-[LOURDES]
Wait, something's fishy.
I smell fishy. Potek. Ang init.
Pero seryoso, something's fishy talaga. "Hoy, Joey! Kanina pa nagpapawis kamay mo. Okay ka lang?" simula kasi nang lumabas kami ng accounting faculty hanggang makarating kami ng english faculty hanggang ngayong nakalabas na kami.
"W-Wala! Tara na sa lagoon. Nagugutom na ako!" masungit na sabi nito. Ay, bakit parang kasalanan kong gutom siya?
"Teka, saglit! Si Ry, nasaan? 'Yung gamit ko?" tanong ko rito.
"Oh, sige. Tara balik muna tayo sa room." bumalik na sa normal ang tono niya. Parang gago amp.
Naglakad na kami pabalik sa room. Nauuna siya sa akin tapos ako naman ay nakasunod lang. Nang makarating kami ng 5th floor ay patingin-tingin ito sa paligid. Holy freaking hippo! May crush 'tong gaga na 'to. Ganyan ako, eh! Ganyan na ganyan ako 'pag may crush. Hindi ko muna siya tatanungin. Mag-o-observe muna ako. Unti-unti nating papasukin ang kampo ng kalaban.
Nang makabalik kami ng room ay may iilang estudyante nang naroon na hindi namin kablockmates. Wala na doon si Ry at wala na din doon ang gamit ko kaya naman lumabas agad kami ng room na iyon. "Saglit lang chachat ko si Ry." sabi ko kay Joey habang dinudukot ko ang phone sa bulsa ko kaya tumigil muna kami sa paglalakad.
"Ba't di mo 'yan naisip kanina?" tanong niya.
"Alam ko namang pareho lang tayo, sis. Hindi mo din 'to naisip kanina kasi iba 'yang nasa isip mo ngayon." Tamang segue lang mga sis. Natigilan naman siya. Huri ka barbon!
"Luh." tanging nasagot niya lang.
Hindi ko na naasar pa si Joey nang matanaw ko si Ry na tumatakbo papunta sa kinatatayuan namin. "Sis!" humahangos na sabi nito habang nakatingin sa akin at hindi maipinta ang mukha tapos ay lumipat ang tingin kay Joey.
"Tangina. Nakita mo din?" napatingin ako kay Joey nang magsalita ito. May kakaibang kislap sa mga mata nito. Nalipat ang tingin niya sa akin nang mapansin sigurong nakatingin ako sa kanya. Ilang ulit siyang napalunok tapos ay nag-iwas ng tingin.
"Ha?" naguguluhang tanong ni Ry habang nakatingin kay Joey at kalaunan ay nanlaki ang mata niya.
"Hakdog." singit ko kaya napatingin sila sa akin. "Ah, pota! Saglit! Anong nakita niyo ba? Bakit hindi ko din nakita? Ano ba? Sino ba?" sunud-sunod kong tanong.
"Chris Evans!" sagot agad ni Ry.
"Exactly. He looks like Capt!" dugtong naman ni Joey. "How the fuck is that even possible, 'di ba? May ganoon pala kagwapong nilalang dito sa PUP!"
Nangunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi nila except doon sa part na may 'kagwapong nilalang'. Naiintindihan ko sila sa part na 'yun dahil bihira nga lang makakita ng ganoon dito sa school namin.
"Type mo?" tanong ni Ry kay Joey. Oo, may gulat sa boses nito. Pusong bato kasi si Joey kaya nga excited kami lagi ni Ry sa tuwing may malalaman kaming crush daw ni Joey. Hindi sumagot si Joey, nagpipigil lang ito ng ngiti tapos ay nag-iiwas ng tingin. "Gagi, 'di pwede!" sambit muli ni Ry nang mapansin ang naging gesture ni Joey. "Bebe 'yun ni Lou!"
"Ay, may jowa?" malungkot kong tanong. "Sad nama--- HA???" naputol ang sasabihin ko nang marealize ang sinabi ni Ry, idagdag mo pa ang tingin nito. Lou? Ako si Lou, 'di ba? Lou, short for Lourdes.
Nabalik ako sa ulirat nang biglang hawakan ni Joey ang magkabilang-balikat ko. "Tangina mo, Lou. May jowa ka na? Ha? Pa'no?!" Sinamaan ko ng tingin si Joey. "I mean, I understand. Natipuhan ko lang naman. Hindi ko pa naman mahal kasi kadiri na kapag ganu'n pero paanong nagkaroon ka ng ganoon kapoging bebe? "