Hindi talaga ako makapag pukos nang mabuti noon habang nagkaklase ,kaya naman nang mag dismiss na ay mabilis pa sa alas kwatro akong nagligpit ng mga gamit at lumabas ng unibersidad.
This is it..
Kailangan ko siyang makausap..Aminado akong sobrang kinakabahan ako ng mga sandaling iyon.Parang babaligtad ang sikmura ko sa sobrang excitement.
"Wait up!" Nagulat pa ako nang biglang tumakbo paharap saakin si Clyde nang nakangiti.
"Oh Clyde bakit?"
"Are you going to call him ?" Hinihingal niya pang tanong noon at tumango naman ako bilang sagot.
"Oo sana,Magpapaload pako ng pang international eh para maka connect."
"Don't bother" Nakangiting wika niya bago ginulo ang kaniyang mamasa masang buhok at inabot saakin ang kaniyang cellphone.
"Here.
Dito ka nalang tumawag.May load pa naman yan na pang international,sayang naman kase kung mag eexpire na.Wala na kasi akong paggagamitan."
Gulat akong napatingin sa kaniyang cellphone tsaka ako nag angat ng tingin sakanya.
"H-Hah? Naku huwag na..May pang load naman ako dito."
"Yang pang load mo, Idagdag mo nalang pambayad sa dorm mo para makatulong.
Don't worry ,Hindi naman ako makikinig.I'll give you some privacy."
"Clyde..Huwag na talaga.Salamat sa offer pero nakakahiya naman sayo..T-Tsaka, saglit lang din naman ako.."
Alanganin na lamang akong napangiti ngunit nang akmang tatalikod na ako ay laking gulat ko nang bigla niyang hinila ang pala pulsuhan ko at tsaka kami naglakad sa kung saan.
"T-Teka ka lang Cylde..."Ngunit hindi niya lamang ako pinansin mula sa likuran at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa huminto kami doon sa likod ng building kung saan may maliit na bench katabi ng malaking punong kahoy.
"Anong ginagawa natin dito? "
Ngumisi lamang siya bago kinapa ang kaniyang bulsa at hinuli ang mga palad ko.Inilapag niya roon ang kaniyang Cellphone na siyang ikinagulat ko.
"Wag kanang mag inarte.Now make a call.Aalis lang ako saglit.
"Yun lamang ang kaniyang sinabi bago nakapamulsang tumalikod at umalis.Ang weirdo...
Ilang saglit pa akong nakatayo roon habang nakatitig lang sa kaniyang Cellphone,Bago ko napagpasyahang tumawag sa likod ng puno.
Muli na namang sumibol ang kaba at magkahalong excitement saaking buong sistema nang tipain ko ang numero ni red lips.Shit,Umayos ka Arielle.
Get a grip! Huwag kang manginig...Ramdam ko ang pawis sa aking mga palad nang itapat ko ang cellphone sa aking tenga.
[*Ring Ring Ring Ring*]
Nanginginig na napalunok ako ng wala sa oras nang marinig kong biglaang tumahimik ang kabilang linya.
[ Hello?]
Ngunit labis akong nagtaka nang ibang boses ng lalaki ang narinig ko sanhi upang muli ko namang i checked ang numero.Tama naman...
Akmang magsasalita na sana ako ng..
[Hello?---OH SHIT *BANG BANG BANG BANG BANG BANG* FUCKING BITCH HEAD DOWNNN!!!]
Muntikan pa akong mapasigaw nang bigla akong makarinig ng putukan ng baril mula sa kabilang linya.Wrong number ata to...Pipindutin ko na sana ang red bottom to end the call ,ng muli na naman itong nagsalita matapos ang katahimikan.
BINABASA MO ANG
HIDDEN PLEASURE
Gizem / Gerilim------ Just like every princess in a fairytale , We all dreamed to be loved by a handsome prince.Filthy rich,Smart,Perfect physical looks,Angelic face that matches a bad boy attitude.Admit it.We all want that.Some aren't but I belong to those kind o...