--
[LOURDES]
Hindi ko talaga ini-expect na makita si Kano ngayong araw. Ba't ba hindi ko naisip na posibleng makita ko siya e malapit nga lang pala pinapasukan niya rito? Badtrip. Kaya wala talaga akong nagawa kanina nu'ng makita ko na paalis na si Migy. Hello, siya kaya pakay ko rito. >___< Alam kong nakita din nila Ry at Joey si Migy at alam kong Nakita nila kanina ang naging tinginan namin. Alam kong na-awkward-an din ang dalawa kanina kay Kano kasi hindi masyadong dumadaldal ang dalawa. Hindi na nga nila inungkat 'yong chika tungkol sa momol dahil pasimple kong sinabi sa kanila na si Kano ang lalaking iyon.
Nag-presinta din si Kano na sumama sa amin at dadalhin niya daw kami sa paborito niyang kainan dito sa P. Noval. Medyo napawi na ang awkwardness no'ng kumakain kami dahil nagtatanungan na sila ng personal na bagay. Ako naman ay hiniram ko ang phone ni Ry at sa hindi malamang pwersa ay naisip kong i-chat si Migy. Ewan, hindi ako makontento na gano'n lang ang nangyari kanina. Tinginan lang??????? Ulols. Sayang pamasahe, oy! Kaso failed tayo mga ser kasi lumipas 2 hours, alaws reply from the main ssob. At bilang ako ay makapal ang mukha ay nagbigay pa ako ng palugit for him. Awieee. SabE q antayEn q sha. Hihe. Pero hanggang 8 lang, ah. Syempre, charot lang 'yon. Willing to wait po ako. (--,)
Since ang daan ng dalawa ay sa Recto, hindi na ako nahirapan pang mag-isip ng papalusot ko kung sakaling malaman nila na mag-I-stay ako. Si Kano naman ay babalik pa daw FEU dahil may class pa daw siya ng 8 to 9pm. Weird ng oras amp. Pero bago siya umalis ay kinuha niya muna ang number ko kasi crush niya nga ako. xD Charot! Ako din naman, e. Parang crush ko pa din siya. Cute niya kaya! Pero my heart is belonging of others, e. Nudaw???? Hahahaha.
So ayon nga, tamang waiting lang ako here sa 7/11 hanggang umabot ako ng 8pm pero walang sign of him. :((( Maghihintay pa ba ako??? Syempre! Willing to wait nga, e. Naisipan ko munang mag-ikot-ikot sa store para kunwari 'di ba, may bibilhin ako. Bawat tunog ng door chime ay tumitingin ako sa pintuan. Nasakto naman na nasa likod ako ng rack nang tumunog ulit ang chime kaya naman ang ginawa ko ay inihilig ko na lang ang ulo ko para silipin kung siya na nga ba ang pumasok at mga mare sis, 'di ko napigilan ang sarili ko na ngumiti ng pagkalaki-laki nang makita ko si Migy. Panes, y'all!!!!
"Hi!", bati ko sa kanya pagkalapit ko. FC ako ba't ba!!! Tutal FC din naman kami in the future, Forever couple. Hihi. Shareng!
As usual, seryoso na naman ang itsura niya. "I thought hanggang 8 lang?", he asked. Grabe 'yon mga ser. Hindi ko kaya siya hinihintay.
Sasagutin ko na sana siya kaso 'di niya pa nga pala ako nililigawan??? Joks. May papasok kasi sa pinto kaya naman hinawakan ko siya sa braso at hinila para hindi sila magbanggaan. Tamang tsansing lang sau beh,,, xD "Nakaharang ka sa daan. Hehe." paliwanag ko sa kanya. Mamaya isipin niyang nantsatsansing ako e totoo naman. Wahahaha. "Hm, ang daming pasahero pa din na naghihintay kaya naisip ko muna magstay." palusot ko. Oy, totoo kaya 'yon. For sure, nando'n pa rin ako hanggang ngayon sa sakayan if ever. "Labas tayo? Ang lamig dito, e." yaya ko sa kanya. Legit mga erps, ang lamig. Hindi ganoon kataas tolerance ko sa lamig, e. Exception do'n si Migy, syempre.
Nang tumango siya ay nauna na akong maglakad palabas at nang makapuwesto na kami ay dali-dali kong nilabas ang hoodie niya na binalot ko pa sa papel. Iyong parang grocery bag. "Alam kong mukhang pandesal pero 'yan 'yong hoodie mo. Thank you sa pagpapahiram." I said with the sincerest tone I can and smiled afterwards.