[3]

23 4 0
                                    


--

[LOURDES]

Isa lang naman akong simpleng mamamayan ng Pilipinas, isang bansa na malapit nang maging probinsya ng Tsina. Ok, charot lang! Ni sa hinagap hindi ko inaasahang makakadaupang palad ko ang ideal guy ko. Matangkad, mabango, hmmm... gwapo pa. Gigil ako sis! I WANT TO DEAD!

Pero syempre mapaglaro ang tadhana, hindi naman lahat ng ideal natin, ginawa para sa atin ni Lord. <|||||3 'Yung tipong ang ganda na ng takbo ng future niyo sa utak mo tapos madidiscover mong may juwa pala.
:(((((((((( Shet. Ang drama. Taena, Lou! Ang alak nilalagay sa tiyan, hindi sa utak!

Lintik. Saan na nga ba ako papunta??? Hahaha. Yung ihi ko yata naging butterflies na in my stomach. AyiiiiEeeE.

"BABE!"

OH MY---- Syempre 'di ako lumingon, wala naman akong jowa ihhh. Feeling ko 'yung sumigaw ay 'yung matangkad na lalaki na tinawag na baby nu'ng magandang babae.

Hinilot ko ang mata ko nang maramdaman kong dumudoble na ang paningin ko. Naknampotchi naman. No oNe iS wEaK in tHiS neIgHborhOod.

"Hey babe!", napahinto ako sa ginagawa ko nang may humawak sa braso ko. Pati yata tenga ko, may mali na???? "You okay, babe? Sabi ko naman kasi sa'yo, samahan na kita eh."

Napangiwi ako sa narinig ko. Pinagtitripan na naman ako ng gagong Ben na 'to. "Naknampoka naman, Ben. Anong ba---", nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang may hawak ng braso ko at hiniling na sana hawakan niya na lang ako forever. Charots. "Ha? Ha." Oh, hell. This situation is very memeable.

"M-Migy?", napatingin ako sa nagsalita. Nakakunot ang noo ni ateng maganda at halatang hindi makapaniwala. Sis, same! "Aren't you lost?", tanong nito at minata ako mula ulo hanggang paa tapos mula paa hanggang ulo. Oh, diba alang nagbago? Jeans from divi at damit from taytay. Ah-ah, at wag nating kalimutan ang aking disruptor from fila divisoria branch.

"No, Carylle. I know my way home...", sagot nitong si Migy. Shuta mga sis! Pagkasabi ng home, tumingin sa akin! AaaAck!

"You're joking, right?", tanong ni ateng maganda. Tiningnan ko si Migy at hinintay ang sagot nito. Para akong tanga dito mga sis. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. "Right, girl?", nagsalita muli ito nang hindi sumagot si Migy kaya sa babae naman ako tumingin. "In fact, you don't look like someone Migy knew. Or someone na magugustuhan ni Migy", may disgusto ang tono ng pananalita nito.

Itinusok ko ang dila ko sa loob na pisngi ko. Ang alam ko iihi lang ako pero bakit parang yung buong pagkatao ko ang naihian?

"I'm sorry, Carylle. But we need to go...", tanging nasabi ni Migy at dumulas ang pagkakahawak niya mula sa braso ko papunta sa kamay ko.

Hihilahin na sana ako nitong si Migy nang magsalita ako. "Bitaw...", mahina lang ang boses ko dahil ayaw ko siyang mapahiya. Lumipas muna ang limang segundo bago ko naramdaman na binitawan niya ang kamay ko.

Humarap ako kay ateng maganda. Maganda lang. "Aanhin ko naman ang ganyang kagandang mukha kung iniiwasan naman ako ng taong gusto ko?" Yes, my drunk self has the audacity. Napaawang ng kaunti ang bibig niya dala marahil ng gulat sa narinig. Magsasalita na sana ito pero hindi ko ito hinayaan. "And yes, Carylle, we have to go!", hinawakan ko ang kamay ni Migy at tahimik na hiniling na sana sumunod ito sa akin. Sorry not sorry, Carylle, hindi ako nabigo hehez.

"Migy!", may inis sa boses na pagtawag ni Carylle sa lalaking hawak ko ngayon. Hindi ko alam kung nilingon pa ito ni Migy dahil deretso lang ang mga mata ko habang naglalakad. Marami na rin kasi ang naagaw ang atensyon dahil sa amin kaya naman act normal lang ako at hindi na pinansin ang mga mata nilang nakamasid.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon