ' Pag-iisip ko .

" Ahh ano,May pag bibigyan lang akong batang kalye.Mukhang kawawa naman kase " Sagot naman ni Nanay Lita na agad ibinaling sa ibang bagay ang atensyon bago nagpatuloy sa pagwawalis sa labas ng harden.

" Ahh opo sige po.Dadamihan ko po." Masiglang sagot ko naman.

Hindi ko alam na medyo malapit pala si Nanay lita sa mga Batang Kalye.Siguro dahil wala syang anak.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagpakuha ng mga kompay bilang pagkain sa mga kabayo.Wala kase si Tatay Rodolfo ngayon dahil day off niya kaya ako ang naatasang mag-alaga sa mga Kabayo dito sa rancho.

" Anak pansin ko parang nagkakalaman kana kumpara sa unang pasok niyo dito ah " Masayang wika ni Nanay Lita habang nagtatrabaho kami.

" Oo nga po eh, kaya nga po laking pasasalamat ko't dito kami napadpad ng kapatid ko magmula nang kami ay lumayas sa pamamahay ng aming malupit na tiyuhin Nanay " Pagkukwento ko.

Alam na din kase nila Nanay at Tatay ang dahilan kung bakit kami lumayas dahil naikwento ko na sakanila.Kaya nga sa loob ng isang linggo ay mabilis akong nakapag-adjust dito sa bahay.

" Mas lalo ka tuloy gumaganda anak.Ilang taon ka na nga ulit?" Tanong ni Nanay.

" Naku nay Dese nuwebe na po ako at Si mimi naman po ay Pitong taong gulang pa lamang.Medyo matagal po kase bago ako nasundan dahil nabusy sila mama at papa noon sa aming negosyo "

Nagpatuloy ang aming kwentuhan ni Nanay nang masulyapan ko ang Pinakataas na parte ng bahay.

Mula dito sa kinatatayuan ko ay ramdam ko pa din ang mga nanunoot balat niyang mga titig.

Alam kong Nadungaw siya mula sa Attic habang tiningnan kami mula sa baba kaya naman ay agad ko siyang tinitigan pabalik at saka ngumiti.

Ngunit sadyang damuho talaga ang kubang ito dahil nang mahuli niya ang mga mata ko ay agad nitong sinarhan ng Kurtina ang bintana dahilan upang mapasimangot ako.

' Tch , may kurtina pala don? Di ko napansin yun kagabi ah ! '

Yumuko na lamang ako at tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa habang inaalala ang nangyare kagabi.

Ang weirdo niya talaga ' Nakangising usal ko sa aking isipan.

" Oyy anong nginingiti-ngiti mo dyan anak?" Takang tanong ni Nanay Lita nang mapansing kanina pa pala ako ngumingiti.

" A-Ah wala po nay ! " Pagsisinungaling ko at tsaka aligagang Niligpit ang mga kompay.

Sa totoo lang, Kating kati na ang mga dila kong magtanong tungkol sa misteryosong lalaki na nakatira sa attic.

Gusto kong mag kwento kila Nanay pero kailangan kong mag-ingat dahil may mga hinala akong kailangan ng kompirmasyon.

" Halina kayo'y kakain na " pagtatawag ni Nanay Odeth kaya naman ay pumasok na kami sa loob at kumain.

" Nay,Nasan na nga po pala sina Ma'am at Sir?" Tanong ko habang kumakain kami ng tahimik.

" Ah, Pinuntahan lang yung kabilang Rancho para kamustahin.Babalik din yun mamaya "

" Ahh ganun po ba."

" Oh sya bilisan niyo na dyan at hahatiran ko pa ng pagkain ang mga bata't baka gutom na yun ngayon." singit ni Nanay Lita kaya naman ay agad na naming tinapos ang pagkain at nang matapos ko nang hugasan ang pinggan ay inihanda ko na ang pinag-uutos ni Nanay Kanina.

Kumuha ako ng isang puti't malinis na plato at tsaka nilagyan ng kanin.Tapos ay nilagyan ko din ng 2 pirasong fried chicken at maraming kare-kare.Pinuno ko ng pagkain ang pinggan para hindi mabitin ang mga batang kalye .Alam ko kasi ang ganoong pakiramdam kaya naman ay tudo suporta ako kay nanay.

Nang matapos na ang lahat ay tinawag ko na si Nanay Lita.

" Nay, Saan niyo po ba dadalhin iyan? Pwede po ba akong sumama?" Masayang tanong ko.

" Ay anak bawal kasing lumabas ng tig-dadalawa dito sa Bahay kaya dapat kung sino lang yung may kailangan ay siya lang ang makakaalis.Pasensya na." Aligagang sagot ni Nanay na ngayon ay hindi makatingin saakin habang abala sa paghahanap ng kung ano.

" Ay sayang naman po.Sige po Nanay magpapahinga lang po muna ako saglit ah " Pagpapaalam ko at tsaka pumasok sa loob ng aking kwarto.

Balak ko kase talagang sumama para kahit papaano'y makapaglibang man lang ako sa labas kaya medyo na dismaya ako kaunti nang mapag alaman kong bawal pala lumabas ng tig-dadalawa dito sa bahay.

Inuukupa ng mga pag-iisip ang aking utak habang nagpapahinga nang makadinig ako ng mga Yapak mula sa hagdanan sanhi upang maimulat ko ang aking mga inaantok na mata.

" Sino kaya yun?" Takang tanong ko at tsaka tumayo upang buksan ng kaunti ang gilid ng pinto at makasilip.

Dito kase sa banda ng kwarto ko ay madidinig mo talaga ang mga kung anu-anong bagay na naglilikha ng ingay dahil masyadong malapit ito sa mga hagdanan pataas kaya kahit kaunting kaluskos lang na nanggagaling sa labas at madidinig mo na agad.

Saktong pagkabukas ko upang silipin ng kaunti kung kaninong yapak iyon ay siya namang pagkakita ko kay Nanay Lita bitbit ang platong pinaghanda ko kanina.

Aligaga siyang naglakas pataas habang lingon ng lingon sa kaniyang likod kong may tao ba.Bahagyang napasulyap si Nanay sa gawi ng aming kwarto kaya naman ay agad akong nagtago sa gilid ng pader upang hindi niya akong makita.

Inantay ko muna ng mga ilang minuto bago ako kumilos at tuluyang lumabas upang magtrabaho nang may di mabilang tanong sa aking isipan.

Akala ko ba para sa mga batang kalye yun?

Kung para yun dun sa kubang lalaki eh bakit pa kailangang ganun ka tindi ang takot ni Nanay na may makakita sakanya?

Sino ba talaga ang lalaking yun?

Bakit sya nandun?

Kung kilala siya nina Nanay at Tatay, bakit di nila siya tinulungang makaalis kung ikinulong nga sya?

Bakit di ko man lang siya nakitang lumalabas?


Sino ba talaga ang kubang iyon at ano ba ang koneksyon niya sa pamilyang Callejo?

Bakit kailangan pa niyang takpan ang mga mukha niya?

Ano ba talagang nangyare sakanya?


Iilan lamang iyan sa mga katanungan ko na hindi ko mabigyan ng mga kasagutan.

Hanggang sa sumapit ang gabi.

Tulog na ang lahat nang inakyat ko na naman ang kwartong iyon dahil sa mga katanungang pilit na bumabagabag sa aking isipan.

Pagkatapos kung mabuksan ang pinto ay agad ko itong inilocked pabalik sa dati.

" Hello, Nandito na naman ako !" Masigla kong sambit at agad naman nataranta ang kubang natutulog sa de sakong kama .

Tsssk, Sayang ! Muntikan ko na sanang makita ang mukha niya kung di lang ako nagpahalata na nadito ako.

" W-w-w-why a-a-are y-y-y-you here ?!" Gulat na gulat nitong tanong at tsaka dahan dahang bumangon mula sa pagkakahiga habang pilit na tinatakpan ang kaniyang mukha.
Suot nya parin ang Lumang jacket niya kahapon na medyo nababalutan na mga dumi at punit punit na rin.

" Diba sabi ko babalik ako, Kaya ito ako." Pilit kong pinapasigla ang boses ko kahit pa kinakabahan ako ng sobra sobra.Ewan ko ba pero hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya dahil pakiramdam ko matutunaw ako.

Tahimik lamang siyang pinagmamasdan ako habang unti unti akong lumapit at umupo sa gilid ng de sakong kama niya.

As expected, Umurong na naman ito palayo saakin.

" Wag mo na akong layuan, Di naman ako nangangagat " Nakangiti kong usal sakanya at lakas loob na hinawakan ang kaniyang balikat.

'Piste, Ba't nanginginig ako sa kaba?'

Nang tumama ang mga palad ko sa mga balikat niya at ramdam kong panandalian siyang hindi huminga bago ako hinarap ng maayos.

" W-W-who a-a-are y-y-you?" walang tiwalang tanong niya habang nagkatititigan kami.

" Ako nga pala si Arielle hehehe nice to meet you.Ikaw anong pangalan mo? " Nakangiti kung tanong habang inaalok sakanya ang kamay ko para sa pakikipagkamay.

Ngunit taka nya lamang itong tinitigan kaya naman ay ako na mismo ang kumuha sa kaliwang kamay niya at saka pinag shake hands ito.

" H-How ,w-w-what i-is t-t-this?" Gulat na gulat niyang tanong habang pinagmamasdan ang aming kamay na magkahawak.

Sobrang lambot ng kamay niya senyales na wala siyang ibang ginagawa kundi ang magkulong sa kwartong ito kaya naman ay napatawa na lamang ako.

" Ang tawag dito ay 'Shake hands' at kadalasan itong ginagawa ng mga tao kapagka may bagong kaibigan silang nakikilala." Pagpapaliwanag ko dahil halatang namang wala talaga siyang kaalam alam tungkol sa shake hands.

" Woi, Di ko pa ikaw nakikilala, Ano nga bang pangalan mo ? " pagbabalik ko sa katanungan nang mapansin kung hindi nya pa ito sinasagot.

Nang makita niya kung gaano ako ka interesadong malaman ang pangalan niya ay agad niyang kinalas ang pagkakahawak sa aming mga kamay at tsaka tumalikod paharap sa triangulang bintana ng attic na ngayon ay naliliwanagan na ng mga ilaw galing sa buwan.

" Oyyy, Kausapin mo naman ako.Ano ba kasing pangalan mo ?" Pang uusisa ko.

" I-I w-w-wont tell y-you my n-n-name" Bulol ngunit napabuntong hininga na lamang niyang sagot kaya naman ay labis akong nagtaka.

" At bakit naman ?" Akmang tatayo na sana ako sa kama upang maglakad paharap sakanya nang makarinig kami ng mga yabag papalapit sa pinto.

" PATAY ! " taranta kong Nasambit at sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba na baka ay mahuli ako rito.

Pati sya rin ay gulat na gulat at di malaman ang gagawin.

Natataranta na talaga ako at nang mag tama ang aming mga mata ay binigyan ko siya ng isang pagmamakaawang expresyon.

" Wag mo akong isusumbong please? Parang awa mo na tulungan mo ako " Desperada kong naiusal pagka't ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako ka kahibang sa mga pinaggagawa ko.

Palakas ng palakas ang mga yabag kaya naman ay halos maiiyak na ako sa paghahanap ng mapagtataguan.

" T-There, H-H-hide in t-t-there !"

Mabilisang turo niya sa Malaking Salamin na pinagtaguan niya kagabi ng una kaming magkita.
Nakaharap ito sa harap ng de sakong kama kaya namn ay hindi ito masyadong nahahalata.

Wala na akong inaksayang panahon at saktong bumukas ang pinto ay nakapagtago na ako sa likod ng salamin.

Mula naman dito sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang hudyat ng pagpasok ni Ma'am Callejo bitbit ang isang bowl.

" Oh ayan kainin mo ! " panimulang bungad nito at nang makalapit na ang lalaking kuba ay kitang kita ko kung paano nito idiniin ang ulo ng lalaki sa bowl nang akmang kakainin na nito ang pagkain sa bowl.

" Yan , Yan ang bagay sayo ! De puta ka ! Wala kang karapatan na Tanggalin ang kurtina ng bintanang ito tuwing gabi dahil hindi ka karapat dapat liwanagan sa panget mong iyan ! " Sabay hila nito sa buhok ng lalaking kuba at saka pinagsasampal.

" And why are you covering your ugly face huh?! And you're wearing your disgusting jacket too ! Bakit ngayon kapa nahiya hah ! Animal ka palang bata ka eh ! Sana noon mo pa naisip yan bago moko ipinahiya sa mga kaibigan ko ! Nang dahil sayo nagkanda letsi-letsi ang pribasiya ng pamilyang ito ! Kung bakit ka pa naman kase nabuhay sa sunog ! Sana nalustay kana at nang wala na akong anak na Halimaw ! " Sigaw ni Ma'am Callejo na ngayon ay nangangalaiti na sa galit habang patuloy na sinisipa sipa sa tiyan ang kawawang kuba.

" M-ma-mama, " Impit na daing ng lalaking kuba habang nahihirapan sa paghinga dahil sa sobrang sakit ng katawan.

Nang dahil sa narinig ay mas lalo lamang nagalit si Ma'am Callejo at ngayon ay padapang hinila ang buhok ng lalaking kuba at tsaka pinagsisipa ang likod.

" ANONG MAMA HAH ! POTA KANG BATA KA ! WALA AKONG ANAK NA HALIMAW NA KATULAD MO AT KAHIT KAILAN AY HINDING HINDI KITA MATATANGGAP !"

" A-A-ah !"

Kitang kita ko mula dito ang sakit na lumulukob sa buong mukha ng binata na ngayon ay mas nasasaktan dahil doon siya pinagsisipa ni Ma'am sa may bandang likod kung saan may malaking umbok.

" WALA WALA WALA ! " Patuloy lamang sa pagsisipa si Ma'am at halos mapasigaw na ako nang may makita akong mga dugo na bumabalot sa katawan ng lalaking kuba.

'Please tama na po' Pagmamakaawa ko sa aking isipan.

At nang makontento na si Ma'am ay agad niyang inapakan ang gilid ng mukha ng binata gamit ang kaniyang High heels.

" Ikinahihiya kong binuhay pa kitang hayop ka kaya umayos ka " Galit ngunit may diing sambit ni ma'am sakanya at tsaka nilisan kwarto.

Halos mahugot ko ang aking hininga nang magtama ang paningin namin binatang kuba at nang ngumiti ito kahit nababalutan na ng dugo ang katawan ay parang bigla akong nakaramdam ng kakaibang emosyon.Emosyong hindi ko mawari.

" L-l-l-leave n-n-n-now" hirap na hirap nitong usal habang nakahilata sa maduming sahig.

At kasabay ng pagpatak ng mga butil butil kong pawis ay sya ring pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

' How can someone be so selfless?'

HIDDEN PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon