Lumipas ang dalawang buwan magmula noon ngunit hindi ko padin alam hanggang ngayon kung ano ba talaga ang pangalan ng lalaking kuba.
Madalas ko na rin siyang binibisita sa kanyang kwarto upang tingnan kung ano nang kalagayan niya pero tuwing gabi lamang iyon dahil masyadong delikado pag umaga.
Hirap pa rin siyang magsalita o pakitunguhan ang presensya ko at naiintindihan ko naman yun dahil alam kong lumaki siyang nakakulong dito.
Hindi sya nagkukwento saakin ni umaktong komportable kapag nandyan ako pero alam kong unti-unti na siyang nasasanay sa presensya ko.
Kaunti nalang at maniniwala na syang wala talaga akong masamang intensyon sakanya.
" Oh, eto na ang pangalawang sweldo nyo"
" Naku maraming salamat po señora"
sabay sabay naming sabi pagkaabot ng sobre na naglalaman ng aming pera.
Agad kong itinabi ang dalawang libo para madagdagan ang ipon ko upang makabili ng bahay at tsaka ako nagbihis para pumunta sa murang pamilihan ng nayon.
Binilhan ko si Mimi ng iilang kagamitan niya sa pag-aaral pati na rin ng iilang mumurahing sapatos at damit.Pagkatapos ay binilhan ko rin ang sarili ko ng mga damit sa ukay ukay upang makamura nang may makita akong T-shirt na panglalaki.
Nagustuhan ko ang kulay itim na T-shirt na iyon dahil alam kong magiging komportable siya dito at magmumukhang malinis kaya naman ay agad ko itong kinuha at namili pa ng iilang Damit panlalaki bago ko ito binayaran.
Dumaan din ako sa mga bilihan ng underware sa tiangge at binilhan siya ng 3 brief.
Ewan, parang ayaw ko na syang nakikita na nagsusuot ng punit punit na damit.Ang hapdi kase sa mata.
Pauwi na sana ako pagkatapos kong mamili ng mga pagkain nang masulyapan ko ang isang bookstore.
Alam kong Naboboryo na sya doon kaya naman ay bumili ako ng iilang mumurahing libro na secondhand lamang na mga Novel para sakanya.Bumili din akong Tagalog na bokabularyo dahil sa totoo lang, Medyo nakakanosebleed na din ang pagsasalita niya ng lenguaheng ingles.
Nang pumila na ako upang mabayaran ang aking mga librong pinamili ay nahagip ng paningin ko ang isang binatang may hawak na sketch pad na kasama ko ring pumipila kaya naman ay agad kong dinukot ang aking bulsa upang matingnan kong kasya pa ba ang pera ko at nang makita kong mayroon na lamang akong 180 ay sobrang natuwa ako.
Dali dali kong itinabi ang sampung piso para sa pamasahe ko at tinungo ang nagtitinda ng mumurahing sketchpad.
Nabili ko ito sa halagang 150 pesos at kumuha ng isang lapis at eraser nang nakangiti.
Alam kong magugustuhan niya ito at na-iimagine ko palang kong ano ang magiging reaksyun nya ang para na akong tangang natatawa.
Pagkabalik ko sa bahay ay ibinigay ko na kay mimi ang mga pinamili ko para sakanya.
" Wow, ate salamat po ah ! Teka ano po yan ?" Takang tanong niya sabay turo sa mga Selopin na naglalaman ng damit panlalaki.
Halos bumundol ang kaba sa puso ko ngunit agad din akong nagdahilan ng kung ano-ano.
" Ah, eto ba ? Hahaha, May pagbibigyan lang akong kaibigan neto sa labas."
Pagdadahilan ko .
" May kaibigan na po kayong lalaki? Wow sino po ?!"
Makulit nitong usisa kaya naman ay agad ko na itong pinapasok.
" Shh, ano ka ba, wag ka ngang maingay, Alam mo baka malate kana kaya puntahan mo na yung titser mo doon." Pagtataboy ko ngunit binigyan lamang ako neto ng nakakaburyong titig.
" Psh ! Aawayin lang naman ako dun eh ! Palaaway po ang mga anak nina ma'am Callejo at lage po akong binubully ate " pagsusumbong nito.
" Aba't loko yun ah ! At nagpaapi kanaman?"
" Syempre hindi po ! Hehehe ako pa " taas noong sagot nito dahilan upang napabuntong hininga na lamang ako at tsaka ginulo ang kaniyang buhok.
" Pero Mimi hangga't maari ay umiwas ka nalang sa gulo hah? Kahit bad yung mga yun wag mo nalang silang patulan dahil nakikitira lang kase tayo sakanila.Yaan mo pag nakaalis tayo dito, Sabay nating gugulpihin yang mga spoiled brat na yan hehehe. Pero seryoso, Hanggat maari ay wag mo nalang pansinin.Pag-inaway ka ay isumbong mo agad sa titser Anne mo o di kaya ay sabihan mo sila na bad yang ginagawa nila ." nakangiti ko tugon bago ko kinuha ang bag nito at pinapasok na sa panghapong sesyon.
Maggagabi na din nang inakyat ko ang kwarto ng lalaking kuba bitbit ang mga pinamili ko.Malakas ang ulan noon kaya naman ay nagdala na din ako ng isang unan at malong dahil alam kong wala siyang unan ni kumot man lang at maginaw doon.
" Hello, Tulog ka na ba ?" Untag ko nang makapasok.
Agad itong napabalikwas sa hinihigaan at gulat akong tiningnan.
" Oh ba't parang gulat na gulat ka ? Lagi naman kitang pinupuntahan dito ah kaya masanay kana sa makapal kong mukha hahahaha"
Natatawang sambit ko na lamang at tsaka umupo sa tabi niya.
" A-a-aren't y-y-you g-g-going to s-s-sleep?"
Untag niya maya maya pa nang pareho kaming nakatitig sa triangulang bintana na nasa kiliran lamang namen.
" Natutulog naman pero ewan.Mas gusto ko munang makasigurong safe ka bago ako babalik sa kwarto ko. Hehehe weird ba yun?"
Parang tangang tanong ko at tsaka ibinaling ang atensyon sakanya.
Saglit kaming nagkatitigan.
Pinagmamasdan ang isa't isa.Ngayon ay hindi na siya nagtatakip ng mukha kaya naman ay nang masilayan ko ang kauna-unahan niyang ngiti ay halos matulala ako.
Yung totoo, Hindi ko talaga alam kong napapangitan ba talaga ako sakanya dahil sya kase yung tipong kahit na halos magkabaligtad baligtad na ang mga buto,Mapuno man ng sunog ang balat at kuba kung tumayo,Ewan ko ba pero mayroon talaga syang kakaibang aura na kahit sinong lalaki ay hindi mapapantayan dahil sa bigat.
" I-I ahmm" Naiilang usal niya at agad ko namang naalala ang dahilan ng pagpunta ko dito.
" Oyy may pinamili nga pala ako sayo kanina eto oh !" Sabay abot ko sakanya ng mga damit na pinamili ko mula kanina.
"Bagong laba yan kaya alam kong mabango yan" nakangiting wika ko .
Inabot niya ang mga damit ng may halong pagtataka.
" W-w-why , I-i-is this f-f-f-for me ?" Gulat niyang tanong at agad naman akong tumango nang nakangiti.
" Oo, Halika isukat natin kung kasya ba sayo" Masaya kong sabi at tsaka ako lumapit upang tulungan syang isukat ang Mga T-shirt.
Naka upo lamang siya sa de sakong kama habang abala ako sa pagtanggal ng pang-itaas niyang damit.
Kitang kita ko kung paano nanginig ang mga tuhod niya nang tuluyan nang matanggal ang Damit na ninakaw ko kahapon kay tatay Lito.
At sa kauna unahang pagkakataon din ay nakita ko na ang mga buto't balat niyang katawan.Kung gaano ka bakat ang kaniyang mga ribs at ang mga naglilinyahang Pasa.
Batid ko'y dahil ito sa Latigo' usal ko sa aking isipan habang hinahaplos ang mga peklat na iyon.
Pagkatapos noon ay isinuot ko sakanya ang mga damit na sumakto naman ang kasya.
" Ngayon tumayo ka at isusukat na natin ang mga pinamili kong pantalon para sayo." Masiglang wika ko.
Alam kong nahihiya sya ngunit pursigido akong makita syang nagdadamit ng malinis dahil alam kong deserved niya yun.
Nang dahan dahan syang tumayo ay tumalikod ako upang utusan syang hubarin ang kaniyang pantalon at ipasoot sakanya ang mga pantalon at damit pantulog na pinamili ko .
Maya maya pa'y...
" H-Hey C-can y-y-you h-h-help m-m-me a l-l-little" nahihiya nito tanong kaya naman ay agad akong humarap upang tulungan sya.
" uhmm..Pwede kabang tumayo ng tuwid? Ay wait aalalayan nalang kita."
Hinawakan ko sya sa balikat at hinay-hinay na pinatayo ng tuwid dahil nagkabuhol buhol kase mula sa likod ang kaniyang sinturon mula kahapon.
Hinay hinay naming itinaas ng kaunti ang pakorba niyang tindig sa paraang hindi siya masasaktan ngunit hindi pa man sya nakatindig ng husto ay sumangko na ang ulo niya sa itaas ng attic.
" T-Teka teka okay na to.Yuko ka lang muna ng ganyan ." pigil ko.
Dali dali akong pumunta sa likod niya at inayos ang sinturong hindi pala naayos ng husto kaya nagkabuhol-buhol.
" ayan okay na ! "
masayang sambit ko at pumihit paharap sakanya.
Pinagmamasdan ko ang pustura niyang nasa ganoong posisyon.
" Alam mo, Siguro kung hindi kalang kuba ang tangkad mo.I think 6 Footer ka din sayang "
" A-a-a-are you t-t-t-talking a-about H-h-height?"
" Yes, Alam mo ba. 5'5 lang ang taas ko kaya kung hindi ka kuba ay mas matanggkad kapa saken"
" O-o-okay?" Takang sagot niya na tila wala ata siyang naiintindihan sa mga pinagsasabi ko kaya naman ay kinuha ko na lamang ang Malaking salamin at itinapat sakanya.
" Tingnan mo ang sarili mo " Masayang pag-aanyaya ko na agad naman niyang ginawa.
Nagulat siya sa repleksyon niya sa salamin dahil ang nakaharap sakanya ngayon ay isang binatang nakasuot ng malinis na damit.Nakatayo ng Pormal na para bang wala siyang deperensya sa pangangatawan.
" H-h-how d-d-did----"
" Alam mo, hindi ka naman talaga panget, Yung totoo hindi talaga.Kaya lang ganyan ang tingin mo sa sarili mo dahil ganyan ang pinaparamdam sayo ng mga taong nasa paligid mo.Wala naman talagang panget sa mundo----"
" S-s-stop , I-i-i dont w-w-wanna h-hear a-a-anything"
" Hey, it's true.Maniwala ka.You are not ugly, You're unique.We all are.You just have to find your own beauty because we all have our own as an individual okay? Kailangan mo lang maniwala sa sarili mo" Puno ng sensiridad kong pagpuputol sa sasabihin niya dahilan upang mapatitig siya saakin bago ako talikuran at bumalik sa pagkakaupo sa de sakong kama.
" W-w-we a-are n-n-n-not on t-t-the same p-p-page. I-I-It w-wasn't t-t-that e-e-easy. T-t-to f-f-feel t-t-this k-kind o-of f-f-feelings i-is b-b-burdening t-too."
Malungkot nitong na isagot dahilan upang tabihan ko ito at tsaka niyakap.
" Alam ko.Hindi ko man naranasan ang mga naranasan mo but i want you to be open to me.Nandito lamang ako para makinig bilang kaibigan." Sabay hagod ko sa likod nito pero nang maramdaman ko ang kaniyang pagkalas ay agad akong nagtaka.
" T-t-thank you b-b-but i d-d-dont w-w-want to h-have f-friends." Iling iling nitong naisagot at tsaka yumuko.
" Bakit naman ? Ayaw mo ba nun?"
" N-no ." Sagot nito.
Napabuntong hininga na lamang ako at tsaka tumayo upang ibigay sakanya ang sketch pad na kasama kong binili.
Napagpasyahan ko kaseng bukas nalang ibigay ang mga libro para mabasa ko muna.
Syempre adik din kaya ako sa mga nobela tsuehehehe.
" Maybe this will help as a friend?"
Nakangiti kong tanong sakanya sabay abot sa sketchpad dahilan upang labis itong magulat.
" W-What i-is t-t-that?"
" Alam kong mahilig kang mag drawing kaya binilhan kita neto para naman hindi kana nagda-drawing sa mga pader hehehe"
Kitang kita kong paano ito natuwa ngunit pinipigilan lamang ang sarili.
" N-no, I-i d-dont like i-it "
kunyare galit nitong turan bago tumalikod.
" Sus ! Alam kung gusto mo to kaya wag kanang mag-inarte dyan.Bahala ka kung ayaw mo may lapis pa naman to tsaka eraser " Pang aakit kong tukso dahilan upang hindi na talaga ito makapagpigil at hinarap akong muli nang nakakunot ang noo at kikibot kibot ang mga labi.
'Sinasabi ko na nga ba ! Gusto mo naman pala kunyare kapa BWAHAHAHAHAHA' demonyong tawa ko sa aking isipan.
" O-o-okay fine ! I-i-i want i-it " Singhal nito na naka pout pa.
' Piste ba't ang kyut ?'
" HAHAHAHAHAHA, so ano friends na tayo?"
" Y-y-yes "
Nahihiya nitong sagot at tsaka ko na ibinigay sakanya ang sketch pad na nabili ko.
Maya' maya pa'y ramdam kong lumakas ang ulan kasabay ng pagkulog at pagkidlat hudyat upang babalik na sana ako sa aking silid at matulog.
" Oh sya, Matutulog na ako bye na good night Mr...uhmmm...ano ba kasing pangalan mo ?!" Naiinip kong tanong sakanya ngunit ngumiti lamang ito bilang sagot.
Akmang tatayo na sana ako nang biglang tumunog ang napakalakas na kidlat dahilan upang maisiksik nito ang katawan sa gilid ng kama.
' Teka takot sa kidlat?'
Gulat na gulat kong naitanong sa aking isipan at tama nga ang hinala ko dahil nang tumunog na naman ito sa pangalawang pagkakataon ay agad na syang nagtakip ng tenga dahil sa takot.
" Pffttttt...Takot ka sa kidlat? "
" I-i-i ahhmmm. Y-y-yes "
Hiyang hiya nitong sagot.
" Ahh okay Hahahahaha. Oh sya pano maiiwan na kita ah,"
Pang-aasar ko sabay tayo at nang hawakan niya ang kamay ko bilang pagpigil ay ramdam ko ang pamumuo ng pawis nito dahil sa takot kaya man ay mas lalo lamang akong ginaganahan at napangisi.
' Aasarin talaga kitang damuho ka BWAHAHAHA'
" A-a-ahmm.C-c-can you S-s-stay a b-b-bit longer?" Nanginginig nitong tanong dahilan upang tuluyan na akong mapahagalpak ng tawa.
" HAHAHAHAHAHAHA, Takot ka pala sa kidlat ? Di ko alam yun ah ! Pero ang kyut padin "
" H-H-hey ! I-i-it's not F-f-funny!"
Suway niya na ngayon ay napapikit na lamang dahil sa hiya at inis.
" Pero inaantok nako "
reklamo ko kahit pa sa kaloob looban ko ay nangingisay na ako kakatawa.
Ewan ko ba, may ganyan lang talaga akong ugali kahit pa noon sa mga magulang ko.
" T-t-then , C-c-can y-you sleep h-here ? "
Gulat na gulat ako sa kanyang paanyaya but at the same time, masaya ako dahil ramdam kong unti-untin na siyang nagtitiwala saakin.
" I-I-I-i'll sleep o-on t-t-t-the floor so y-y-you c-can s-s-sleep h-here " Sabay alis niya sa de sakong kama sanhi upang mahiga ako at hilahin siya pabalik.
" Okay lang sakin na magkatabi tayo.Dito ka nalang matulog dahil malamig dyan sa sahig.Baka mamaya magkasakit kapa. " Inaantok kung usal sabay hila sakanya pahiga.
" Good night na matulog kana "
" N-n-n-n-n-n-night "
Ngunit maya'maya pa'y hindi ko man lamang napansing gumalaw siya ni magpalit man lang ng posisyon mula sa pagkakahila ko kaya lumapit ako at pinakinggan siya mula sa kanyang likod nang mapagtanto kung nagpipigil pala ito ng hininga.
" Aba't hoy ! Bakit hindi kana humihinga dyan ? Oyy ahh, alam kong gising ka pa "
untag ko sabay tayo at agad naman itong napa igik dahil sa gulat.
' Pfftt problema neto?'
" A-A-ah H-hahhahahaha"
" Luh bakit ka naman tumatawa dyan? Anyare sayo?"
Takang tanong ko sabay dungaw upang masilip siya.
" H-hey ! W-w-w-what a-are y-y-you doing !" Gulat nitong naibulalas.
Nakita ko kung paano ito namula mula sa bandang tenga hanggang sa kaniyang mga pisngi.
" Sus, Kala mo naman gagahasain kita .Hoy para malaman mo mister, Nagtataka lang ako kung bakit hindi kana humihinga kung natutu-----"
" S-s-shut up .N-night !"
Pagtatapos nito sa mahabang litanya ko at tsaka ipinikit ang mga mata.
Napabuntong hininga na lamang ako bago ko kinuha ang malong at unan.
Hinawakan ko ang kaniyang ulo pataas upang ilagay ang unan mula sa likod.
Agad nitong naidilat ang mga mata at tsaka kami nagkatitigan ng malapitan.
" Oh ano?, Magrereklamo ka naman, ?Ilalagay ko lang naman tong unan para komportable ang pagtulog mo "
Wika ko habang inaayos ang unan sa ulunan niya nang nakadungaw paharap sakanya.
Kunot kilay kung tinitingnan ang unan sa kanyang ulo upang masiguro kong hindi ba ito masyado mataas ngunit hindi ko namalayang kanina pa pala siya nakatitig sa akin.
" T-teka wag mo munang ihiga ang ulo mo red lips dahil hindi pa ako tapos." Sita ko sakanya habang nakapukos ang buong atensyon ko unan na pinaplastada ko.
" R-r-red l-lips ? " takang tanong nya .
" Oo red lips dahil wala na akong ibang maipapangalan sayo.Kung bakit ba naman kase ayaw mo pang sabihin ang pangalan mo.Pa misteryoso ka pa eh.Oh ayan, Try mo higaan kung hindi ba masyadong mataas "utos ko at agad naman nitong sinunod.
" Okay na ba?"
Tanong ko ngunit pinikit lamang nito ang mga mata at tsaka tumango nang nakangiti bilang tugon.
Nang makita kong komportable na nga siya ay inilagay ko naman sa ibabaw ng katawan niya ang malong bago ako tuluyang mahiga.
" T-t-thank you."
" Walang ano man red lips" Natatawang wika ko bago tuluyang nahiga at natulog.
" R-red lips.I-i like i-it "
Dinig ko pang bulong niya sa hangin bago ako nilamon ng antok.
( Foreshadowing...)
SAMANTALA,
Habang mahimbing na natutulog ang lahat dulot ng malakas na ulan ay may isang di katandaang lalaki ang nagluluksa sa puntod ng kaniyang pinakamamahal na anak mula sa di kalayuan.
Hindi niya ininda ang lamig kahit pa ay halos manginginig na ang kaniyang buong kalamnan.
" A-Anak, P-patawarin mo a-ang papa "
Garalgal na naiusal nito habang hinahaplos ang puntod ng yumaong anak.
Ilang taon na rin ang nakalipas ngunit parang kahapon lang nangyare ang lahat.
" H-Hindi naman ito ang buhay na pinangarap ni papa sayo eh.Patawad anak.Patawarin mo ang papa.Mahal na mahal kita."
Patuloy lamang siya sa pag iyak.Hindi ininda lahat ng lamig dahil sa sobra sobrang sakit ng damdamin.
" K-konti nalang eh ! Konti nalang ! Makukuha kana ni papa ! B-bakit ka pa bumitaw anak. B-Bakit mo iniwan si Papa? Miss na miss na kita.Patawad anak patawad "
Ngayon ay nagluluksa siya sapagkat ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng yumaong anak sa kauna unahang pagkakataon.
Nagagalit sya oo pagka't gusto niyang mabigyan ng isang pormal na libing ang anak.Gusto niyang mailibing man lamang ito sa isang pribadong sementeryo ngunit hindi nangyare.
Nawala kase sya sa tamang pag-iisip magmula noong nalaman niyang namatay ang kaniyang nag-iisang anak kaya naman ay inilagay muna sya ng mga natitirang kamag-anak sa asylum upang magamot ng maayos .
Tumunog ang cellphone nito mula sa bag kaya naman ay agad nito itong sinagot.
[ Hello boss, Hawak na po namin Si Mr.Wang.]
" Hand him the phone" Malamig na sagot nito at tsaka lamang niya narinig ang boses ng nagwawalang si Mr.Wang.
[ Let me go ! Who are you !----]
" Hello Mr.Wang it's been a while."
Nakangising putol nito sa sasabihin ng kalaban.
[ W-Who are you ?! Why am i here?!]
Sagot nito sa kabilang linya.
" Awwss, Aren't you going to greet me my welcome home first' cuz i've been longing to see you " Sabay halakhak nitong malademonyo.
At nang mapagtanto ng kabilang linya ang kausap ay agad itong napasinghap.
[ WALANGHIYA KA ! PAKAWALAN NYO AKO DITO ! WALA AKONG KASALANAN SA PAGKAMATAY NG ANAK MO ! ]
" Mr.Wang, Mr.Wang. tsk tsk tsk.Hanggang kailan ka pa ba magbabago "
Sagot niya naman habang patuloy lamang sa paghahaplos sa puntod ng anak.
[ HOW DARE YOU! SINISIGURADO KONG PAGSISISIHAN MONG AKO ANG KINALABAN MO! MARAMI KAMI AT MAG-ISA KALANG TANDAAN MO YAN HAYOP KA !]
" Oh yea? Tssk tsskk tsssk, I already regret the fact na hinayaan ko pang mabuhay ka ng ilang taon bago kita pinatay " iiling iling pang sagot nito sabay ngisi na para bang nasa harap lang ang kausap sa telepono.
[ P-parang awa mo na, Wala akong kasalanan sa pagkamatay ng anak mo! Nautusan lamang ako ! ]
" Nautusan ka man o hindi, pinatay nyo pa rin ang anak ko ! Pumatay kayo ng inosenteng bata.Walang muwang sa mundo kaya Malas nyo lang at binuhay nyo pa ako dahil sinisigurado kong Gagawin kong koleksyon ang mga ulo niyo" Galit ngunit may diin nitong banta na sanhi upang mas lalong magwala sa takot and nasa kabilang linya.
[ Please p-parang awa mo na ! Y-you want money? I will give you everything you want! My propertie-----]
" I have everything more than what you all have.Now i want your life as a payment . " Malamig nitong putol.
[ Boss, nagwawala na po sya ,Ano na pong susunod na gagawin?]
" Do whatever you want with him but i want his head when i get back" Pagtatapos nito sa usapan tsaka tumayo mula sa pagkakaluhod.
[ WAG ! PARANG AWA MO NA ! WALA AKONG KASALANAN--AHHH!]
Dinig niya pang sigaw mula sakabilang linya bago niya pinatay ang tawa at tumitig sa puntod ng anak.
" He's life is not enough as a payment for your death my son. Mahal na mahal ka ni papa at Pagbabayarin ko lahat ng naging dahilan ng pagkamatay mo." Wika nito at tsaka hinagkan ang puntod ng anak bago nilagay ang isang puting rosas.
" I will give you're death a justice kahit maubos pa lahat ng mayroon ako"
Naiiyak na naman siya kaya naman ay agad na lamang niyang nilisan ang lugar ng tahimik at may poot sa kaniyang puso.
" My baby AuroSin....Miss na miss kana ni papa"
Bulong niya sa kawalan habang patuloy na rumaragasa ang mga luha.
Nagkamali sila ng kinanti ..
Dahil mabubuhay muna ang kaniyang anak mula sa pagkakalibing bago sya titigil....
BINABASA MO ANG
HIDDEN PLEASURE
غموض / إثارة------ Just like every princess in a fairytale , We all dreamed to be loved by a handsome prince.Filthy rich,Smart,Perfect physical looks,Angelic face that matches a bad boy attitude.Admit it.We all want that.Some aren't but I belong to those kind o...