[12]

19 2 0
                                    

--

[LOURDES]


"Hoy, Lourdes. Nag-abroad ka ba? Walang paramdam, ha!", bungad sa akin ni Joey pagkapasok ko ng room. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente. Ganyan magsalita si Joey dahil laging aktibo ang group chat naming magkakaibigan at marahil ay nagtataka sila dahil tatlong araw din akong walang paramdam.


"Oo, galing ako New York." pagsakay ko sa pabiro niyang tanong. "New York, Cubao."


Nang makita kong babatuhin ako ni Joey ng notebook ay tumakbo agad ako palabas para kumuha ng upuan. Kakaunti lang kasi ang upuan sa loob at lahat ay may nakaupo na. Hindi ko naman napansin na nasa loob na si Ry. Sa ikalawang kwarto na bakante mula sa kwarto namin ako nakahanap ng upuan. Nakakawala talaga ng poise sa school na 'to, 'yong tipong awrang-awra ka tapos tamang hila ka lang ng upuan sa hallway. Nang makapasok na ako sa loob ng room namin ay sa tabi ni Joey ko ipinuwesto ang upuan ko.


Busy si Joey sa phone niya. Sana ol may phone. Huhu. Charing, meron naman ako. Naisip kong mamaya na lang ikuwento sa kanila ang nangyari sa akin para kasama din namin si Ry. Inilabas ko ang phone ko na de pindot. Heto muna ang gagamitin ko bilang wala pang budget ang nanay ko pambili ng bagong phone. "Wow, old fashioned!", komento ni Joey. Wala talagang nakakaligtas sa mga mata ng babaeng 'to.


"Tawag dito?", saad ko na parang nagiging henyo. "Cellphone." maikli kong sabi at binelatan siya.


Itinaas niya lamang ang gitnang daliri bilang sagot. Wews. Konpi. Hahaha. Hindi ko din alam bakit ko nilabas ang phone ko, e. Flex ko lang, bakit ba? :p Dejoke! Actually, iniiwasan ko lang talaga tumitig dahil bigla kong naaalala si Migy. Kinangina. Ayan, naalala ko na naman. I mean, I've been resisting this feeling ever since. Simula ng unang encounter namin, aminado naman ako na attracted ako sa kanya pero pinipigilan ko lang kasi hindi ko naman deserve ang magustuhan siya. 


Hanggang sa nagsunod-sunod na ang pagtatagpo namin at sa bawat pagtatagpong iyon ay may kung anong pumipitik sa loob ng dibdib ko. Ang weird kaya ng ganoong pakiramdam! Kala ko talaga ay huling beses ko na siyang makikita ng gabing iyon sa Jollibee, to the point na todo iwas pa akong tumingin sa kanya dahil ayaw kong maging sanay sa existence niya. Sa paborito kong estranghero. At saka kailangan kong itatak sa utak ko na taken na siya. Kasi awit 'yon mga mamser!


Kaya nagulat talaga ako nang magtagpo na naman ang landas naming dalawa. Tapos iyong huling oras na magkasama kami ng gabing iyon? Alam ko sa sarili ko na bumigay na ang puso ko na pinipilit kong pigilan na makaramdam ng kahit ano para kay Migy. Myghad! Ang wholesome, Miss Lourdes, ha. Pinigilan kong mapangiti dahil mukha akong tanga kung ngingiti ako ngayon. Wahahaha.


"Luh, anong nangyari diyan?", bigla akong napatingin sa nagsalita. Si Ry iyon. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin at halatang napatigil ito sa paglalakad base sa pwesto nito na nakatayo habang may hawak na upuan.


Nginitian ko siya ng malaki. "Hello, Raiza!", bati ko sa kanya. "Hehe."


"Wow, Lou! Bakit ako hindi mo binati ng ganyan?", biglang singit ni Joey.


Tiningnan ko si Joey at nginitian din. "Love you, Joy!", sabi ko sa kanya at sinamaan naman niya ako ng tingin.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon