Nanginging ang mga tuhod ko habang dahan-dahang inaakyat pataas ang hagdanan patungo doon sa misteryosong kwarto nang wala man lang dala kahit na isang pamalo o ilaw man lamang.Mahirap na kase at baka mamaya may makapansin pa saakin.
Halos magkabundol bundol na rin ako dahil nahihirapan akong maglakad sa dilim pero dahil sa ka desperadahan kung malaman kung ano ba talaga ang laman ng kwartong iyon ay pinagpatuloy ko pa din ang paglalakad ng walang ingay hanggang sa narating ko na ang tapat ng isang Lumang pinto.
Medyo may kalakihan ito kumpara sa mga pinto ng ibang kwarto dito sa bahay.Ang nakakapagtaka lang ay Gawa ito sa Makapal na Bakal na para bang may ikinulong dito na di kanais-nais.Nabalutan din ng malalaking Kadena ang isang malaki ngunit luma nang kandado kaya naman ay pinag-aralan ko muna ito upang mabuksan ng walang ingay gamit ang hairpin.
Lumingon muna ako sa baba upang makasigurado na walang tao bago ko simulan ang aking plano at nang makompirmang wala nga ay dali-dali kong tinanggal ang aking hairpin at dahan dahang itinutok sa butas ng mabigat na kandado at saka pinaghahalungkat ang loob bago ko ito tuluyang nabuksan ng tahimik.
Marunong kasi ako sa mga ganyang gawain dahil doon sa Tito ko ay lagi akong pinagsasarhan ng pinto kapagka nalaman niyang pumapasok ako sa eskwelahan kaya naman ay sinanay ko na ang aking sarili sa mga life hacks at buti nalang ay napapakinabangan ko ulit ito dito.
Napahugot hininga ako nang tuluyan ko nang natanggal ang mga kadena ngunit kamuntikan ko na itong maibagsak sa sahig dahil sa bigat .
Bago ko pinihit ang siradora ay pumikit muna ako at nagdasal sa lahat ng panginoon na sana ay hindi ko pagsisisihan ang kahibangan na aking pinasok ngunit dahil pursigido na talaga ako ay dahan dahan ko nang pinihit ang siradora pabukas at napatakip ako sa aking ilong nang dahil sa masangsang na amoy mula sa loob.
Kalahati palang ang nabubuksan ko bago ko tuluyang ipinasok ang sarili sa loob ng tahimik at mabahong kwarto sabay inilocked ang pinto.
Unang tingin ko palang sa kwartong ito may masasabi ko nang isa itong Di kalakihang Attic.Walang ilaw na nagmula sa kuryente ngunit dahil walang takip ang triangular na bintana sa harapan ay nagkakaroon parin ng ilaw ang kwarto dahil sa liwanag na nagmumula sa silaw buwan.Nagkalat din sa paligid ang mga sira-sirang piraso ng salamin ngunit kapansin pansin ang mga Nakaukit sa bawat sulok ng pader.
Sobrang ganda ng mga guhit lapis na naka bandal sa mga pader.May makikita kang mga iba't ibang uri ng hayop at bulaklak na malinis na naiguhit mula dito at may mga pustura din ng mga tao na kahit walang kulay ay mapapanganga ka talaga Kaya naman sa labis na pagkamangha ko ay di ko namalayan ang aking sariling naglalakad papunta sa mga pader na iyon upang titigan ng malapitan ang mga nakakabusog matang larawan nang biglaang masagi ng aking mga paa ang isang bagay na nagdulot ng ingay.Agad akong yumuko upang tingnan kung ano ito at nang makita ko ang bowl na pinaglagyan ni Ma'am Callejo kanina ay mas lalo akong nilamon ng matinding kyuryusidad.
" Ano kayang meron dito" May pagtatakang kong tanong at akmang pupulutin na sana ang bowl nang may biglaang nagsalita.
" W-w-who is t-That?!" Tila natataranta at may bahid na takot nitong tanong.
Halos maputulan ako ng hininga dahil sa malamig na boses na iyon at mas lalo pang nanginig ang mga tuhod ko nang makompirma kong nasa bandang kiliran ko lang pala nanggagaling ang boses.
Dahan dahan akong pumihit paharap upang makita ang isang bakante ngunit de sakong kama.
" M-may tao po ba dito?" Nanginginig kong tanong habang inililibot ang paningin sa paligid.
Pansin kong sobra luma na ng kamang de sako dahil nakaka agaw pansin ang mga punit-punit nitong parte na nakabalot sa kama.Sobrang Dumi din ng paligid at puno ng mga bahay ng gagamba ang pinakamataas na parte ng attic.
Walang sumagot sa aking tanong kaya naman ay humakbang na ako patungo sa kama upang sana'y umupo nang bigla nalang...
" D-D-Dont c-c-come a-a-any closer !" Natatarantang Sambit nito.
Agaran kong nilingon ang pinanggalingan ng boses.
Alam kong nakatago ito sa Likod ng isang Basag na Malaking salamin upang matakpan ang sarili kaya imbis na sundin ang sinabi nya ay pumihit ako patagilid at tinungo ang kinaroroonan niya.
" K-kung sino ka m-man dyan, W-wag kang matakot dahil hindi naman kita sasaktan.Gusto ko lang malaman kung i-ikaw ba yung Kumalabog K-kani-----"
" L-leave " pagpuputol nito sa mga sinasabi ko dahilan upang mapahinto ako sa aking paglalakad patungo rito.
Hindi agad ako nakapagsalita at biglaang kumalabog ang pintig ng puso ko dahil sa boses na iyon.
Parang nakakahibang ang malamig na boses na iyon.Ang sarap pakinggan sa tenga.
Napakaganda.
Napakalalaki.
'Siguro sobrang gwapo nito' Wika ko sa aking isipan ngunit agaran din akong napabalik sa huwisyo.
" Bakit ka nagtatago?"
Ang tanong na iyan ang biglaang lumabas mula sa aking bibig imbis na manahimik.
" D-d-don't a-a-ask, L-l-lea-- AHH! "
Malakas na daing nito kasabay ng pagkatumba ng Salaming nakaharang sa aming pagitan kaya naman ay dahil sa labis na pag-aalala,agad akong lumapit at tinulungang makatayo ang lalaking naka jacket na natumba.
" Oh dahan dahan ! Ayos ka lang ba?" May bahid na pag-aalala kong tanong pero nang tumama ang mga palad ko sa kanyang balat ay daglian akong nakaramdam ng matinding kaba kaya naman ay agad din akong kumalakas sa pagkakahawak nang mapansin kong maayos na ito.
" Nahihirapan ka pa ba? Masakit ba ang likod mo? " Tanong ko nang mapansing pakorba itong tumayo.
" I s-said L-l-leave !" Galit nito sagot habang nakayuko at pilit na hinihila ang jacket upang matakpan ang mukha tsaka tumalikod at naglakad papunta sa de sakong kama nang iika-ika.
Agad naman akong napasinghap nang may napagtanto .
Kuba pala siya kaya pakorbang nakatayo kanina !
Nang dahil sa kahihiyan ay agad akong lumapit sakanya upang makapagsorry.Baka kase ay napahiya iyon nang tinanong ko kanina.
" Hey, Uhm..Pasensya na di ko napansin na Ganun pala ang likod mo" Pagpapaumanhin ko at tsaka yumuko sa harapan upang sana ay mapantayan ko sya sa de sakong kama at makita ng pormal ang mukha nya.
" Ahhmm, S-sana ma------"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang agaran niya akong naitulak dahil sa pagkabigla.
Di ko din naman kase namalayan na sobrang lapit na pala namin.
" A-Aray naman !" Reklamo ko at nang makita niya ang expresyon ko sa mukha ay agaran na naman itong natakot at tsaka umusog papalayo saakin.
" H-Hala hindi naman kita sasaktan ah" Gulat kong nasabi nang maramdaman kong halos manginig na ito sa takot.
" Y-y-you're M-m-mad!" Takot na takot nitong naiusal at mas lalo pang umusog papalayo saakin sabay hila sa pinakamalapit na damit na nagkalat sa kama upang takpan ang kaniyang mukha.
Ano bang meron sa lalaking toh ' ..
" Hindi ako galit okay? " sagot ko at tsaka umusad papalapit sakanya.
Balak ko sanang lapitan siya upang makita ang mukha niya nang biglaan itong nahulog sa kabilang gilid ng kama nang dahil sa kauusog.
" Oh ! " Gulat kong naibulalas at tsaka tumayo upang tulungan ito.
Medyo nahirapan itong iangat ang sarili kaya naman ay agad akong yumuko upang tulungan.
Sa kabila ng kaniyang sitwasyon ay nagawa niya pang pagtakpan ang kaniyang mukha kahit na halos hindi na ito makagalaw dahil sa sakit.
At sa kauna-unahang pagkakataong nagtama ang aming mga mata ay halos magpigil ako ng hininga dahil sa sobrang pagkamangha.
Natatamaan kase ito ng ilaw na nagmumula sa liwanag ng buwan kaya naman ay nagsusumingaw ay kulay asul nitong mga mata na sinamahan pa ng mahahabang pilikmata.
Sobrang nakaka insekyur sa ganda.
Kahit sa kaliwang bahagi lamang ng kaniyang mata ang naaninag ko dahil doon lamang ang natatamaan ng liwanag, ay sobrang namangha pa din ako sa aking nakita.
An eyes so vividly blue.So unique.
Napabalik lamang ako sa huwisyo na bahagya niya akong tinulak sa pangalawang pagkakataon.
Maging sya ay nagulat din kanina kaya nya siguro ako nagawang itulak.
" L-l-l-leave now o-o-or i-i-i'll s--shout !" Bulol bulol nitong naibulalas dahilan upang mataranta ako.
" Wag ! Oo na oo na aalis na ako ! Wag kalang magsumbong okay?! Please " Pagsusumamo ko at saka dali-dali akong tumayo at tumitig sakanya.
Ngunit tumango lamang ito bilang sagot at tsaka mas lalo pang inilayo ang sarili saakin.
Kaya naman ay agad ko nang nilisan ang kwarto ngunit bago ko isinara ang pinto ay humarap muna ako pabalik sakanya at tsaka ngumiti.
" Aalis ako ngayon pero babalikan pa kita bukas kaya wag kanang matakot.At tsaka patulogin mo na rin kami tuwing gabi dahil walang epekto saamin ang pananakot mo.Di kami aalis dito hanggat hindi kami pinapaalis."
Pahabol ko at tsaka tuluyan nang inilocked pabalik ang kandado ng pinto nang may mga ngiti sa labi.
Ewan ko ba pero sa di malamang kadahilanan ay wala talaga akong makapang takot sa aking sarili.
Pero Kaba oo meron.sobrang Lakas.
-sana ho na gustohan nyo..
BINABASA MO ANG
HIDDEN PLEASURE
Mystery / Thriller------ Just like every princess in a fairytale , We all dreamed to be loved by a handsome prince.Filthy rich,Smart,Perfect physical looks,Angelic face that matches a bad boy attitude.Admit it.We all want that.Some aren't but I belong to those kind o...