[4]

20 4 0
                                    


--

[LOURDES]

"Hmm..." tinakpan ko ng unan ang mukha ko dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana.

*TIK-TI-LA-OK*

"M-Migy? Aren't you lost?"

"No, Carylle. I know my way home..."


Napamulat ako ng mata. Ang bilis ng tibok ng puso ko. "Shet!!!", bumangon ako at napahawak sa dibdib ko. "AHH!", nagitla ako nang mapatingin ako sa gilid ko at naroon si Ry. "Poka naman, Raiza! Bakit gising ka na?"

"Kasi di ako uminom kagabi?", sagot nito na animo'y nagiging lohikal siya.

"Tss." sagot ko lang nang marealize na ang tanga pala ng tanong ko. Hinilot ko ng sentido ko habang paulit-ulit na nagp-play sa utak ko 'yung nangyari kagabi. "Shet! Shet!", bulong ko.

"Kinikilig ka ba?" napatingin ako kay Ry tapos ay nakagat ko ang labi ko dahil sa tanong niya. "Kinikilig nga."

"No!" depensa ko agad at umiling. "First time kasing nangyari sa akin, tinawag niya kasi akong babe, hinawakan niya kamay ko tapos may isa siyang statement na sinabi implying that I'm his home." tiningnan ko siya at para siyang may hinihintay na sabihin ko. "Oo na! Kinikilig ako!"

Binato niya ako ng unan dahil sa sinabi ko. "Ang harot mo, Lourdes!"

"I have all the chance para humarot, Ry, pero mas pinili ko maging wais."

"Ha?" gusto ko siyang saguting ng hatdog kaso baka palayasin ako ihhh. Kaya naman, kinuwento ko sa kanya lahat mula sa pagkakabangga ko dun sa Migy, kung gaano nito kahawig si Captain America at kung gaano ito kabango hanggang sa pagtataray ko sa kanya sa may gilid ng CR.

Napangiwi ako nang kunin niya ang phone niya. Bastos 'to. Kausap ako tas biglang magseselpon. "Kakatext lang ni Marga." nagsalubong ang kilay ko. Sino si Marga? "Kinakabahan na daw siya sa'yo. Kakampi na lang daw siya kay Cassie."

Tiningnan ko siya ng masama tapos ay binato siya ng unan. Kadenang ginto fanatic kasi si Ry. "Just be thankful, Lou. Ang bait pa din sa'yo ni Lord kasi imagine 18 years ka ng uhaw tapos may nameet kang kamukha ni Chris Evans tapos naging bebe mo pa ng 1 minute."

Kunwari di ko narinig 'yung uhaw ako at tamad na sumandal sa pader "Ehhhh! Ayoko naman kay Chris Evans! RDJ is the love of my life!" parang batang pagmamaktol ko.

"Arte mo, girl ah! Kesa naman kamukha ni Thanos 'di ba?"

Tumango ako. "May point ka." seryoso kong sabi.

"Alam mo, Lou. Matulog ka muna. Mukhang may tama ka pa, eh."

"Nalilimutan ko na 'yung mukha nu'ng lalaki, ni Migy. Kapag inaalala ko, mas nangingibabaw 'yung mukha ni Chris Evans." nakasimangot kong sabi. Hindi naman sa nanghihinayang ako. Siguro mga slayt lang hehe. Bakit ganu'n? Panaginip lang ba 'yung kagabi kaya ang dali kong makalimutan ang mukha niya?

Mahinang tumawa si Ry. "Ang rupooook, sis! Okay lang 'yan para 'di ka na mag-expect. One-shot kilig lang 'yung naranasan mo kagabi."

May point na naman si Ry. Kunsabagay, expectation is the root of all heartache. Charot not charot.

---

[MIGUEL]

"Migy!" bumagal ang paghakbang ko nang makita ko si Carylle na kumakaway habang nakatayo sa harap ng AB Building. Nagtaka naman ako dahil hindi niya ako tinawag ng 'baby'. What is she up to?

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon