Kinabukasan ay nagising na lamang ako nang may unan na sa aking ulunan at nakabalot na rin ng malong ang aking buong katawan.
Agad kong naidilat ang aking mga mata nang mapansin ko ring may kumikiliti sa aking bandang leeg at para bang ang bigat ng katawan ko.
Nang masilip ko ito ay halos hugutan na ako ng hininga dahil sa pagkakagulat pagka't Dibdib ko na pala ang tinutulogan ni Red lips.
Nakadagan ito saakin at ang kaniyang kabilang mukha ay nakaangat ng kaunti habang nakadagan sa aking dibdib.
Sakto lang upang sa leeg ko tumatama ang kaniyang bawat hininga.
Hindi ko rin namalayan na nakadantay na pala saaking mga puson ang kaniyang kaliwang paa habang niyayapos ng kaniyang mga braso ang aking katawan.
'Wow taray neto.Ginawa ba naman akong teddy bear na human size' -.-
Dahil sa sobrang bigat ay hinay hinay ko nang tinanggal ang nakadagan niyang katawan saakin at tsaka inilipat ang Unan sa kaniyang ulunan.
Kinumutan ko din siya gamit ang malong at tsaka tinitigan ang kaniyang buong mukha habang mahimbing na natutulog.
" Siguro nilagay mo sakin ang unan noh? Naku ikaw ah, Pumupogi points kana saken" parang tangang kausap ko sakanya kahit pa alam kong wala itong kamalay malay.
Nang mapansin ko ang peklat nya sa mukha ay agad nabalutan ng lungkot ang kanina'y masaya kong gising.
Hinaplos ko iyon nang may simpatya at kyuryusidad.
" Hmmm..Ano kayang nangyare dito red lips ?.Mukhang malalim to ah!."
" Siguro kakagawan na naman to ng Demonyeta mong nanay.Ay naku! Nakaka walang moral na sya ah ! Pano niya kaya naatim na saktan ka nang ganun-ganun lang bwesit sya" Galit kong naibulalas nang dahil sa sobrang sama ng loob.
At nang bahagya siyang gumalaw ay aksidente kong nahaplos ang kaniyang malambot na labi sanhi ako ay napatitig dito.
" Ba't kaya may mga taong ipinanganak na likas na talagang mapupula ang mga labi noh? Ang swerte mo naman red lips at nagkaroon ka ng labing halos magmukhang dugo na dahil sa pula hehehe.Naku kung pwede ko lang kutsilyuhin to at kunin" Maya maya pang wika ko habang patuloy lamang itong hinahaplos at tinititigan.
" Ano kayang lasa neto "
parang tanga kong tanong at namalayan ko na lamang ang sarili na inilalapit ang mukha ko sakanya upang matitigan ang kaniyang mga labi ng malapitan.
Hahalikan ko na sana ito dahil sa labis na kyuryusidad nang mapagtanto ko kung anong klaseng kahibangan ang pumasok sa aking isipan.
" Piste! Nagiging manyak na ata ako neto---"
Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang gumalaw ito at tuluyan nang maglapat ang aming mga labi.
' HUUUTTTAAAAA'
Gulat na gulat kong sigaw saaking sarili pero halos Maubos ang lahat ng dugo sa aking mukha nang isang gulat na bughaw na mga mata ang sumalubong saaken.
" A-Ahhh HAHAHAHAHA A-ano kase a-ahmm..A-Ano m-may ahmm..A-ano may lamok ! May lamok sa mukha mo! Tama tama ! May lamok hehehe !"
Namumulang pagdadahilan ko at tsaka natatarantang lumayo mula sakanya .
" W-W-where ?"
Takang tanong niya.
" Ahmm..Ahmm..Natanggal ko na ! Oo natanggal ko na hehehe"
Hindi pa man siya nakasagot ay agad na akong tumalikod dahil sa sobra sobrang kahihiyan.
' Ayan ! Ayan kase ang landi '
Panenermon ko sa aking sarili habang nakapikit.
" D-D-did we j-just k-kiss?"
Gulat na mapagtanto ng binata ang mga kaganapan kanina.
Hindi na ako makasagot at dali-daling tumakbo patungong pinto upang makaalis.
" Bye na ! Balakajan !"
Pahabol kung sigaw bago ako tuluyang lumabas.
" H-H-hey wait up! "
Dinig ko pang sabi niya ngunit agad na akong bumaba ng hagdanan.
" Bwuset ka ! Ayan tuloy may nabiktima kang inosente dahil dyan sa katangahan mo !"
Inis na inis kong sumbat sa sarili tsaka pumikit nang ako ay makapasok sa aming kwarto.
" Shit ! Pano kapa haharap mamaya hah!? Gaga ka talaga! "Kinakabahan kong naiusal.
" ARRRGHHH ! Arielle naman ! Ba't ba kase ang tanga mo?! Magmumukha ka tuloy manyak dahil sa kabalastugan mo ! "
" Bwesit ! Unang halik ko pa naman yun huhuhu "
" Anak gising ka na ba dyan?"
Agad akong napa igtad nang dahil sa boses ni Nanay Odeth na sinabayan pa ng katok kaya naman ay agad kong sinilip ang natutulog ko pang kapatid bago ako lumabas ng kwarto.
" O-opo nanay.Magandang umaga po "
" Magandang umaga din sayo.Oh sya ikaw muna ang magluto ngayon ah.Nautusan kase kami ng Nanay Lita mo na mag harvest doon sa Farm nina señora "
" Po? Ano pong haharvest-in ninyo roon?"
Kyuryusong tanong ko habang kami ay naglalakad papuntang kusina.
" Marami kaseng mangga doon anak at pinapaharvest nila ngayon kase samakalawa ay uuwi na ang kanilang panganay na anak."
Pagpapaliwanag ni Nanay.
" Ahh, panganay na anak? Sino po?"
" Si Leonardo Callejo.Yung anak nina señora Victoria na nag-aral sa ibang bansa bilang sundalo."
" Hala! Victoria po pala ang tunay na pangalan ni señora Nanay? Eh Ano po ang pangalan ni Sir?"
" Hay nako, ikaw talagang bata ka oo.Ang pangalan ng Sir mo ay Alfaro Callejo at ang pangalan naman ng kambal nilang anak ay sina Rio at Varo bilang kombinasyon sa pangalan ng mag-asawa"
Nakangiting sagot ni nanay ngunit napansin kong hindi man lamang niya ibinigay ang pangalan ng namatay na anak nina señora kaya nagtanong ako.
" Eh, Nay, ano pong pangalan nong namatay na anak nina Ma'am at pano po siya namatay?" Pang-uusisa ko.
At ang kaninang ngiti ni Nanay ay nabura matapos iyong marinig.
" Anak, Hindi mo na kailangang malaman yun"
" pero bakit po?"
" Kase minsan sa buhay natin, May mga bagay talaga na mas makabubuti pang huwag nalang nating malaman dahil magdudulot lamang ito ng sakit at gulo."
Malungkot niyang sagot sanhi upang lumala ang kyuryusidad ko.
" Nay, Bakit po? Gusto ko pong malaman eh"
Pangungulit ko tsaka huminto at pumihit paharap sakanya.
Napabuntong hininga na lamang si Nanay Odeth nang dahil sa kakulitan ko bago ako tiningnan ng seryoso sa mga mata.
" Arielle anak, Sabihin nalang nating ginawa siyang bituin dahil nahihirapan na siya sa sobrang komplikasyon ng sitwasyon noon "
" Po? " Litong lito kong tanong.
" Arielle, Huwag munang ungkatin pa ang nakaraan at mas lalong huwag na huwag mo iyan itanong nino man dito sa loob ng bahay kong gusto mo pang makaalis dito ng buhay.Oh sya mauuna na ako saiyo anak,Mag-iingat ka ah "
Nakangiting pagpapaalam ni nanay bago umalis bitbit ang kaniyang pananghalian.
Naiwan akong may libo libong katanungan sa aking isipan habang nagluluto.
Hindi ko alam kung bakit iyon sinabi ni nanay at mas lalong hindi ko alam kung anong klaseng pamilya ba talaga itong pinagsisilbihan ko ngayon.
Hindi ko alam.Pero gustong gusto kong Malaman.
Hindi ko alam.Kaya aalamin ko ng palihim.
Alam kong may kinalaman si Red lips dito ngunit kahit saang anggulo ko tingnan, hindi ko pa rin maitutugma sa mga teorya ko ang lahat ng nangyayare.
Noong narinig kong tinawag ni Red lips nang 'Mama' Si Mrs.Callejo, eh bakit apat lang ang anak nina ma'am ?
Kung si Red lips naman ang pangalawang anak nina ma'am , Eh bakit sinasabi nina nanay na namatay siya kung gayung nakita ko mismo si nanay na naghatid ng pagkain kay red lips noon?
Kung totoo ngang si Red lips ang namatay na anak pero pineke lang,
Ano namang motibo nina ma'am at Sir?
Anong rason?
Dahil ba panget siya ?
Dahil nasunog?
Dahil bulol magsalita?
Dahil pinahiya niya si Ma'am noon sa mga sosyal na kaibigan nito?
Dahil ba bali-bali ang kaniyang mga buto?
Dahil ba malas si red lips sa pamilya?
Dahil ba kuba siya kaya ikinakahiya nila sya?
Kaya naisipan nalang nilang pekiin ang pagkamatay?
Pero ang Babaw naman non !
Kahit saang anggulo mo obserbahan ang babaw talaga at tsaka walang ina ang maatim na magawa iyon sa sariling anak!
Yung mga peklat, mga pang aalipusta nila, alam ko kahit sinong ina ay hindi ganun kalala ang magagawa sa sariling anak maliban nalang kung may mabigat talaga siyang rason.
Teka, baka naman hindi nya talaga totoong anak si Red lips?
Eh bakit sinabi noon ni ma'am na 'At kahit kelan ay hindi kita matatanggap'.So ibig sabihin anak niya pero hindi nya lang tanggap.
Pero BAKIT NGA ?! ANO NGANG RASON ?! BAKIT GANUN ANG TRATO NILA SAKANYA? AT HIGIT SA LAHAT , BAKIT MAMAMATAY AKO KUNG MARAMI AKONG MALALAMAN SA LOOB NG DEMONYONG BAHAY NA TO?!!!
BAKIT ,BAKIT, BAKIT GANUN LITSEEEE!!!!
" AARRGGHH ! bakit ba kase ?! Ang gulo naman eh ! "
Inis na inis ko na lamang naibulalas dahil sa pagkalito habang ako ay nagluluto.
Ano ba talaga kaseng rason kung bakit namatay ang anak nina ma'am at Sir. At tsaka bakit nakakulong doon si Red lips...
" Malalaman ko din balang araw."
" Anong malalaman mo balang araw?"
Nagulantang ako nang dahil sa boses na iyon.
Agad kong ibinaling ang gulat kung presenya rito at isang napaka gwapo bata ang nahagip ng aking paningin.
Maputi ito at Medyo may pag brown ang kulay ng mga buhok.
Medyo Matangos din ang ilong ngunit ang mata ay pawang kulay Tsokolate lamang.
Ito na siguro yung isa sa mga kambal na spoiled brat nina Ma'am.
" Ate ano pong balang araw ay malalaman mo din?" Ulit na tanong nito sabay kuha sa isang mansanas na nasa lamesa.
" Ah wala naman "
Pagsisinungaling ko at tsaka ito tinalikuran.
" Ang ganda mo naman ate.Pwede bang pa kiss?"
" Aba't ! Loko ka ah !" Gulat at di makapaniwalang naibulalas ko sabay lingon sa ngayon ay nakangising bata dahil sa narinig.
" Sige na po.Ang ganda niyo kase"
" Hoy ! Bata ka pa .Bad yun.Isusumbong kita sa mama mo sige ka "
Pananakot kong sita at agad naman itong naniwala.
" Okay fine ! Panget kana pala bleee "
Sabay dila pa neto saakin bago tumakbo paalis.
" Ke bata bata pa ang manyakis na ! Tssk, tskk, Loko talaga "
Naiusal ko nalang sa hangin bago tinapos ang pagluluto.
Pagkatapos ko noon ay winalisan ko na agad ang Labas ng Bahay at nang matapos nang mag umagahan ang pamilyang Callejo ay tinawag ko na si mimi sa aming kwarto.
" Mimi, gising na.Mag-uumagahan na tayo"
Sabay tapik ko pa sa natutulog niyang katawan.
Nang mapansin kong hindi ito gumagalaw ay agad akong kinabahan.
" Woi Mimi, Umaga na ab--Teka ba't wala dito yun "
Takang tanong ko nang hinawi ko ang kumot na nakatakip sa akala kong katawan niyo pero pinagtagpi tagpi palang unan.
" Mimi, Naliligo ka ba ? "
Tawag ko ulit pero wala talagang sumagot sa loob ng Cr.
" Woi Mimi ahh ! Wag mokong pinagloloko.Nasan kana ba ?!"
Naiinip kong sigaw at tsaka lumabas ng maid's quarter.
" Mimi! "
Halos trenta minutos ko siyang hinanap ko siya sa loob at labas ng bahay ngunit wala padin.
At nang makita kung lumabas na mula sa garahe ang kotse ng pamilyang Callejo ay agad kong tinungo ang music room.
Baka kase ay nandoon lang nagsususuot yun.Mahilig kase kaming magpamilya sa mga musika at instrumento.
" Mimi ! " Tawag ko pagkabukas ng music room ngunit wala pa din.
Nagsimula na akong kabahan dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon sa tanang buhay ko na umalis syang hindi ko alam kung saan.
" MIMI !!! "
Sigaw ko nang ako'y pababa na ng hagdanan.
Sinubukan kong balikan ang aming kwarto ngunit hindi ko pa din makita ang kapatid ko.
" Anak ng ! San ba kase nagsusuot yung batang iyon ! "
Lalabas na sana ako ng bahay upang hanapin ang kapatid ko nang may isang matinis na boses ang umalingawngaw sa buong bahay.
" MIMI !!!"
Nang mapagtanto ko kung saan nagmula iyon ay dali-dali kung tinakbo ang pinakamataas na parte ng bahay.
Ang Attic .
Saktong pagkabukas ko ng pinto ay naabotan ko si Mimi na may hawak na isang pirasong wasak na salamin at si Red lips na naka upo habang sinasangga ang kaniyang dalawang braso mula sa ulo.
" MIMI ANONG GINAWA MO !"
Galit na galit kong sigaw sabay hablot sa hawak niyang wasak na salamin.
" A-ate "
Gulat na gulat ang kapatid ko nang agad ko siyang inilayo mula kay Red lips na kanina pa nag dudugo ang mga braso.
" Anong ginawa mo sakanya hah ?! "
" A-Ate, B-bakit po may halimaw dito sa bahay nila ma'am? "
Takot na takot ang kapatid ko nang sabihin niya iyon dahilan upang agad akong mapalingon kay red lips at kitang kita ko kung paano ito yumuko at sinikap na huwag maiyak.
" R-red lips "
Akmang lalapitan ko na sana siya nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sahig at saka tumalikod .
" N-No .L-L-Leave "
Malamig nitong tugon.
" A-Ate.Umalis na po tayo dito.Nakakatakot po siya. "
Galit na galit kong tiningnan ang kapatid ko bago ko isara ang pinto ng kwarto at tsaka siya kinausap.
" Ano ginagawa mo dito?! "
" H-Hinanap kase kita kagabi tapos wala ka sa higaan mo k-kaya po nagtaka ako.T-tapos h-hindi po kita nakita hanggang u-umaga k-kaya h-hinanap kita sa t-taas k-kaya n-na------"
" Anong 'Kaya-kaya'.Ayusin mo ang pananalita mo !"
" M-may nakita po akong bukas na kwarto kaya p-pumasok po ako a-ate tapos nakita ko po yung lalaking kuba." Takot na takot niyang paliwanag at mas lalo lamang akong nagalit.
" kaya sinaktan mo ganun ba hah ?! Ganun ba?! "
" N-natakot po k-kase ako eh. Akala ko po nandoon ka tapos sinasaktan ka nya kaya nang lumapit po siya ay agad ko po kinuha ang piraso ng basag na salamin t-tapos po, T-t-tapos po inaway ko po sya " Mangiyak ngiyak nitong sagot .
" Anong inaway ? Nakita mo ba ang ginawa mo sakanya hah?! Tingnan mo ang braso nya ! Away ba yun ?! Nanakit ka na ng tao ! Yan ba ang itinuturo ko sayo hah Mimi ?! Yan ba ?! "
" A-Ate, S-s-sorry po.H-hindi na po mauulit huhuhu "
" Wag ka saaken mag sorry ! Doon ka sa taong sinaktan mo !"
" P-pero po ang panget po niya "
" Hindi porket napapangitan ka sa isang tao ay may karapatan kanang manakit ! Bakit sinaktan ka ba niya ha?!"
" H-Hindi po."
Naka yukong sagot nito.
" O hindi naman pala ! Ngayon Mag sorry ka sakanya "
" P-pero po natatakot ako.B-baka po magalit sya saakin ate " Mangiyak ngiyak niya pagtatanggi ngunit binuksan ko na lamang ang pinto at pumasok kami sa loob ng attic bilang sagot.
" Wala nang pero pero.Mag sorry ka sakanya dahil mali ang ginawa mo "
" O-opo. "
Hinila ko ang kapatid ko papunta kay red lips na ngayon ay labis na natakot nang makita ang kapatid ko.
" Sige na , Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin sakanya " Utos ko sa kapatid ko habang pareho kaming nakatingin kay Red lips.
Nang makita niyang lumakad papalapit ang kapatid ko patungo sakanya ay agad na Umatras si Red lips dahil sa takot.
" K-k-kuya *hik* S-sorry po."
Nakayukong pagpapaumanhin ng kapatid ko ngunit hindi man lang umimik si Red lips kaya naman ay nang makita ng kapatid ko ang nagdudugo niyang mga braso, Ay agad siyang tinakbo ng aking kapatid upang yakapin.
" K-K-kuya sorry po talaga huhuhu hindi ko na po uulitin.Sorry po kuya huhuhuhu.Sorry sorry " Umiiyak na pagpapaumanhin ng kapatid ko sakanya habang siya ang niyayakap.
Agad namang lumambot ang expresyon ni Red lips nang makitang umiiyak ang kapatid ko.
" I-I-I-it's o-o-okay k-k-kid "
Nakangiting sagot ni red lips at tsaka alanganing ginulo ang buhok.
" K-kuya.M-masakit pa po ba? "
Parang tangang tanong ng kapatid ko habang naka tingala sakanya.
" Natural masakit yan. Tingnan mo kayan---- "
" N-No.It's f-f-fine now "
Pagpuputol ni red lips sa pangongonsensya ko.
" Hoy red lips , Ikaw ah wag kang magsinungaling !Naku hindi matututo ang kapatid ko kung pagtatakpan mo nang ganyan ." panenermon ko.
" At ikaw ! Wag munang uulitin yan ah ! Tingnan mo kung ano ang ginawa mo sa kaibigan ko, Mimi ahh, puputulin ko talaga yang mga kamay mo para hindi kana makapanakit " pagbabanta ko.
" Ate, Magkaibigan po kayo?" Gulat na tanong ng aking kapatid.
" Oo, kaya mas lalo akong nagalit sa ginawa mo. Oh sya bumitaw kana sa pagkakayakap at gagamutin pa natin ang kuya mo "
" opo !" Masiglang sagot nito at sabay bitaw sa pagkakayakap .
" Oh Red lips umupo kana dyan at gagamutin pa natin yang mga sugat mo." Sabay turo ko sa kaniyang kama at agad niya namang sinunod.
Habang ginagamot ko ang kaniyang mga sugat sa braso ay kuda naman ng kuda ang kapatid ko.
" At alam mo ba kuya , Yan pong si ate nakakainis po yan pag natutulog kami kase po masyado po yang malikot." Nakangising pagkukwento ng kapatid ko na agad ko namang sinuway.
" Hoy anong ako ! Ikaw kaya yun ! Umiihi ka pa nga eh ! "
" Hahahaha"
At namalayan nalang naming nagtatawanan na pala kaming tatlo hanggang sa matapos na paggamot ko.
" T-t-thank you"
" Wala yun.Kapatid ko naman ang may sala eh.Pasensya kana ah " pagpapaumanhin ko .
" Kuya sorry po talaga.Hinding hindi ko na po uulitin."
" W-w-whats y-your name k-kid?" Nakangiting Tanong ni red lips at tsaka ko lamang napagtantong hindi ko pa pala sila naipapakilala sa isa't isa.
" Ayy oo nga pala, Ito nga pala ang kapatid ko si Mimi at Mimi ito naman ang kuya red lips mo "
" Red lips po?"
" Oo Red lips " nakangising sagot ko habang tiningnan ang ngayong naka yukong Si Red lips dahil sa hiya.
" HAHAHAHAHA ! Pero teka , Paano mo nga pala nabuksan ang pinto nito kanina eh sabi kase ng kapatid ko, nakabukas na to nang makita niya."
Takang tanong ko.
" I-i-i-I know h-how to o-o-open l-l-locks w-w-without a k-key "nahihiya nitong sagot dahilan mapanganga ako sa gulat.
" Oh eh bakit di ka pa umalis ?!" Gulat na gulat kong tanong ngunit tanging mahina lamang na tawa ang kaniyang isinagot.
" Hayyssstt ikaw talaga.Ang weirdo mo.At ikaw naman mimi, Buti't walang tao ngayon dito sa bahay maliban saatin kundi yare tayong tatlo pagnagkaganun." Panenermon ko.
" Pasensya na po"
" Alam mo naman kaseng bawal tayo dito kaya next time, wag kanang pumunta dito ah.Mangako ka sakin "
" Opo pangako ko po.Pero paano po ikaw ate ? At tsaka san ka po ba natulog kagabi.?"
" Syempre dyan lang sa tabi tabi " pagdadahilan ko at nakita ko naman kung paano napa ubo ng kaunti si Red lips.
Agad ko syang tinitigan ng masama kaya naman ay natatawa na lamang siyang tumalikod.
" Oh mag babye kana kay kuya red lips mo at wag nang maraming tanong dahil magtatrabaho pa ako."
" Opo.Babye po kuya red lips."pagpapaalam ni Mimi pero bago ko pa naman tuluyang maisara ang pinto ay agad ko na siyang sininyasan.
" Dito pa din ako matutulog mamaya kaya wag kanang mag inarte dyan "
Pahabol ko bago isinara ang pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/185180254-288-k224867.jpg)
BINABASA MO ANG
HIDDEN PLEASURE
Mystery / Thriller------ Just like every princess in a fairytale , We all dreamed to be loved by a handsome prince.Filthy rich,Smart,Perfect physical looks,Angelic face that matches a bad boy attitude.Admit it.We all want that.Some aren't but I belong to those kind o...