[0]

233 4 0
                                    


--

*KRING KRING KRING KRING KRING*

Tinakpan ni Lou ang mukha niya ng unan at nakipagtalo sa isip niya kung anong oras na. Alam niyang sinet niya ang unang alarm ng 4:00 a.m. "Maaga pa naman...", naisip niya.

//

DAHAN-dahang inakyat ni Migy ang gate ng kanilang bahay. "Damn you, Michelle!", bulong niya sa sarili habang umaakyat.

Si Michelle ang nakababata niyang kapatid. Nagbilin kasi siya rito na abangan nito ang tawag niya para pagbuksan siya ng bahay dahil gumimik siya kasama ang tropa niya pero hindi ito sumunod sa usapan dahil hindi ito sumasagot sa mga tawag niya. Wala kasi siyang susi ng bahay dahil hindi siya binibigyan ng kopya ng kanyang mga magulang. Gago kasi siya.

Nang makaabot si Migy sa tuktok ay agad siyang tumalon pababa sa kanilang garahe. Napamura siya nang mapahiga siya sa sahig.

//

*KRING KRING KRING KRING*

Umungol si Lou nang marinig na naman ang pagtunog ng alarm niya. Papasukin niya pa lang kasi ang dreamland nang tumunog na naman ang alarm niya. Iminulat niya ang mga mata at tamad na tumitig sa kisame.

"Bakit kasi ang aga ng pasok ko?", tanong ni Lou sa sarili habang nakatitig sa kisame na parang kasalanan nito ang lahat.

*KRING KRING KRING KRING*

"Kingina...", bulong ni Lou at pinatay ang alarm clock niya.

//

AGAD na bumangon si Migy mula sa pagkakahiga at pinagpagan ang sarili. Tumingala siya at tiningnan ang bintana ng kapatid niya. Hinubad niya ang jacket na suot at binato ito roon.

Hindi marunong magdasal si Migy pero sa mga oras na iyon ipinagdadasal niya na sana, kahit iyon lang sana, hindi ni-lock ng kapatid ang pinto ng kanilang bahay. Naglakad siya papunta sa pintuan at dahan-dahang pinihit ang door knob. "Thank God...", bulong ni Migy nang madiskubre na hindi ito naka-lock.

Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto nang hindi ito nagdudulot ng kahit anong tunog. Kung gaano kasarap sa inuman, ganoon naman kahirap pumuslit papasok ng kanilang bahay.

"What the fuck, Michelle!", mahina ngunit pasigaw na sabi ni Migy nang makita ang kapatid niya na sitting pretty sa may sofa. Lalo siyang nainis nang magkibit-balikat lang ito.

"What the fuck, Miguel!", nanlaki ang mata ni Migy nang marinig niya ang boses na nagsalita. Nakita niyang natawa ang kapatid niya.

"P-Pa...", nilingon niya ang ama na nakatayo pala malapit sa may pintuan.

"Huwag mo akong ma-pa-pang punyeta ka!", galit na sagot ng kanyang ama.

"Ma...", bulong ni Migy na narinig naman ng kanyang ama kaya naman hinampas siya nito ng dyaryong nakarolyo na lingid sa kaalaman ni Migy ay kanina pa hinanda ng kanyang tatay.

"Aray ko, Pa!", reklamo ni Migy habang pilit iniiwasan ang hampas ng kanyang ama pero hindi ito tumitigil kaya naman tumakbo siya papunta sa pwesto ng kapatid niya. "Birthday kasi ni Ryan, Pa. Napasarap lang ang kwentuhan", pagsisinungaling ni Migy.

"Lintik ka, Miguel! Patapos na ang taon, hindi pa rin tumitigil sa kakabirthday 'yang mga kaibigan mo!", binitawan ng kanyang ama ang hawak na dyaryo at naglakad papunta sa direksyon nilang magkapatid. "Dinadamay mo pa ang kapatid mo! Imbes na matulog yan ng maaga, paghihintayin mo pa para buksan ang pinto!", singhal ng ama.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon