CHAPTER 19

588 10 0
                                    

Napatigagal kaming lahat habang nakatitig sakanila.

Isa laban sa Apat.

Buong akala ko'y hihinto na sila lalo na si Red lips dahil pinapalibutan na kami ng mga tao ngunit hindi.

Lalo lamang siyang nagalit nang makita niya ang mga gulat at nandidiring titig nila sakanya.

Pagkatapos nilang gumulong ay sinundan ko agad sila pababa.

Kitang kita kung paano kumilos ng mabilis si Red Lips matapos nilang gumulong at naiwasan agad nito ang dambang pagsuntok ni Leo.

*PAK PAK*

Ganti ni Red lips matapos maiwasan ang pagsuntok nito.

Habang nagsusuntukan silang dalawa ni Leo ay siya namang pagbangon ni Clyde habang hawak hawak ang sintido at nang makita niya silang dalawa ay agad siyang nagbaladra ng mga suntok dahilan upang makornered si Red Lips.

*BLAG*

Gulat kong natutop ang aking mga bibig nang masaksihan ko kung paano iniharang patayo ni red lips ang pinaka malapit na Lamesa ng mga bisita sanhi upang magsigawan ang lahat nang tumama ito sa harapan mismo ni Clyde.

Agad na pumikot si Red lips upang tadyakan ang lalaking nagngangalang Von dahilan upang tumilapon ito sa pangalawang lamesa.

*PAK*

*PAK*

*PAK*

*PAK*


Laglag panga lamang kaming nakatitig sakanila at nang makita kong kumuha ng pamalo si Leo upang paluin ang likod ni Red lips na ngayon ay nakikipagsuntukan kay Clyde ay agad akong tumalima.

Kinuha ko ang malapit na tinidor mula dito sa kinatatayuan ko at tsaka ibinato sa ulo ni Leo na matagumpay ko namang nagawa.

" FUCK ! WHO DID THAT?!!!! "

Nangangalaiting sigaw ni Leo sapo ang noo.Hindi niya namalayang sa ginawa niyang iyon ay nasa likod na pala niya si Red lips.

Saktong lilingon na siya nang biglaan siyang sinalubong ni Red lips ng mariing Hampas gamit ang upuan ng bisita.

Lahat ng mga bisita ng gabing iyon ay takot na takot habang pinagmamasdan sila.Lalo pa nang makita nilang panandaliang natumba si Leo.

Si Clyde naman ay ginawa iyong pagkakataon upang dakmain sa likod si Red lips upang ibalibag sa pangatlong lamesa na matagumpay niya namang nagawa.

*BLAG*

Pagkatapos niyon ay agad na tinulungan ni Clyde ang lalaking di Drake na ngayon ay nanghihinang bumangon.

" SINNNN !"

Sigaw ko nang makita kong tinakbo siya ni Von habang hawak hawak nito ang putol na piraso ng upuan.

Tatakbo na sana ako sa kabila ng mga nagkukumpulang bisita nang biglaan akong hinila ni Nanay Odeth mula sa likod.

" N-Nanay, Bitawan niyo po ako.Si Sin po please nay."

Pagpupumiglas kong pakiusap at doon ko lamang napansing nandoon din pala sila Nanay Lita,Tatay Rodulfo at Lito na kanina pa nanonood.

" Pabayaan mo muna sila at manood ka nalang.."

" Hindi po pwede nanay ! Tingnan niyo naman po ohh! Ang daming kalaban ni Red lips!"

" At anong gusto mo ?! Pumunta roon at magpakita sa mga Callejo?!! "

" Huminahon kalang anak,Pabayaan na muna natin ang batang iyan.May mga bagay kase na madalas kaming mga lalaki lang ang nakakaintindi.Kilala ko ang batang iyan at alam kong kayang kaya niya iyan.."

Nakangiting pagpuputol ni tatay habang nakatingin sa nagsusuntukan.

Wala akong magawa kundi ang panoorin na lamang sila .

*PAK PAK PAK*

" SINNNNNN !!"

Tili ko nang makita ko kung paano sunod sunod na hampasin ni Von ng pamalo ang naka upong si Red lips na ngayon ay iniharang ang dalawang braso sakanyang ulo.

Hindi huminto sa pagpapalo si Von at habang ginagawa niya iyon ay tila nanghihinang napahiga na lamang si Red lips bago niyo ito Dinaganan upang sana ay dambaan ng suntok.

Which is a very wrong moved dahil pagkatapos niyang daganan si Red lips ay wala siyang kaalam alam na sa kaliwang kamay pala nito nakahawak ang tinidor na hindi namin napansin napulot pala niya kanina mula sa mga nagkatag na Kobyertos.

Sobrang bilis ng pangyayari at hindi ko maiwasang mapasinghap nang itinarak iyon ni Red lips sa kaniyang leeg mula sa likuran sanhi upang gulat na mapatingin sakanya si Von bago hinawakan ang kaniyang leeg na ngayon ay napuno na ng agos ng dugo.

" ARRRCCCKKK!"

Hiyaw ni Von ngunit kalaunan din ay bumagsak ito sinyales na siya ay binawian na ng buhay.

Dahil dito ay napipi ang lahat.Walang ni isang naglakas loob na pigilan si Red lips dahil sa tindi ng galit na makikita sa kaniyang mga mata.

" VOONNN NOOO !!!"

Sigaw ni Clyde bago tinakbo ang kaibigan na ngayon ay walang buhay nang nakahandusay sa sahig.

Ngunit bago pa man nito matuntun ang kaibigan ay dinakmat na siya ni Red lips sa kaniyang kwelyo at hinawakan ang ulo sabay iniumpog sa pinakamalapit na pader nitong salo salo sanhi upang duguan itong mawalan ng malay.

" R-Red Lips....."

Nanunuyo ang lalamunan ko nang dahil sa aking nasaksihan.

Sobrang nangilabot ako lalo pa nang makita kong mas tumindi ang galit ni Red lips habang nakatitig sa ngayon ay nanghihina ngunit takot na takot na si Drake.

Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng ganoong klaseng lakas sa kabila ng kaniyang kapayatan.Hindi ko alam.

Parang siyang halimaw sipain niyang muli sa tiyan si Drake bago dinaganan at pinagsusuntok sa mukha.

*PAK PAK PAK PAK PAK*

*PAK PAK PAK PAK PAK*

" ARRCCHH AHHH---"

*PAK PAK PAK PAK*

Walang tigil dahilan upang mapasinghap ang lahat.

Parang gusto kong tumakbo at pigilan siya ngunit nang makita ko mismo kung gaano ka gulat at laglag pangang nakatitig sina Mrs.at Mr.Callejo sakanya ay napahinto na lamang ako.

*PAK PAK PAK PAK PAK PAK*


Umiiyak ako at garalgal na pinakiusapan sila nanay na pigilan si Red lips dahil tantya ko'y mapapatay niya talaga iyan kapag walang pumigil sakanya.

*PAK PAK PAK*


Sa lakas ng bawat suntok niya ay napapaangat sa hangin ang kamay ni Drake.

Nagkalat ang dugo sa bawat paligid ng kanilang pwesto.

Hindi ko na rin maitsura ang mukha ni Drake nang dahil sa sunod sunod na suntok ni Red lips..

*PAK PAK PAK*

Hangang sa...

" M-M-M-M-MY SON ! AWATIN NINYO ! THAT'S MY SON ! NOOO !!"

Maya-maya pang sigaw ng matandang lalaki na ngayon ay malalaking pangang nakatitig sa kaniyang anak na halos patayin na ni Red lips sa suntok.

Agad na kumilos ang kanina'y tulalang mga bantay at dali dali nilang inialis si Redlips mula sa pagkakadagan kay Drake ngunit hindi pa din ito tumigil at pinagsusuntok pa din niya ito ng may malaking galit sa kaniyang mga mata.

*PAK PAK PAK*

" NO STOP HIM ! "


At nang tuluyan nang maialis ng mga armadong bantay si Red lips at dali daling itinapon ng matanda ang kaninang iniinom na wine bago tinakbo ang anak.

" NO NO NO , CALL THE AMBULANCE NOW!! WHY IS MY SON NOT MOVING ?!!"

Umiiyak na sigaw ng matanda.Laglag panga lamang kaming lahat na napatitig doon at nang may lalaking lumapit upang i checked ang vitals nito matapos magpakilalang doktor , ay sobrang lakas ng tensyong bumabalot sa loob ng silid.

" I-I'm so sorry Mr.Del Fuente but your son's vital is no longer active..He's already dead..."

Pag-iimporma ng lalaking naka black matapos nito i kapain ang katawan ni Drake habang hawak hawak nito ang kaniyang pala pulsuhan.

" N-NO YOU'RE LYING !!!! HE'S ALIVE !!"

Umiiyak na iiling iling ng matanda.

Napasinghap kaming lahat at napasapo na lamang ako sa aking bibig nang dahil sa nalaman.

Umiiyak akong tumingin kay Red lips ngunit walang reaksyon lamang siyang nakatitig sa sawing matanda habang iniiyakan ang nakahandusay na bangkay ng anak nito.

" NO , NO ,NO , NO,H-HE'S ALIVE ! MY DRAKE IS ALIVE ! YOU'RE LYING !!"

Ngunit mas lalo pa atang tumindi ang lahat nang biglaang humahagolhol ang mag asawa sa kabilang Table.

" NO, THIS CANT BE REAL,! BABY VON PLEASE WAKE UP !!"

" NO NO NO, WAKE UP PLEASE ! YOU CANT BE DEAD !!"


Halos maghalumpasay na ang mag asawa sa kakaiyak habang yakap yakap ang malamig na bangkay ng kanilang anak.

Napahagulhol na din ako habang tinitigan sila.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Natatakot na ako kay Red lips pero ayaw ko naman siyang iwan dito mag isa.

Siguro nga ay hindi ko pa talaga siya kilala.

" PLEASE ! HELP US GET THE AMBULANCE !!"

Nakatitig lamang si Red lips sa kanilang lahat habang ang mga bisita naman ay takot na takot siyang tinitigan.

Nang akmang hahakbang na siya ay agad na napa atras ang lahat habang malalaking matang nakatitig sakanya.

Bakas ang pagkagulat,pagtataka at pandidiri at pangamba sa kanilang mga mata.

" Y-YOU !!! GET THIS GUY !!! YOU'LL PAY FOR THIS !!"

Galit sigaw ng matandang ama ni Drake kay Red lips habang umiiyak.

" YOU WILL PAY FOR TAKING MY SON'S LIFE ! HINDI MO ALAM KONG SINO AKO !!"

Malamig na lamang siyang tinitigan ni Red lips habang nakatayo ng walang mababakas na pagkasindak sa kaniyang mga mata.

Natatakot ako para sakanya lalo pa nang makita kong nilalapitan na siya ng di armadong bantay ng matanda.

" Hindi ! Please wag niyo syang sasaktan !"

Mabilis kong iwinaksi ang kamay ni Nanay at patakbong tinungo si Red lips.

Ngayon ay silang lahat na ang nakatitig saakin.

Ngunit bago pa man nila tuluyang mahawakan si Red lips ay nayanig ang lahat sa lakas ng pagsabog ng bomba.

*BOOOOMMMMMM*

" AHHH!!"


Nagsitilian ang lahat.Nagtatakbuhan nang dahil sa labis na takot.

Agad naman akong hinila ni red lips sa pala pulsuhan upang dumapa.

*BOOOOOOMMM*

Pangalawang pagsabog dahilan upang mapatili ako ng malakas.

Pagkatapos niyon ay sunod sunod nang putukan ng baril ang aming nadinig dahilan upang mabasag ang mga bintana at iilang plato.

" Red lips..Natatakot ako huhuhuu"

Umiiyak kong wika.Hinawakan lamang ni Red lips ang aking kamay ng mahigpit nang nasa ganoon lamang kaming posisyon.

Maya maya pa'y nakaisip siya ng paraan upang tuluyan kaming maalis roon.

*BANG BANG BANG BANG*

" AHHHH TULONG TULONG !!"


Sigawan ng lahat.Kinuha ni Red lips ng padapa ang pinakamalapit na lamesa bago iyon Itinakip saakin.

" This is all we have here.Cover yourself with this."

Seryosong wika niya bago iyon iniharang saakin.

" Go straight to the maid's quarter and get your sister."

" H-Hah pero paano ka?!"

" Dont mind me.I can handle myself"

*BANG BANG BANG BANG*

" No ! Sasama ka saken ! Malaki pa naman tong bilugang mesa eh ! Sumabay kana !"


Hindi na siya nakapalag pa nang tuluyan ko siyang hilahin at kaming dalawa mismo ang nakayukong tumakbo patungo sa maids quarter.

" MIMI ! NASAN KANA !?"

*BANG BANG BANG*

" ATE DITO !!"


Sigaw ni Mimi at nang masulyapan namin siya ay hawak siya nila nanay habang nakayuko.

Agad namin siyang tinungo.

" Arielle eto, Nandito na sa bag na ito lahat ng kakailanganin ninyo.Umalis na kayo ngayon din at baka maabutan kayo ng Señora rito!"


Sabay abot ni Nanay lita sa malaking bag.

Gulat na gulat akong napatingin sakanya.

" P-Pero po nanay,.."

" Wala nang pero pero ! Umalis na kayo dahil hindi na kayo maabutan bukas !!"

" Hindi Sasama po kayo saaminnanay !"

" Anak„Sige na..."


*BANG BANG BANG BANG BANG*

Tila palakas ng palakas ang putukan ng mga baril dahilan upang mapaiyak na lamang ako bago kami dumaan sa likod upang umalis.

Nakayuko kaming tatlo habang pilit na dumadaan sa kabila ng siksikan.

" Ahh ARay !!"

Daing ni Mimi habang sapo sapo ang mga paa.

" Mimi ayos kalang? Kunting tiis nalang at malapit na tayo sa kalsada!"

" A-At ang sakit po huhuhu !"


Nagulat ako nang kinarga siya ni Red lips bago nito hinawakan ang aking kamay.

" Lets go..."

Lakad takbo ang ginawa namin papalayo sa lugar na iyon ngunit nagulat kami nang bigla kaming hintuan ng isang Puting Van saktong pagkalabas namin ng Gate.

" Get inside child ! Quick !"

Nagulat ako nang bumungad saakin ang matandang nakausap ko noon nang minsan kong linisin ang nabasag na baso.

" P-Po?"

" Please get inside.I'm harmless.You're sister is bleeding !"


Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay dali dali kong tiningnan ang paa ni Mimi at labis akong nataranta sa nakita dahilan upang agad ko itong ipinasok sa Van at tsaka ako pumasok.

Agad na inakay ng mabait na matanda ang katapid ko pero nang akmang papasok na si Red lips sa Van ay labis akong napatili nang tutukan siya ni Leo ng baril mula sa Likod.

" LABAS ! GAGO KA PUTANG INA MO !!"

Galit na galit niyang bulyaw kaya walang nagawa si Red lips kundi ang pumihit at harapin siya.

Labis na nagulat ang matandang babae pati na ang kaniyang mga bantay sa ginawa ni Leo.

" Apo anong ginagawa mo ?!"


Ngunit hindi siya pinansin ni Leo.

" AKALA MO HAHAYAAN KITANG MAKAALIS DITO HAH?!! YOU SON OF A BITCH ! PASASABUGIN KO MUNA ANG BUNGO MO !"


" L-LEO HUWAG PLEASE PARANG AWA MO NA!"


Umiiyak kong pakiusap

Ngumisi lamang ito bago ipinagduldulan ang ulo ng baril sa sintido ni Red lips.

" PAPAHIRAPAN MUNA KITA AUROSIN BAGO KA MAKAKAALIS DITO NG BUHAY !!"

Galit na galit nitong sigaw kasabay ng pagkasa ng baril.

" HUWAG PLEASE ! HUWAG ! PARANG AWA MO NA SIR LEO ! HAYAAN MO NA KAMI ! "

" A-Aurosin? "


Gulat na gulat namang tanong ng matanda habang nakatitig sa dalawa.

Akmang baba na sana ang mga armadong bantay ng matanda mula sa loob ng Van ngunit agad silang pinigilan ni Leo.

" SIGE PUTANGINA NIYO ! ISANG GALAW AT PATATAMAAN KO ANG UTAK NITONG WALANG SILBI NINYONG APO !"

Nakangising banta ni Leo bago hinila si Red lips at pilit na pinapapasok sa loob ng Gate.

" A-Apo? AuroSin?"

Naguguluhang tanong matanda at napa iyak na lamang ito nang may napagtanto.

" L-Leo please dont hurt him.."

Garalgal na pagmamakaawa ng matanda ngunit tumawa lamang ng malademonyo si Leo sanhi upang mapahikbi ako.

" Leo huwag, Parang awa mo na please.."

" Go now ! "

Sigaw ni Red lips ngunit umiling lamang ako.

" Hindi kita iiwan dito."

Nang tuluyan nang maipasok ni Leo si Red lips sa loob ng Gate ay agad silang umikot dahilan upang hindi na namin sila makita.

Tulala lamang ang matandang babae habang umiiyak.

" I-It cant be my AuroSin r-right? H-hes already dead.."


Iiling iling nitong tanong.Napatungo na lamang ako at umiiyak na nagkwento.

" S-Siya po si AuroSin lola.Nakilala ko po siya d-dahil kinulong po siya nila Señora doon sa attic.."

" DYOSKO!!!"


Natutup ng matanda ang kaniyang bibig bago ito nawalan ng malay kakaiyak.

" Lola ,Lola !!"


--------------------------

Samantala, Habang Nakatutok sa likod ng ulo ni Sin ang Baril ni Leo, Ay walang kaalam alam si Leo na may hawak din palang baril siyang na nakuha niya mula kanina.

Hindi siya marunong gumamit niyon ngunit sapat na ang kaniyang nakita kanina upang magamit niya ito sa kalaban.

" Ang lakas naman ata ng ilusyon mong maghangad na makakaalis ka dito ng buhay ano?! Tssk, Pity piece of shit"

Tahimik lamang si Sin habang nilalakad nila ang malaking rancho pabalik sa bahay pero nang makahanap siya ng tyempo ay mabilisan siyang yumuko at patamaan sa binti si Leo.

*BANG*

" AH SHIT !!"


Gulat na gulat na naibulalas ni Leo bago ito mapaupo.

Agad niyang pinatamaan ng baril si Sin at nang natamaan niya ito sa kanang Braso.

*BANG*

Pero kahit na natamaan niya ito ay patuloy lamang ito sa paglalakad patungo sakanya sanhi upang nangangatal niyang kasain muli ang baril.

" PATAY KANA NGAYON SAAKIN SIN !"

Sigaw ni Leo ngunit nang matapos niyang kasain ang baril at itutok kay Sin upang patamaan ito, Nagulat siya nang ubos na pala ang kaniyang bala.

" SHIT !"


Mura niya.Paatras ng paatras .

Nang itutok ni Sin ang Baril sakanyang ulo ay malalaking mata siya dito nakatitig.

*BANG*

" AHH FUCK !"


Malakas na mura ni Leo matapos maramdaman ang hapdi ng kaniyang balikat.

Yumuko si Sin sakanya bago siya binulungan ng sobrang diin sa tenga.

" I'll let you live for now but the next timed we meet again, I wont hesitate to shoot this in your skull so better avoid me."

Puno ng Galit ngunit malamig niyang bulong na labis namang ikinagulat ni Leo.

Tinitigan niya ito sa mata bago niya sinabi ang kaniyang huling habilin.

" F-Fuck you S-Sin ! Anak ka lang naman ng kasalanan!!.Papatayin kita kaya ikaw ang magtago!!!"

"We'll see. You will have your time and i will have mine.But when i come back, You'd better hide because i'm going to chase you wherever you go.I'm going to hunt all of you.One by One."

Madiin niya wika nang may sobrang galit na kakikitaan sa kaniyang mga mata sanhi upang mapalunok si Leo.

" All of you people who made my life a living hell in this house.And once i caught you, I will do worst than what you all did to me.Mark my word."

" You son of a bitch ! And you think im scared huh?! Fuck you !!"

" I will go for now and be Silent but i will come back Leonardo.I will come back to hunt you and remember this face.."


" The face of a person you have ruined a long time ago and will ruined you back.Destroyed you to every veins of your body.
Because I am indeed born a Sinner. And no sinner agrees to take pain without a payment."


"and You all will be my pain's payment."

Yun lamang ang kaniyang ibinulong bago niya hinampas ang gulat na gulat na si Leo ng baril at tsaka umalis pasakay ng puting Van.

HIDDEN PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon