CHAPTER O1

1.1K 13 1
                                    


" Ugh bilis paaa"

" Ah ah Ang sarap "

" P*ta ayan naa "

"Ate , Ano po bang ginagawa nila ? Ang ingay ingay po di ako makatulog " Sambit ng pitong taong gulang kong kapatid na di ko namalayang kanina pa pala pabaling baling sa aming kartong hinihigaan.

" Sshh, Mimi ano ba ! Wag kang maingay.Matulog kana at maaga pa tayo bukas." Sabay hila ko sakanya nang akmang tatayo na siya upang silipin ang butas ng kabilang pader.

" Pero po kase ang ingay ! Kanina pa po sila eh kaya nagtataka po tuloy ako kung anong ginagawa nila dyan."

" Gumagawa sila ng Bata kaya wag munang silipin at matulog kana "

" Hala! Bata po ate? Huwwaw pano po? Patingin" Inosenteng Sagot naman neto at akmang tatayo na naman upang silipin ang nagsisiping sa kabilang pader kaya agad kong hinila pababa.

" Mimi ano ba ! Hindi mo ba naisip kung anong maaring magyayari saatin kapag nahuli nila tayo? Wala tayo sa bahay ngayon at nasa Kalye tayo ! Yang mga yan, mga adik yan at oras na makita ka nila,Lagot tayo pareho kaya matulog kana at wag na wag kang mag-iingay para bukas na bukas din ay aalis na tayo dito at maghahanap ulit ng bagong matitirhan okay? Sige na " Pabulong ngunit may diin kong pagbabanta upang tuluyan na itong matulog. Hinila ko sya pababa at niyakap mula sa likod upang maalimpungatan ako kung sakaling gumalaw man ang kapatid ko.

Oo, Palaboy kami.Walang makain at kung saan saan lang matutulog.
Pero sinisigurado kung pansamantala lamang to dahil maghahanap ako ng matinong trabaho pag tuluyan na kaming makawala sa lungsod na ito.

Mahal na mahal ko ang kapatid ko kaya nagawa ko siyang itakas mula sa kamay ng mala demonyong Tito ko.
Wala na kase kaming mga magulang dahil maaga silang namatay nang bumangga ang sinasakyang dyep pauwi galing sa pamamalengke kaya naman ay naiwan kami sa Tito kong lunong sa droga na halos araw-araw ay naglalasing at palagi kaming sinasaktan o higit pa roon.
Lumayas kami nang walang dala ni isang piso o damit pampalit man lang dahil sa pagmamadali kaya naman eto kami ngayon.
Actually awang awa na ako sa kapatid ko dahil pang limang araw na namin to at sa loob ng limang araw na yun ay wala kaming ibang ginawa kundi ang maglakad ng maglakad palayo sa bahay na aming tinitirhan nang kakaunti lamang ang laman ng tyan.Hindi ko na din mabilang kung pang ilang kahoy na o bahay ang aming nalampasan basta ang alam ko lang ay ang bawat mga hakbang ng aming mga paa ay nagdudulot saakin ng kaginhawaan.

Kunti nalang,Alam kong makakalabas rin kami sa lugar na ito.Wala akong pakealam kung ano nang mangyayare bukas o kung saan kami tutuloy, Basta aalis kami palayo sa walanghiyang tito ko.

KINABUKASAN...

" Mimi Gising na maaga pa tayo "
Sabay yugyog ko sa kapatid kong kanina pa tulog mantika.

" A-Ate! Hayyysstt pagod pa po ako"

" Ahh ganun ba? Oh edi sige , Pwede ka naman sigurong maiwan dyan habang ako ay aalis na ganun ba? " Sarkastiko kung tanong.

Tssskk ito talagang batang toh -.-

" Aayyyssttt opo sama na po ako.Ate naman ehh !" Reklamo niya habang inililigpit ang karton na aming hinigaan kagabi.

" Oh sya ako nang magliligpit nyan.Ayusin mo nalang yang damit mo "
At saka ko inayos ang mga pirapirasong karton na nagkalat sa gilid ng kalsada.

" Ate, Anong lugar na po to ? "

" Ewan hindi ko alam.Tara na " Anyaya ko nang matapos ko nang mailigpit ang mga karton.
Ang totoo, hindi ko talaga alam kung saan ba ang destinasyon namin ngayon basta medyo malayo-layo na rin kami sa aming pinanggalingan. Hindi naman kase kami pinapalabas ng tito ko dahil pagnahuli kami ay tiyak na yari na naman.

Pinagpatuloy lang namin ang aming paglalakad hanggang sa napadako kami sa mga kagubatan.

" Ate, ang layo layo na po natin sa bayan eh gutom na po ako." Reklamo ni mimi.Kaya nman ay panandalian kaming huminto upang magpahinga.

" Teka lang Mimi, Lakad pa tayo baka may kalapit na bayan dito.Dun nalang tayo bumili." Pangungumbinsi ko.

Kahit alam kung halos pang ilang Nayon na ang nadaan namin ay gusto ko pa ding mapanatag kaya naman ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad. At di nga ako nagkamali dahil maya maya pa'y lumitaw na ang mga naglalakihang bahay ng mga taong nakatira sa bayang ito.
Agad kaming bumili ng makakain kahit alam kung 5 pesos nalang ang natira kaya naman ay hindi na ako nakihati pa sa tinapay ng kapatid ko.Umupo kami sa gilidng kalsada habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan kasama ang kani-kanilang pamilya.

Tantya ko'y Pasado alas dos na kaya naman ay hinayaan ko munang makapagpahinga ang kapatid ko.

Siguro dito nalang kami magbagong buhay total maganda rin naman ang bayang ito at mukhang mayayaman pa ang mga ta---
Naputol ang pag iisip ko nang may narinig akong tsismis mula sa kanang banda ng aming likod.

" Ano, totoo ba yan? Aba ! Kay yaman na ng pamilyang iyan at bibilhin pa nila ang karatig lungsod? Grabe mare ! "

" Oo nga , Balita ko'y uuwi daw sa makalawa ang panganay ng mga Callejo.Yung nag-aral sa ibang bansa bilang Sundalo pati na rin daw yung mga kambal na kapatid nito "

" Hala mare ! Aba ipakilala mo dyan yung dalaga mong anak at malay mo ! Hahaha"

" Sus! Di na ako aasa aba ! Ang gara ng pamilyang iyan"

" Hay nako mare ! Sayang din yung isang anak nila noh? Yung namatay? Naku Balita ko'y kaedad lang yun ng anak mo."

" Ahh yung panget ba? Abay oo, Anim na taong gulang pa lang daw yun ng Magka––– "

" M-Mama ! Mama Huhuhu Wala na akong trabaho !"

"Oh anak bakit?"

" Nagalit po kase si Madam Callejo ng aksidente kong Inakyat ang palapag ng Pinaka dulong bahagi ng Maid's Quarter eh kailangan ko lng naman ng mapagsasampayan ng uniporme ko dahil medyo maalikabok po doon sa dating pinagsasampayan ko."

" Aba't ! Bat doon mo pa kasi naisipang magsampay! "

" Tsaka ka cucurious na din po kase kami eh ! Ano ba kasing meron dun sa pisteng attic na yun ! "

" Oh ayan ! Ayan ! Ayan ang napala mo kaya lumayas ka sa harapan ko at maghanap ng ibang trabaho ngayon din.Wala kang kwenta."

" Diosmeyo mare ! "

Pagkatapos kung marinig iyan ay dali dali kung inakay ang kapatid ko.

Ngayon di na kami matutulog sa kalye .Salamat lord at may oportunidad din.

" Ate ano pong meron?"

Hindi ko na lamang pinansin ang kapatid ko at patuloy kaming naglakad hanggang sa may nasumpungan akong ale na nagtitinda ng mangga.

" Ale, San po ba dito yung Hacienda ng mga Callejo? " 

HIDDEN PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon