CHAPTER 1O

653 19 1
                                    

Nang makita ko ang papalayong kotse ng pamilyang Callejo ay agad akong nabunutan ng tinik.

" Hayst salamat naman at hindi sila dito matutulog."

Nakangiting wika ko bago ko isinara ang gate ng mansyon.

Napagpasyahan kase ng mga Callejo na sa kabilang mansyon muna magpapalipas ng gabi dahil magkakaroon sila ng isang magarang Family dinner bilang selebrasyon sa pagbabalik ng kanilang panganay na anak.

" Oh sya anak.Matutulog na kami ah.Ikaw na lamang ang bahala dito at kami'y magpapahinga na."

Pagpapaalam ni nanay lita bago sila isa-isang nagpaalam upang matulog.

Nang matapos ko na ang paghuhugas ng pinggan ay pumasok na ako sa aming kwarto upang i check kung natutulog na ba ang kapatid ko bago ko kinuha ang unan at kumot at tinungo ang kwarto ni Red lips gaya ng nakagawian.

" Oy Red li----"

Nang mapansin kong bukas ang pinto ay agad akong napahinto sa pagsasalita.

'Teka ba't naman bukas to?'

Takang tanong ko sa aking isipan bago tuluyang pinasok ang kwarto ni Red lips.

" Red lips nandyan kaba?"

Bungad ko sabay silip sa kaniyang kama ngunit wala ito roon.

" Hoy red lips ahh ! Alam kong nagtatago kalang dyan kaya wag mo na akong ginugood time !"

Kunyare naiinip kong turan ngunit ang totoo ay nagsimula nang manginig ng mga kalamnan ko nang dahil sa kaba.

Nilibot ko ang kaniyang maliit na attic ngunit tila wala talagang red lips na nagpapakita dahilan upang mabitawan ko ang mga unan na hawak hawak ko at magsimulang mag-isip ng kung anu-ano.

" Red lips Nasan ka ba ?!"

Mahina ngunit may diin kong sigaw at nang makompirma kong wala nga siya dito sa loob ay dali-dali akong lumabas at bumaba.

Lakad takbo ang ginawa ko upang makarating sa aming kwarto ngunit wala siya doon.

Kaya naman ay dahan-dahan kong sinilip ang kwarto nina nanay pero wala pa rin.

Tinakbo ko ang kwarto nina tatay .

Wala pa din si Red lips sanhi upang mangiyak-ngiyak kong nilibot ang bahay ng tahimik.

Sa Dinning Room, Sa music Room,Sa kwarto ng kambal, Sa kwarto ni Leo, at kahit alam kong mali ay pinasok ko pa din ang kwarto nina ma'am sa pagbabakasaling nandoon siya pero wala pa rin.

Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at masama ang kutob ko.Minsan niya kasing nasabi na alam niya kong paano buksan ang pintong nakalock nang walang susi pero hindi siya umaalis doon mula sa loob ng attic kaya naman ay gayun na lamang ang pag-aalala ko kase pakiramdam ko ay hindi siya umalis nang kusa.

" Red lips"

Piyok kong naibulong sa hangin bago lumabas ng bahay sakaling makita man lang siya.

Gustuhin ko mang isigaw ang paghahanap sakanya pero alam kong hindi pwede pagka't nariyan lamang sila nanay at tatay.

" Nasan ka na ba kase !"

Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako sa galit at kaba nang hindi ko talaga mahagilap ni anino man lamang niya.

" Wag naman po sanang may mangyaring masama sakanya "

Garalgal kong pakiusap habang nanginginig ang mga tuhod na tinahak ang likod ng bahay.

Hindi ko siya mahagilap sa harden at mas lalong wala siya roon sa rancho ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa.
Kung kinakailangang libutin ko ng hating gabi ang malawak na lupaing ito ay gagawin ko makita lamang siya.

Kung anu-ano nang mga nakakatakot na senaryo ang naglalakbay sa aking isipan nang hindi ko man lang namalayan.

Paano kung may mangyaring masama sakanya?

Agad akong napapikit ng dahil sa negatibong katanungang iyon.

Hindi.Hindi pwede dahil hindi ko kayang may mangyaring masama sakanya.Natatakot ako.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero sa tuwing naiisip kong nahihirapan siya ay mas lalo lamang akong maluluha sa kaba kaya naman ay mas pinilit ko na lamang ang aking sarili na huwag mag-isip ng kung anu-ano habang hinahanap siya.

" Red lips nakakainis kana ! Nasan ka na ba hah?!! "

Umiiyak kong sigaw mula sa di kalayuan ng mansyon.

Medyo malayu-layo na rin ang tinakbo ko kaya naman ay kampante na akong sumigaw-sigaw.

" RED LIPSSSS! "

Lakad takbo.Lingon dito, lingon doon.

Ganito pala yung pakiramdam kapagka sobra kang nag-aalala para sa mga taong mahal mo.

Lakad takbo.Lingon dito, lingon doon..

Hanggang sa namalayan ko na lamang ang sariling nasa kagubatan na pala ako ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

" RED LIPS NASAN KA NA BA?!!"

Napapaos kong sigaw .

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko kaya naman nang makarinig ako ng tunog ng umaagos na tubig mula sa di kalayuan, ay hindi na ako nag-atubili pang sundan ito para kahit maghanap ako ng maghanap kay red lips dito sa kagubatan ay hindi ako mawawala.

Hangga't maari ay ayokong isipin na kinuha siya ng mga Callejo at kasamang isinakay sa kotse upang pahirapan ng buong gabi o di kaya ay itinali siya isa sa mga puno dito upang hindi na makaabala pa sa selebrasyon ng kanilang anak dahil hinding hindi ko sila mapapatawad pagnaka ganoon nga.

Tama na ang mga pasang nakita ko sakanya.Tama na ang mga paghihirap na nararasan niya sa kamay ng mga Callejo.

At hindi na pwedeng madagdagan iyon..

" RED LIPSSSSSS!! "


Halos magkadapa-dapa na ako kakatakbo at nang tuluyan ko nang marating ang sa tingin ko'y pinakadulo ng parte gubat, ay nagulat na lamang ako nang isang napakagandang lawa ang sumalubong saakin.

Panandalian ako napahinto sa pagtakbo nang dahil sa pagkamangha rito.

Maliit lamang ang lawang iyon pero may mumunting falls ang walang pagod na umaagos mula dito.

Wala akong dalang flashlight ngunit kitangkita ko ang naggagandahang bulaklak at talaga namang wala itong kasing linis kumpara sa mga lawa na nakikita ko mula sa TV.

Sobrang romantiko ng lugar na iyon dahil naiilawan lamang ito ng liwanag na nagmumula sa buwan na sinamahan pa ng mga fog na nagkalat sa ibabaw ng tubig dahil sa lamig.

Hindi ko tuloy mawari kung nananaghinip lang ba ako o sadyang may ganitong klase palang ganda dito ang patuloy na itinatago ng pamilyang Callejo.

" W-w-why a-are y-y-you here ? "

Halos mapasigaw ako sa gulat nang marinig ko ang boses na iyon kaya naman ay agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses at tama nga ang hinala ko !..

There stands a half naked man na nakatalikod saaken.Tho i can only see his bare back casted by illuminating moonlight , Alam kong siya iyon because i know him too well to be overwhelmed with happiness at that moment.

" R-Red lip?! "

Di makapaniwalang tanong ko bago tuluyang nilusob ang malamig na at malinaw na tubig patungo sakanya.

" RED LIPS IKAW NGA !! "

Naibulalas ko na lamang dahil sa sobrang saya nang masilayan ko ang kaniyang buong mukha.

" B-BWESIT KA ! BAKIT HINDI KA MAN LANG NAGPAALAM HAH ?! ALAM MO BANG HALOS MAMATAY AKO SA PAG-AALALA KAKAHANAP SAYO?! NAKAKAINIS KA! AKALA KO MAY KUNG ANO NANG MASAMANG NANGYARI SAYONG HINAYUPAK KA !!! "

Galit na galit kong naibungad sakanya nang ako'y tuluyan nang makalapit at tsaka pinagsasapak ang kaniyang walang damit na dibdib.

" GAGO KA ! NAKAKAINIS KA ! "

Umiiyak kong pagsusumbat sakanya nang dahil sa sobrang sama ng loob.

" ALAM MO BANG BAWAL KANG LUMABAS HAH ! HAH ! SANA NAG-IWAN MAN LANG NG SULAT SA LOOB NG ATTIC MO DAHIL ALAM MO NAMANG PUPUNTA AKO DUN DI----- "

Hindi ko na natapos tapos pa ang mga litanya ko nang hilahin niya ako papalapit sakanya at tsaka ako niyapos ng yakap mula sa likod.

" O-Oy ano ba ! Hindi pa ako tapos litse ka!"


Inis na inis kong reklamo sabay kalas ngunit sa kabila ng kaniyang kapayatan ay hindi ko tuloy lubos maisip kong saan siya kumukuha ng lakas upang mapigilan ako.

" Bitaw letsi ka ahh ano ba !! "

" Y-Y-y-you were w-worried?"

Tanong niya mula sa likod nang hindi man lang pinapansin ang pagpupumiglas ko dahilan upang buong pwersa akong humarap sakanya at tsaka ulit siya sinumbatan.

" OO GAGO KA KASE ! MAPAPAMURA TULOY AKO NG WALA SA ORAS DAHIL SAYO ! AKALA MO NAKAKATUWA KA HAH?! INAAPI KA NA NGA AT ALAM MONG MAY MGA TAO PANG NAG-AALALA SAYO TAPOS GAGAWA KA NG KATANGAHAN NANG HINDI MAN LANG NAGPAPAALAM AT AKO NAMANG SI GAGA NATARANTA AGAD PISTE KA ! HALOS ATAKIHIN NA AKO SA PUSO TAPOS IKAW PA CHILL CHILL KALANG DIT------"

At that moment , I was badly astound when he silence me with a kiss sabay sabing..

" B-Bad M-mouth "

I was rigid.Nakakatitig lamang ako sakanya nang may malalaking mata naTila ba nakalimutan ko ata ng panandalian lahat ng sasabihin ko nang dahil sa ginawa niya..

" O-open your M-mouth "

Utos niya nang mapansing hindi ako makagalaw nang dahil sa labis na gulat .

" H-ha----"

Hindi ko pa man tuluyang natapos ang sasabihin ko nang muli niya na naman akong siniil ng halik at tsaka kinagat ang pang-ibaba kong labi bago tuluyang maipasok ang kaniyang dila nang napa 'aray' ako.

' Putcha ! Ba't kaba nangangagat !!! '

Inis na bulong ko na lamang sa aking sarili.

I was so entrailed with the feelings of his tongue on me kaya naman ay sa sobrang pagkadala, Namalayan ko na lamang ang sarili kong nakikipag-espadahan na rin sakanya gamit ang aming mga dila nang parehong nakapikit.

At nang kinapos ako sa paghinga ay agad akong kumalas sa pagkakahalik dahilan upang masilayan ko ang kaniyang mga ngiti

" I-I-I love t-the feelings o-of you g-getting w-worried o-of me and t-t-thinking a-about me .."

Maya-maya pang nasambit niya habang tumatawa ng mahina bago isinandal ang mga noo saakin.

Sanhi upang kikiligin na sana ako nang may mapagtanto.

" Hoy, Worried lang di kita iniisip noh.Over lang?! "

He just chuckled at my sarcastic remark bago pumikit habang nasa ganoon kaming posisyon.

" U-Uhm..B-balik na tayo.Basang basa na ko eh "

Utal utal kong wika at akmang tatalikod na sana ako dahil sa sobrang hiya nang hilahin niya ako paharap sakanya dahilan upang mapasubsub ako sa kaniyang mga dibdib.

" D-Dont. "

Yun lamang ang narinig kong namutawi sakanyang mga bibig bago muling dumampi ang kaniyang mapupulang labi saakin.

His arm slipped around my waist as he drew me closed to him even more while kissing me passionately.

Habang unti-unting pumupusok ang aming halikan ay halos mapahiyaw ako nang biglaan niyang iniangat ang aking dalawang binti at tsaka ipinalibot sakanya bewang while holding my butt in balance without breaking our intimedate kissing scene.

Agad ko namang ipinalibot sakanyang mga leeg ang aking mga braso while parting my lips to give him more access at nang maramdaman kong huminto siya sa paghalik ay tsaka ko lamang idinilat ang aking mga mata sabay titig sakanyang bughaw na mga mata.

" W-What? "

I was breathless when i ask that habang nakangiti sakanya.

I don't know if it's the perks that's working o sadyang masaya lang talaga ako nang dahil sakanya but..

He didn't said a word.He just kept staring at me with admiration plastered all over his face.

And for that moment, he said...

" Stop me while you can because once you allow me to claim you, You're mine.And there will be no turning back..."

So i cut him off with a gentle kiss habang nakangiti.

" Claim me then.Own me cuz i've been longing to be yours for as crazy as it sounds."

Yun lamang ang tanging naibulong ko sakanyang mga tenga bago ko pa man namalayang hindi na pala siya nautal sa kauna-unahang pagkakataon...

Now I know what i really want...


HIDDEN PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon