CHAPTER O3

754 14 0
                                    

Lumipas ng isang linggo ang pamamalagi namin dito at natuto na ring mag-adjust ng katawan ko lalong lalo na sa mga gawaing bahay.Noong una kasi ay medyo mahirap dahil nabigla ata ang mga sistema ko sa mabilisang pag-aadjust lalong lalo na sa oras ng paggising.Dito kase ay kailangan kong gumising ng alas 3 y medya para makapaglinis ng rancho at makapaghanda ng pagkain.Tapos kinakailangan kong linisin ang bahay hangang hapon at tsaka ako magpapahinga.

Sa loob din ng isang linggo ay nakilala ko na rin ang dalawa pang kasambahay na umuukupa sa dalawang kwarto ng maid's quarter.Sina Nanay Odeth at nanay Lita na kapwa may edad na at pati na rin sina Tatay Rodolfo na tiga alaga ng mga kabayo sa rancho at si Tatay Lito naman na yun pala ang hardinerong aming napagtanungan.Mahigit Trenta taon na pala silang naninilbihan sa pamilyang Callejo kaya naman ay kabisado na nila ang pasikot sikot ng bahay maliban na lamang daw dun sa dalagang kaedad ko na napaalis lang kamakailan dahil sa paglabag sa mga alintuntunin dito sa bahay.Ang sabi saakin ni Nanay Odeth noong ako'y nagtanong kung bakit kakaunti lang kami ay mula daw nung mamatay ang pangalawang anak ng mag-asawang Callejo ay nagbawas na daw sila ng mga katulong para na rin daw sa pribasiya ng pamilya.

"Ate ano po bang sagot dito sa number 4? Ang hirap po kase ng math eh !" Reklamo ng kapatid kong si mimi at sabay ibinigay saakin ang papel.

"I minus mo lang sa one thousand ang 567 tapos kung ano yung sagot ay dagdagan mo lang ng 54 sabi dito."

" Ahh okay po salamat po ate"

Sa loob din pala ng isang linggo ay pinapasabay na ni Mrs.Callejo ang kapatid ko sa dalawa niyang kambal dito sa bahay bilang mga homeschooled student.Magkasing edad lang kasi silang tatlo ngunit kadalasang nabubully ang kapatid ko dahil na rin siguro ay spoiled brat ang dalawang kambal na lalaking anak nina Mrs.Callejo.

" Arielle, paki linisan mo daw yung Music room sa pangalawang palapag dun sa kabilang kwarto" Untag ni nanay Lita kaya naman ay dali-dali na akong lumabas at tinungo ang music room at nang makapasok ako ay agad ko nang sinimulan ang paglilinis.
Pagkatapos kung tanggalin ang mga alikabok sa taas ay agad ko namang tinungo ang walis nang muntikan ko nang masagi ang isang malaking portrate na nakasampa sa gilid ng pader.

It was a family portrate of them Callejo kasama ang mga anak nito.It was Mrs.Callejo sitting in front with all her glory habang si Mr.Callejo naman ay nakatayo sa gilid holding the left Hand of his Son in who'm i think na nasa Sampung taon pa lamang.
Ngunit hindi iyon ang naka agaw sa pansin ko.
Kung titingnan mong mabuti ang portrate ay may mapapansin kang bata na sa tingin ko ay mga nasa Limang taon gulang pa lamang.Hindi ko alam kung gawa gawa lang ito ng nagpinta ngunit masasabi kong sobrang galing niya nang ito ay maipinta dahil mula sa painting ay klarong klaro ang emosyon ng isang panget na bata.He looks sad and was about to cry in that picture.Nakasilip siya sa gilid ng kortina na nasa bandang kiliran ni Mr.Callejo.Nakatago na para bang gusto niyang makisali pero bawal.
Sobrang nakakaawa....

" Oyy ! Arielle tapos kana dyan anak? Bumaba kana at maghahapunan na tayo" Pagkakatok ni Nanay Odeth at dali dali ko naman naibalik ang larawan pabalik sa kinaroroonan nito.

" O-Opo.Saglit lang po at tapos na to." Aligaga kong tinapos ang trabaho ko at lumabas nang kabado.

" P-pasensya na po Nanay di ko kase namalayan ang oras eh." Pagdadahilan ko.

" Oh sya halikana at tapos nang maghapunan sila Señiora." Wika ni Nanay Odeth at sabay kaming bumaba sa hagdanan patungo sa kusina ng mga Maid.

Pagkarating namin ay agad na kaming naghapunan kasama nila tatay Rodolfo at Lito.

Isa pa sa maganda dito sa bahay na ito ay hindi sila gipit pagdating sa pagkain ng mga Maid kase kung ano man yung kakainin nila Ma'am Ay yun din ang kakainin namin.

Nang matapos na kaming maghapunan ayako na ang nagprisentang mag hugas nang pinggan.

" Ate matutulog na ako ah"
Pagpapaalam ng kapatid ko at isa isa na silang nagpaalam saakin bago nagsialisan sa kusina.

Nasa proseso na ako ng pagbabanlaw ng mga pinggan nang mapansin ko ang prisensya ni Ma'am Callejo.

" Oh, Magandang gabi po Señora, May kailangan po ba kayo?"
Gulat kong tanong ngunit tinanguan lamang niya ako at tsaka kinuha ang Bowl na naglalaman ng mga pinaghalong pagkain.
Napansin ko yun kanina ngunit hindi ko na lamang pinansin dahil akala ko bukas na namin iyon ipapakain sa mga Aso.

Titig na titig ako sakanya habang nilalagyan niya ng tuyo ang Bowl at tsaka mas dinamihan pa ang kanin tapos nilagyan ng Tubig at pinaghalo.

'Teka mag papakain siya ng baboy sa ganitong oras ng gabi?' Kyursusong tanong ko sa aking isipan pero parang napansin ata ako ni Ma'am.

" Hindi kita binayaran para tumunganga dyan at subaybayan lahat ng ginagawa ko kaya umayos ka" Istriktang sermon ni Ma'am na nagpabalik saakin sa tamang huwisyo.

" O-opo" Agaran kong naisagot at dali dali ko nang tinapos ang paghuhugas ko ng plato tsaka nagpaalam.
Ngunit hindi ko tuluyang isinara ang pinto ng aking kwarto upang masilip kung saan dadalhin ni M'am ang bowl at laking gulat ko nang makita ko si Ma'am na nilagpasan ang kwarto namin maya maya lang at inakyat ang madilim na hagdanan patungo sa pinakamataas na kwarto tsaka tuluyan nang nawala sa paningin ko.

That night, Samu't saring tanong ang nabubuo sa isipan ko ngunit lahat ng iyon ay napalitan ng matinding kuryusidad nang makarinig ako ng sunod sunod sa kalabog mula sa itaas.

*BLAG BLAG BLAG*

Lalong tumindi ang kuryusidad ko sa bawat kalabog niyon kaya naman nang masulyapan ko ang natutulog kong kapatid ay isang kahibangan ang pumasok sa aking isipan at ako tumayo upang silipin kung ano ba talaga ang mayroon sa misteryosong kwartong iyon total mukhang tapos na naman si Ma'am dahil narinig ko na ang mga hakbang paa nya pababa.

SAMANTALA ...

Tumawa na lamang ng mapakla ang binata nang dahil sa panibagong kalokohan na ginawa niya. Batid niya kasi'y natanggal na daw yung dating kasambahay na tinatakot niya kaya naman ay gumagawa na naman siya ng paraan upang takotin ang bagong salta..

' hmmm...Hanggang kailan kaya to magtatagal dito?' Wika ng binata sakanya isipan at saka ginamot ang mga pasang natamo niya mula kanina.



HIDDEN PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon